NOVEMBER 08, 1989

55 11 2
                                    

NOVEMBER 08, 1989

Dear Diary,

Ayos naman ang paa ko. Wala namang nagbago. Ay meron pala. Mas lumiit ito pero okay lang. May tungkod naman sila na binigay sa akin. Sabi nila ay matutulungan nila akong makapaglakad ulit. Tama nga sila. Nagagawa ko pa ngang tumakas sa kanila. Miss ko na kasi ang kaibigan ko. Siya lang kasi ang bestfriend ko.

Hindi naman malayo sa simbahan ang ospital kaya nagbabakasakali ako na baka nandoon ang kaibigan ko. May nakita pa nga akong madre na tumulong sa akin. Naaawa raw siya sa akin kasi may tungkod ako tapos umiiyak pa. Dinala niya ako sa simbahan. Pinakain niya ako tapos pinagbihis niya ako ng magandang damit.

Mabait siya. Pangalan niya ay Sister Anamarita. Gusto ko siya. Para siyang si nanay noong mabait pa si nanay. Mabait kasi si nanay tapos lagi siyang nagluluto. Bigla nalang siyang nagbago noong iniuwi ko si Eula sa bahay tapos si tatay naman nahilig sa alak. Gusto ko lang naman ipakilala ang bago kong kaibigan eh.

May bago ring madre na nagdala sa akin sa isang kwarto. Mabait siya tapos nagkwentohan kami. May sinabi lang siya tungkol kay Eula. Sabi niya hindi raw mabuting kaibigan si Eula. Masama raw siya at mapaghiganti. Hindi ko siya maintindihan pero sabi rin ni Sister Anamarita na totoo iyon.

Sabi pa nga nila na dapat ko na layuan si Eula pero ayoko gawin. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Ayoko mag-isa ulit,  ̶d̶i̶r̶a̶y̶ diary. Gaya na lang ngayon. Mag-isa nalang ako sa kwarto. Ang lungkot. Wala si Eula. Buti nalang wala na ako sa ospital. Hindi ko gusto ang amoy doon.

Masaya ako na pinatuloy nila ako sa simbahan pero dahil nga nalulungkot ako, tumakas ako para hanapin ang kaibigan ko. Masakit ang paa ko pero para kay Eula, kakayanin ko. Nag-aalala ako sa kanya.

Buti  ̶n̶a̶ at nakita ko siya doon sa may hardin sa may harap. Nag-iisa lang siya. Tinanong ko siya kung saan siya galing pero ayaw niya ako pansinin. Nakakainis siya. Naghirap naman ako hanapin siya. Bakit siya ganyan? Ayaw niya ako kausapin kaya bumalik nalang ako sa loob. Ano kaya problema niya?

—Annabelle

Ang Diary Ni AnnabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon