NOVEMBER 06, 1989
Dear Diary,
Nagising na naman ako sa hinihigaan ko pero wala akong kasama. Hinanap ko si Eula pero hindi ko siya makita. Nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Baka kasi napagalitan siya ng nurse kanina. Kahit na naiinis ako sa kanya kasi panay siya tawa sa akin, kaibigan ko pa rin naman siya.
Kinakabahan talaga ako. Sinusubukan ko lang na hindi umiyak. Naalala ko kasi si nanay. Sabi niya, wala rin naman daw powent kapag maging iyakin. Hindi rin daw nakakatulong ang pag-iyak. Drama lang daw iyon. Miss ko na siya. Susunduin kaya ako ni nanay? Tingin mo, diary?
Sasaya na sana ako kasi akala ko si nanay na ang nagbukas ng pinto. Si Mr. Doktor pala ang pumasok. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Tinanong ko pa siya tungkol kay Eula at kung nasaan siya. Baka kasi napagalitan pero hindi ito makasagot agad. Mukha pa nga siyang nababahala sa akin, diary.
Hindi niya raw nakita si Eula. Bigla akong nalungkot. Nagtaka rin ako, diary. Nasaan ba kasi siya? Dapat kasi nagpapaalam muna siya bago umalis. Dapat ginising niya ako o kaya ay isinama nalang niya. Kailangan ko siyang mahanap.
—Annabelle
YOU ARE READING
Ang Diary Ni Annabelle
Short StoryDue to the incomprehensible circumstances, the eight-year-old Annabelle poured her creative juices into writing. She wrote her diary entries and narrated what was happening to her every day. She unleashes her reality innocently and using her pencil...