JANUARY 02, 1990
Dear Diary,
Nagising ako kanina na may nakatitig sa akin. Akala ko si Eula pero iba pala. Batang babae rin siya gaya ko. Masakit pa ang ulo ko pero alam ko na pinagmamasdan niya ako. May suot siyang salamin tapos mukha siyang nagtataka. Baka kasi dahil nakatulog ako sa damuhan.
Mabait naman siya. Sabi niya naglalakad-lakad lang siya tapos nakita niya raw ako. Malapit lang naman daw ang bahay nila. Madaldal siya tapos laging nakangiti. Binigyan niya ako ng candy tapos naglaro kami buong araw.
Pero diary pagsapit ng dilim, naramdaman ko ulit si Eula. Nasa likuran ko siya. Ramdam ko ang hininga niya. Natatakot ako dahil baka saktan niya ang bago kung kaibigan. Buti na lang hindi niya ginawa. Pero pakiramdam ko talaga ay hindi pa tapos si Eula dahil tumawa-tawa kasi siya.
—Annabelle
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Annabelle
Short StoryDue to the incomprehensible circumstances, the eight-year-old Annabelle poured her creative juices into writing. She wrote her diary entries and narrated what was happening to her every day. She unleashes her reality innocently and using her pencil...