Chapter 38: Tragedy

243 15 0
                                    

                             "Vega's POV"

"Babe, okay ka lang ba? Ang tahimik mo kasi e." - puna ko kay Ian dahil hindi siya nakikisabay sa mga kaibigan namin. Rinig ko pa dito ang ingay at tawanan nila.

Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon dahil nagpaiwan kami dito. Pumasok na kasi sa hotel ang mga kasama namin.

"B-babe." - nagulat ako nang gumaralgal ang boses niya.

"May problema ba?." - nag aalalang tanong ko saka siya nilapitan at niyakap.

"S-si l-lolo."

"Bakit? Anong nangyari kay Grandpa Luwi?." - kunot noong tanong ko.

"Kasabwat pala talaga siya nung Astera na yun." - may galit at panghihinayang sa kanyang boses.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang siya at iparamdam na hindi siya nag iisa.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya dali dali niya itong kinuha.

"DON'T YOU DARE!." Nagulat ako sa biglang pagtataas ng boses niya. Agad niyang pinatay ang tawag.

"B-babe." Kinakabahang tawag ko.

"Let's go inside." Nagmamadali niyang tugon. Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.

Hingal na hingal kami nang makarating sa loob. Agad kaming sinalubong ni Xy nang may nagtatanong na tingin.

Agad naman kaming inabutan ng tubig nina Sab at Jex.

May binulong si Ian kay Xy na biglang nagpadilim sa aura nito.

"Tatawagin ko lang si Queen." Saka ito umalis.

"Ano bang nangyari?." Takang tanong ni Akiro nang umabot sa kanya ang balita.

Kasalukuyan kaming nasa isang malaking kwarto dito sa third floor. Wala ang matatanda dito pati ang dalawang bata. Nagsasaya sa kani kanilang mga kwarto sa first floor.

"Explain." Seryosong pag uutos ni Queen dahilan para mapalunok si Ian.

Naghihintay lang kami ng sasabihin niya dahil maging ako ay walang alam sa naging usapan nila ng katawagan niya kanina.

"It's Grandpa Luwi." Panimula niya na nagpagulo sakin. Bakit kaya niya sinigawan ang lolo niya kanina? Dahil ba kakampi siya ng tita nina Queen?

Sumenyas si Queen na magpatuloy siya.

"Tinakot niya ako kanina. Pinagbantaan na kung hindi ako susunod sa utos niya ay susugod daw sila dito."

Nakaramdam kami ng takot. Lalong lalo na ako. Ang akala ko pa naman ayos na ang lahat. Ang akala ko wala na. Tapos na. Hindi pa pala.

"Ano bang inuutos niya sa'yo?." Akiro.

"Ang makipagsanib pwersa sa kanila at kalabanin si Queen. Ang magtraydor sa kanya." Nakita kong kumuyom ang kamao ni Queen.

"Ready yourselves. We------Sh!t!."

Agad kaming natigilan sa isang pagsabog na naganap.

"Ready yourselves." Utos ni Queen at agad nanguna sa paglabas. Dumulog kami sa isang kwarto kung saan naroroon ang lahat nang kakailanganin namin. Ngayon alam ko na kung bakit kami pinadala ni Queen ng ganito.

Kumuha kami ng mga revolver, smoke bomb, iba't ibang klase ng baril at dinamihan din namin ng bala.

Sumunod agad kami kay Queen.

Queen of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now