Chapter 16: Plan

283 22 0
                                    

                           "Third Person's POV."

Sa isang Magna Bar ay mayroong isang babae ang kanina pa pinagtitinginan ng mga kalalakihan. Napansin nila na marami rami na ang naiinom nito at hinihintay na lang nila na bumigay ang katawan nito.

Sa kabilang banda ay mayroong isang grupo ang nanonood din sa isang babae. Naghihintay lamang sila ng hudyat sa dapat nilang gagawin.

"Queen, can do it. Hindi isang dosenang alak ang makakapagpatumba sa kanya." - saad ng isa sa kanyang kasamahan.

"Of course. Si Queen pa ba? Nandito lang tayo para tignan ang gagawin niya sa mga taong maglalapastangan sa kanya at para maging back up kung sakaling may mangyaring hindi maganda." - sagot nito sa kanya at sabay sabay nilang pinanood ang paglapit ng mga kalalakihan sa babaeng kanina pa nila binabantayan at pinagmamasdan.

"Hi miss. Mukhang nag iisa ka ah?." - nakangising anas ng isang lalaking may kaunti nang balbas sabay hawak sa balikat ng babae.

"Get..Your..Dirty..Filthy..Hands..Off..Me." - malamig na anas nito.

Nakaramdam man ng takot ay tinuloy pa rin ng lalaki ang kanyang balak. Mas lalo niyang hinawakan sa balikat ang babae at sa pagkakataong ito ay hinarap na siya ng babae.

Malamig lang itong nakatingin sa kanya.

"Palaban boss." - anas ng isa sa kasamahan ng lalaki na tinawag na boss.

"Yun nga ang gusto ko e. Ang palaban." - saad ng kanilang boss at nagsipagngisi naman na parang asong nauulol ang mga kalalakihan. Mahigit sampu silang lahat.

"Hawakan ninyo ang babaeng yan." - agad na lumapit ang dalawang lalaki at hinawakan sa magkabilang kamay ang babae.

Sa kabilang banda.....

Nagulat ang kabilang grupo sa kanilang nasaksihan.

"Bakit hinahayaan ni Queen na makalapit sa kanya ang mga lapastangang yun?." - inis na saad ng isa at akmang aalis pero agad siyang pinigilan ng kanyang mga kasama.

"Hayaan na muna natin sila." - saad ng lalaki at agad siyang hinawakan sa balikat.

"Tama si Orion. Siguradong may binabalak si Queen." - saad ng isang babae na kanila ding kasamahan.

"Kaya kumalma ka, Antares. Pagkatiwalaan natin si Queen." - saad ng isang lalaki at sabay sabay silang lumingon nang marinig nila ang sigaw nang lalaking humawak sa balikat ng babae kanina. Agad namang naalarma ang ilang customer at ang ilan ay nagsipaglabasan na.

"Didn't I warned you, already?." - nakangising anas ng babae at agad binalibag ang dalawang kamay na nakahawak sa kanya kaya napabitaw sila at napasigaw sa sakit.

"I'll make you last." - saad ng babae sa kanilang leader at agad sinenyasan ang ibang kalalakihan at hindi naman ito nag atubiling magsilapit.

Agad niyang sinikmuraan ang lalaking papalapit sa kanya kaya tumumba ito at sumuka ng dugo. Sandali pa niya itong tinignan at nginisian matapos makita ang pagsusuka nito ng dugo.

Agad niyang hinarap ang tatlong lalaki na sabay sabay na sumugod sa kanya. Walang pagdadalawang isip siyang tumalon at pinagsisisipa ang mga ito hanggang sa pareho nang hindi makabangon.

"Yaaaaahhhh." - sigaw ng isang lalaking papasugod sa kanya habang itinataas ang hawak nitong kutsilyo.

Tinapik lang ng babae ang kanyang kamay at agad itong binalibag dahilan para mapahiyaw sa sakit ang lalaki.

Queen of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now