JANUARY 08, 1990

32 6 0
                                    

JANUARY 08, 1990

Dear Diary,

Kwento ko lang ang nangyari kaninang madaling araw, diary. Basta, grabe ang kaba ko. Kasi isinama ako ni father at iyong apat na mga pari. May iba pa nga silang kasamahan tapos sila iyong taga-bitbit ng malaking itim na box. Alam mo diary, habang tinitigan ko ang box, nakakatakot pala.

May gold siya sa bawat gilid. May mga  ̶c̶d̶e̶c̶ decoration pa siya na hindi ko maintindihan tapos may mga nakasulat na hindi ko mabasa. May susian pa na sobrang laki. Para siyang kabaong na hindi kalakihan. Ang daming susian at may mga kadena. Hindi naman halimaw si Eula eh. Multo siya kaya para saan kaya ang mga iyon?

Ang dilim pa kanina, diary. Pero buti nalang kasama ko si Betty. Naglaro kaming dalawa habang hinihintay namin si Eula doon sa may lumang kalsada. Doon niya ako laging tinutulak kapag may sasakyan kaya natatakot ako. Pero alam kong hindi niya ako matutulak ulit kasi alam kong ililigtas ako nina father. Nagtatago kasi sila kasi hinihintay namin si Eula.

Kahit ang lamig, pinilit pa rin namin ni Betty na maglaro. Buti nalang mabait siya at sinamahan niya ako. Hindi rin siya nagrereklamo noong naglakad lang kami pabalik sa simbahan. Pero iyon lang diary kasi habang naglalaro kami kanina ni Betty, mas biglang lumamig tapos narinig ko si Eula.

Galit siya kasi daw pinalitan ko na siya. Nalungkot ako saglit pero naalala ko kung paano niya ako tinakot at tinulak doon sa may lumang kalsada kaya nainis ako. Nakita ko siya sa gitna ng kalsada. Galit siyang nakatitig sa akin.

Diary akala ko matapang ako pero nakakatakot pala talaga ang mata niya. Tapos ibinuka niya pa ang bibig niya diary. Ang laki-laki ng bibig niya. Tapos tinanong ko si Betty kung may nakikita siya. Sabi wala raw pero bakit iyong nakaitim na pari nakikita niya si Eula?

Sabi pa nga ni Eula sakin na traydor daw ako. Umiiyak siya tapos nagmamakaawa sa akin. Kasi parang ang bilis kumilos nong mga pari na kasama ni father. Tapos si father may binabasang aklat tapos ang ibang pari, pinapalibutan si Eula. Sabi pa nga ni Eula tulong daw. Hindi daw siya makaalis.

Umiiyak na nga ako kanina eh kasi nasasaktan na ako sa mga palahaw niya. Sigaw siya nang sigaw. Tinatawag niya ako. Tapos naalala ko ang sabi ng isa sa mga madre na takpan ko daw ang tainga ko para hindi siya marinig kaya ginawa ko. Niyakap din ako ni Betty.

Alam mo diary, awing-awa ako kay Eula kanina. Pinilit nila siyang ipasok sa itim na box tapos sinarado nila at kinadena tapos sinusian. Ang tagal din bago natapos ni father ang pagsasalita ng hindi ko maintindihan. Pero may isa pa akong naalala. Nanigas ako pagkatapos may itinarak si father na espada sa box tapos bumagsak ako.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Eula. Alam ko na siya iyon, diary kasi unti-unti nang lumiwanag. May kasama siyang tatlong mga bata. Isang babae at dalawang lalaki. Nakasuot ng pink si Eula tapos may laso siya sa kanyang leeg. May dala rin siyang teddy bear.

Tapos iyong isang batang lalaki, inagaw mula sa kanya ang teddy bear tapos pinagpasa-pasahan nila ang laruan. Nagtawanan pa nga sila nong isang batang lalaki. Tapos hindi nasalo ng isa ang teddy bear kaya napunta sa gitna ng kalsada. Galit si Eula tapos tumakbo siya sa laruan niya para sana kunin pero may biglang humarurot na sasakyan kaya tumilapon siya ng malakas.

Tapos iyon na ang naalala ko kasi nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako sa dati kong tinutulugan na silid sa simbahan. Katabi ko si Betty pero tulog pa rin siya hanggang ngayon. Ako pa lang ang gising.

—Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now