Chapter 5: Broken

492 25 0
                                    

"Allison's POV."

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang ipakilala ako ni Akiro sa lolo niya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kaming lima na naman ang magkakasama.

Maingay ang tatlo. Pansin ko naman ang pananahimik ni Akiro.

"Uy. Bakit ang tahimik mo ata?."

"Paki mo ba?." Anas niya. Nagsusungit. Psh.

"Paki ko? Well, GIRLFRIEND mo ako diba?."

Talagang pinagkadiinan ko pa ang salitang 'Girlfriend.' Kalokohan niya yan. Pwes panindigan niya.

"Hoy. Kayong love birds diyan. Ang ingay niyo na naman. Naku. Magsolo na nga kayo."Axel.

Sabay namin siyang sinamaan ng tingin.

"Sabi ko nga, tatahimik na ako eh."

Nag akto naman siya na parang zinepiran ang bibig. Psh.

*** *** ***

"Ally naman. Bati na tayo oh. Sorry na."

Si Akiro yan. Kanina pa siya ganyan.

Andito kami ngayon sa Hills Clinic.

Pilit pa niyang kinukuha ang kamay ko pero agad ko ding iniiwas.

Ewan ko ba. Nagpapanggap lang naman kami e. Pero bakit ako nadadala sa mga palabas niya?

"Ally. Sorry na please."

Psh. Dahil sa ginagawa niya mas lalo tuloy akong naiinis. Lalo na nang maalala ko ang ginawa niya kanina.

Wondering why?

.

.

.

.

.

.

Mas pinili niyang iligtas yung ex niya kesa sakin. Idagdag mo pa yung kiss na yun.

Pero ano nga bang karapatan kong magalit?

Pero kahit na... Arghhh....

.

******* FLASHBACK  *******

Tinatahak na namin ngayon ang Hills Garden. Dun kasi kami madalas tumambay ni Akiro kapag hindi kami magkakasamang barkada. Oo! Barkada na ang turing namin sa kanila.

Bago tuluyang makarating sa Hills Garden, madadaanan mo muna ang isang medyo liblib na lugar. Nasa likod kasi ng paaralan ang Hills Garden.

Habang naglalakad biglang may tumawag kay Akiro.

"Babe."

Isang babaeng maikli ang buhok ang ngayo'y papalapit kay Akiro.

"Can you please stop calling me babe. And to inform you, I'm with my Girlfriend."

Pero parang wala man lang narinig ang babae. Psh.

Magsasalita na sana ako pero para akong napako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang halikan ng babae si Akiro. Sa harap ko mismo. Agad kong naiiwas ang paningin ko.

Talagang sa harap ko pa ah.

Pero ano nga bang karapatan ko? Fake Girlfriend lang ako.

At itong isa namang to, hindi man lang pumalag.

Alam mo kung ano yung masakit? Yung hinahayaan lang niya na halikan siya ng babae at talagang sa harap ko pa. Hindi man lang nahiya.

Siguro narealized niya na kasama pa niya ako kaya tumigil na din siya. Nakita ko naman ng mapasmirk ang babae. Hindi ba niya alam, kaya ko siyang sunugin ng buhay sa nagliliyab kong bahay? Argghhh. Calm self. Not the right time.

Queen of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now