Chapter 32: Birthday

294 21 0
                                    

                          "Akiro's POV"

"Bakit parang ang lamya ninyo yata ngayon?." - tanong ko kina Axel at agad naman silang nagtinginang tatlo nina Lisa. Okay na sila. Bati na din sila. Yun nga lang, hindi pa rin sila makakasama samin dahil ayaw ng reyna ko.

"Dapat matuwa kayo kasi dalawang araw na lang kaarawan na ng reyna ko." - dagdag ko pa at mas lalong napakunot ang noo nila.

"Sino ba ang tinutukoy mo?." - Axel.

"May iba pa ba akong reyna?." - kunot noong tanong ko.

"Ah! Si Bridget ba?."

Tsk! Problema ng mga to?

"Ewan ko sa inyo." - agad ko silang nilayasan at hinarap ang babaeng paparating pa lang.

"Hi baby." - bati ni Bridget at agad akong niyakap.

I don't know why. Pero parang may iba sa pakiramdam ko. Kasama ko naman siya, pero parang may kulang.

Nasa rooftop na kami ng HA ngayon. Kaming dalawa lang ni Bridget. Gusto daw kasi niya akong solohin. Gusto kong matuwa pero parang may kulang talaga.

"Baby."

Parang mas gusto kong kasama si Viana kesa sa kanya. Sh!t! Ano ba tong sinasabi ko? Mali to. Bumalik na siya. Bumalik na ang reyna ko at siya lang dapat ang mahalin ko, wala nang iba.

"BABY!!!!!."

"Yes, baby?." - napakamot na lang ako sa batok ko. Ba't kasi iniisip ko pa yun e.

"Kanina pa kita tinatawag, ano ba kasing iniisip mo?." - kunot noong aniya.

"Tungkol sa birthday mo." - pagdadahilan ko.

"Birthday?." - mas lalong kumunot ang noo niya. Tumango lang ako at nagkibit balikat naman siya.

Nang bigla akong may maalala.....

"Baby." - tawag ko at lumingon naman siya.

"Naalala mo bang may nangyari satin?." - kumunot naman ang noo niya pero maya maya lang din ay tumango na siya.

"Wala ba talaga tayong naging anak?." - pang ilang beses ko na tong natatanong sa kanya dahil nga sa batang nakilala ko na kahawig ko. Ang batang si Khaii. Pero katulad nang palagi niyang sinasagot....

"Baby, hindi pa naman ako handang magkapamilya at buti na lang din walang nagbunga."

Napatahimik na lang ako dahil sa paulit ulit niyang pinapamukha sakin na hindi pa siya handang magkapamilya kasama ako.

Ganun nga ata talaga kalupit kapag Reyna ang babaeng gusto mo.

***

"Happy birthday, baby." - bati ko sa kanya pagkadating niya sa HA. Hinintay ko talaga kasi siya bago pumasok sa klase para maaga ko pa siyang mabati.

"Thank you." - ramdam ko ang pilit sa ngiti niyang iyon bago tinanggap ang bulaklak na binigay ko.

Nagulat na lang kami nang biglang umingay ang music room. Naisip kasi namin na dito muna dumeritsu dahil wala pa ang professor namin.

"Anong meron?." - takang tanong ni Bridget saka naunang pumasok sa loob ng music room.

Sumunod ako at laking gulat ko sa eksenang naabutan ko.

"Happy birthday, Viana."

"Happy birthday."

"Happy birthday."

Queen of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now