#06-F

2 2 2
                                    



"Wow. Paano mo nakuha yon?" Tanong ko kay Aires. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Tinulungan niya ako sa mga assignment ko dahil nahihirapan ako. Nalaman ko rin kasi na pareho kaming grade 10 at pareho ng inaaral ngayon.


"Tinuro ko na hah! Hindi ka nakikinig!" Sermon niya kaya tinarayan ko siya.


"Nakikinig ako, ang bilis mo lang magsalita, pakiulit, please?" Nagpuppy eyes ako kaya napailing iling na lang siya.


"Ganito......" Tinuro niya ulit pero nakatitig lang ako sa kaniya.


"Don't stare at me" Aniya. Tinarayan ko siya. Oh? Did I? Napakaarte niya.


"Naisip ko, maghome study na lang din kaya ako?" Nakangiting tanong ko at pumalumbaba.


"Don't. It's boring" sagot niya na nakatingin sa bintana.


"Alam ko, boring kung magisa lang akong magaaral sa bahay kaya naisip ko na dito ako mag ho-home study, sabay tayo para may kasama--" He cut me off.


"Ano!? Hindi pwede!!" Sagot niya agad at nilingon ako.


"Bakit naman?! Sabi ko naman sayo, mas okay sa aking makulong sa bahay basta kasama ka!!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Napatigil naman siya, tumitig siya sa akin saglit bago nagiwas ng tingin. Tumayo siya at humarap ulit sa akin.


Nakatingala ako sa kaniya.


"Wag mo ng uulitin yang sinabi mo hah!" Aniya at dinuro duro ako.


Nakakunot noo ko siyang tiningala. "Alin? Yung gusto kong makulong dito basta kasa--"


"Sabing 'wag mo nang uulitin yan e! Baka......." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya.


Tumayo ako at mas lumapit sa kaniya. "Baka? Baka ano?....." Tanong ko.


Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Ang tingin niya sa aking mata ay lumipat sa aking labi. Kinagat niya ang ibabang labi niya.


"B-baka.....Baka hindi na kita tulungan diyan sa assignment mo!" Aniya kaya agad akong naupo ulit. Tinaas ko ang dalawang kamay ko. I'm surrendered.



"Hindi na promise, hindi na mauulit" parang batang sabi kong sabi. Tumawa siya ng bahagya at tumabi na ulit sa akin.



Tss. Kung hindi lang ako bobo pagdating sa math ay baka kanina ko pa siya inasar ng inasar na gusto ko siyang makasama makulong dito sa kweba. Totoo naman kasi ang sinasabi ko.


"Nagulat nga ako na may lola pa pala ako, akala ko nasa langit na siya, kahapon lang ulit kasi siya nagpakita" Matapos namin gumawa ng assignment ay kinwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon pagkauwi ko.


"Wait, diba sabi mo birthday niya? Anong winish mo para sa kaniya?" Tanong ni Aires.


"Hmmm. Sabi ko lang sana hindi pa iyon ang huli" Sabi ko at nagkibit balikat. Agad naman siyang humalakhak ng tawa. Inis na nilingon ko siya. Anong nakakatawa doon?


"Seriously? Sinabi mo iyon sa harap ng Lola mo? Grabe ka Dili" Sabi niya sa kalagitnaan ng pagtawa niya. Napatingin naman ako sa ngipin niya.


"The rumors are so fucking fake. You don't have a fangs, besides you have a complete set of teeth, yung mga nagkakalat talaga ng chismis sa school ang mga bampira e" Sabi ko at uminom ng yakult. May ref kasi si Aires dito sa loob ng kwarto niya. Pero mini ref lang.


Sobrang ganda ng kwarto niya pero walang internet dahil dulo na ito ng syudad kaya naman hindi na abot dito ang signal. Sobrang boring siguro dito.


"Anong sabi mo?" Tanong niya.  Umiling iling ako.


"Pahingi pa kako ng yakult"


"Sige, kuha ka lang sa ref, sayo na yan lahat" Aniya, kaya tumayo ako at kumuha ulit.


Nagpatuloy kami sa paggawa ng assignment ko ng matapos na rin kami sa wakas.


"Hayst! Natapos den, Tara!" Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa harap niya. Nakakunot noo naman niya akong nilingon.


"Tara saan?"


"Maglaro na tayo" Nakangiting sabi ko pero nawala rin ng umiling iling siya.


"Sa tingin ko ay kaylangan mo ng umuwi" Aniya kaya tumingin ako sa wall clock ng kwarto niya. Nakakunot noo ko siyang hinarap.


"4:20 pa lang--" He stood up and cut me off.


"Oo, pero nagaalala ako sa tuwing umuuwi ka ng papalubog na ang araw, delikado para sayo, lalo na't mag isa ka---"


"Hindi ako mag isang umuwi" Sagot ko. Nagtataka naman niya akong tinignan.


"Ano?"


"Kasama ko palagi ang kaybigan kong pumunta rito, kaso hindi siya sumasama sa akin papasok dito"


"You mean, lagi siyang nasa labas at iniintay ka?" Naguguluhang tanong niya. Nagkibit balikat lang ako. Siguro. Ewan. Palagi naman siyang nasa tabi ko kapag pumapasok lang ako dito ay wala siya. Pero may isang beses ko siyang nakitang nasa loob ng kweba nung gumawa kami ng apoy ni Aires. Hindi ko lamang sigurado kung siya yon.


"Pero bakit hindi siya pumapasok dito?" Tanong pa niya. Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam.


Sa huli ay pinilit pa rin niya akong umuwi. Ayaw niya na ba akong kalaro or is he concern to me? Tss.


Pagkauwi ko ay assual wala si Tito Jules. Nagluto, kumain, naligo at natulog. My routine. What a boring life?


"Gusto ka daw makilala ni Aires" Kausap ko sa bestfriend ko, naglalakad kaming dalawa sa hallway. Naalala ko kasi kahapon na gusto daw siyang makilala ni Aires. Ang sabi ko lamang ay susubukan kong pilitin ang aking kaybigan kung gusto niya.


Pero naalala ko hindi nga pala niya ako sinasagot. Tss.


"Hey, Dili!" Napatigil ako sa paglalakad ng salubungin ako ng grupo nila Josefa. Nakita ko siyang nasa gilid lang.


"Hello, Josefa, nice acting by the way, you know? Yesterday?" Nginitian ko siya pero tinarayan niya lang ako.


"Dili, tatanungin ka sana namin kung gusto mong sumali sa pageant this year, sa susunod na linggo iyon" Sabi nung babaeng tumawag sa akin.


Nilingon ko siya at agad na umiling. "Sorry, I'm not interested" I'm about to walk away when she talk again.


"Pero nalista ka na namin don" Napatigil muli ako. What? They list my name without my consent? And now they asking me if Im interested for that pageant? What the hell?


Mariin akong pumikit at tinignan muli yung babaeng nakangiti sa akin.


"Remove my name, then" Sabi ko at nilagpasan na sila.

My Friend is beside MeWhere stories live. Discover now