Chapter 20: Empress

272 24 0
                                    

                              "Sabrina's POV"

Inis akong sinulyapan ng leader nila habang nakatingin sa babaeng nasa harapan namin.

"Kapag hindi pa umalis ang babaeng yan diyan, hindi ako magdadalawang isip na sagasaan yan." - galit na usal nito pero wala sa kanya ang atensyon ko.

Ni nakalimutan ko nga na nasa panganib pala ang buhay ko. Masyadong inokupa ng misteryosang babae ang isip ko.

"Sabihin mo na lang kasi na kasama mo ang babaeng yan."

Kanina pa niya ako pinipilit na paaminin. Pero ano namang aaminin ko? Hindi ko nga kilala ang babaeng yan. Hindi ko magawang ibigay sa kanya ang lahat ng aking tiwala dahil baka mas malala pa pala siya kesa kay Queen Reign.

"Bababa ako at dito ka lang. Wag na wag kang tatakas kundi malilintikan ka talaga sakin."

Hindi ko siya pinansin at hinintay na lang na makalabas na siya.

Nakita ko na nilapitan niya ang babae at sa isang iglap wala na siyang ulo.

Napasigaw ako sa gulat nang biglang lumingon sa gawi ko ang babae.

Naalarma ako nang magsimula siyang maglakad papunta sa pwesto ko. Pigil ang hiningang pinanood ko ang pagpunta niya sa driver seat at ilang saglit lang ay umaandar na ang van.

"Sino k---." - agad niya akong pinutol.

"Save your questions. Mamaya ko na sasagutin lahat nang yan. Sa ngayon, kailangan nating makaalis dito."

Napansin ko na naging balisa siya at paminsan minsang sumusulyap sa rearview mirror kaya napatingin na din ako dun at doon ko lang napansin na may nakasunod pala sa amin.

"Fasten your seatbelt." - agad kong sinunod ang utos niya.

Hanggang sa.......




.



.



.








.










.














.









.








.






.












.




























.










































"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH. PAPATAYINNNNNNNNNNNNN MOOOOOOOOOOOO BAAAAAAAAAAA AKOOOOOOOOOOOOOOO?." - hingal na hingal na ako sa kakasigaw.

Kasi naman. Letseng babae to.

Nangangarera pa ata.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Kung lalaki lang to! Kaso hindi e....

Tsaka straight ako no!

(A/N: Defensive.)

Tsh!

Muli siyang naging seryoso kahit naman wala na ang sumusunod sa amin. Mga pagong kasi.

Napansin ko ang pagtigil namin sa isang apartment. Kung apartment nga ba ito? Kasi lasug lasug at sira na ang ilang bahagi nito. Nalaman ko lang na apartment dahil sa ilang letrang natira. Hindi na nga lang kompleto.

Queen of Hell (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt