#15-Special Chapter

2 1 0
                                    



"Dili! Magluto ka na dyan, gutom na ako!" Sigaw ni Tito Jules sa akin habang nasa kusina ako.


Habang siya ay nagtungo sa sala at binuksan ang TV saktong balita ito.


Naglabas na ako ng ingredients para sa lulutuin kong kare-kare.


"News Alert!........Napag-alaman ng lahat na si Major Arzon ng East Timor ay may tinatagong anak. Siya si Aires. Matatandaan na sinabi ng magasawa na patay na ang kanilang kaisa isang anak ngunit nakita itong sinugod sa hospital ng East Timor. Napagalaman ng lahat na may sakit palang Xeroderma Pigmentosum o mas kilala sa tawag na XP. Ang XP ay isang uri ng sakit sa balat kung saan hindi pwede itong maexpose sa araw, kinahiya ng magasawa ang kanilang anak kaya itinago nila ito sa kweba sa dulo ng East Timor kung saan hindi lumabas ang binata sa loob ng mahabang panahon."

Nakikinig ako habang naghihiwa ng sibuyas. Napatigil ako.

"Ito ang ilang mga residente sa bayan ng East Timor, ano po ang masasabi niyo?"

"Hindi makatarungan iyon, hindi dapat tinago ni Najor Arzon ang kaniyang anak kahit may ganoong klaseng sakit ito" Rinig kong boses ng matandang lalaki.

"Ikaw po anong iyong masasabi?"

"Hindi dapat tinatago ang ganoong ka gwapong anak" Boses naman ng bakla.

"Kayo po?"

"Hindi sana itinago ni Major Arzon iyon dahil hindi naman namin huhusgahan ang anak niya, naaawa ako sa bata, dapat ay ibagsak sa pwesto si Major Arzon!" Rinig kong boses ng Matandang Babae.

Ilan lamang iyon ang narinig ko sa balita.

"Eto naman ang pahayag ng binatang si Aires, siya ay mabuti na ang kalagayan ngayon" Napalingon na ako sa TV.

Nakita ko si Aires sa TV. Seryoso lang siyang nakatingin sa camera habang nakaupo. May nakakabit na detrox sa kaniya. Nakahospital gown siya at nakakumot ang kalahating katawan niya.


"Hello po, ako po ang kaisa isang anak ni Major Arzon, hindi po totoong patay ako dahil buhay na buhay po ako." Pakilala niya. Sumilay ang ngiti sa aking labi.

Sa wakas, nangyari na ang nais niya.

"Laking pasasalamat ko po dahil nabuhay pa ako sa kabila ng nangyari nung araw na iyon........at sayo rin...... nagpapasalamat ako sayo ng sobra sobra" ani Aires habang seryoso ang tingin sa camera.

Ako ba ang sinasabihan niya non?

Malamang hindi! Bakit nagpapasalamat sayo si Aires eh ikaw nga ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay. Tss.

In somehow I'm glad that he survived and didn't die but in someway I also disappoint that i didn't kill him.

But it doesn't matter though, as long as my best friend is beside me. I'm happy.


FairyDarkAvi

Thank you my princess for reading.

Let's keep secret the lesson of this story in our own.

See you to my next story. Spread strength.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now