JUNE 11, 1989

77 17 1
                                    

JUNE 11, 1989

Dear Diary,

Ang pangit ng umaga na ito, diary. Ang pangit-pangit talaga. Hindi ko po alam pero ang bigat ng dibdib ko. Parang tinatamad na rin ako diary. Hindi ako ginising ni nanay ng maaga tapos si tatay naman ay lasing at hindi pa rin nagigising. Kailangan ko pa tuloy asikasuhin ang sarili ko diary.

Napilitan akong magluto ng pagkain. Buti na lang at may hotdog sa ref namin. Ginaya ko lang si nanay kung paano niya iyon gawin. Nagmamadali pa nga ako at nagkapaso-paso pa dahil malalagot ako ni tatay kapag nahuli niya ako. Noong nakaraan lang, sabi pa niya sa akin diary na baka raw masunog ko ang bahay.

Hindi bale. Nagawa ko naman diary. Hirap nga rin ako pero nagmamadali naman akong nagbihis. Dahil nga inumaga ako sa pagising ko diary muntikan pa akong maiwan ng school bus na lagi din namang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

Sabi ni Eula sa akin, siya ang pumara sa bus kanina kaya ako nakaabot. Kinausap daw niya ang driver na hintayin ako. Mabuti nalang at nandiyan si Eula para sa akin diary. Ang bait niya talaga sa akin. Lagi niya pa nga akong tinutulungan eh.

Pagdating ko rin sa school diary, wala si Bb. Josefa. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Eula. Sabi niya kasi diary na tinulungan niya raw ako kasi nga di ba pinagalitan niya ako kahapon? Iyon nga lang hindi ko alam kung anong ginawa niya.

Pero ayos lang iyon diary. Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kaibigan ko. Lagi siyang nandiyan sa akin diary. Hindi niya ako iniiwan at hinuhusgahan. Hindi rin siya takot sa akin. Hindi gaya ng iba na tumatakbo palayo sa akin. Si Eula na lang din kasi ang natitira sa akin.

—Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon