JANUARY 07, 1990

31 8 0
                                    

JANUARY 07, 1990

Dear Diary,

Kanina pa ako nakarating dito sa simabahan. Iba na ang mga madre. Wala na rin si Sister Anamarita pero si father pa rin ang pari ng simbahan. Noong una, akala ko sisigawan ako ni father pagkakita niya sa akin pero nilapitan niya ako. Tapos sinabi ko sa kanya lahat. Pati iyong nagmimisa na pari na uro itim ang mata tapos iyong buong barangay na puro patay ang mga tao kaya ako umalis.

Sabi ni father na hindi naman daw iyon totoo. Pinaglalaruan lang daw ako ng utak ko. Mas napaiyak ako kasi bakit ba ito nangyayari sa akin diary? Mabait naman ako at masunurin. Pero bakit lagi nilang sabi sa akin na nasa utak ko lang ang lahat?

Diary, maniwala ka sakin. Totoo talaga ang sinasabi ko. Nakita ko mismo. Pero hindi kaya nababaliw na ako? Diary, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kaya buti nalang daw bumalik ako sabi ni father. May nakilala rin pala akong apat pa na pari.

Marami dilang tanong sa akin diary tapos tungkol kay Eula lahat. Sinagot ko naman sila at hindi ako nagsinungaling. Tapos sabi noong pari na nakaitim na mapaghiganti raw na multo si Eula. Siya lang ang parang hindi takot kay Eula diary.

May marami silang plano laban kay Eula. Nasasaktan ako kasi dati ko siyang kaibigan pero sabi sa akin noong isang mabaitna madre na ganon daw talaga. May mga bagay daw na kailangan tapusin kahit daw pagkakaibigan. Hindi naman daw ibig sabihin na masama ka na kapag may tatapusin ka. Gagawin mo lang naman daw kung ano ang tama.

Alam mo diary, na-miss ko ulit si nanay kasi iyong mabait na madre, parang si nanay kung magsalita. Nasaan na kaya sila ni tatay? Babalikan pa kaya nila ako? Sana kapag tapos na ang mga pari kay Eula, babalik na si nanay at tatay kasi ayoko naman kunin ako ng mga babae para daw dalhin sa chelter. Ayoko. Kaya nga ako tumakas eh.

—Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleWhere stories live. Discover now