Chapter 30: She's Alive

284 16 0
                                    

                           "Akiro's POV"

"Pakiabot nga ng panggupit." - agad namang inabot ni Axel ang isang kulay dilaw na gunting.

Tumulong na din sa paggupit si Rafael habang sina Viana at Lisa ay abala sa paggawa ng mga designs. Nasa library kami ngayon dahil binigyan kami ni Sir Adel nang oras para gumawa ng project.

Siya ang professor namin sa larangan ng Arts and designs.

Abala kaming lahat sa paggawa dahil malapit na ang deadline nito. Dalawang araw ang makalipas matapos itong ibigay ni Professor Adel samin at sa makalawa na ang deadline nito.

"Sweetheart, tama ba ang pagkakadikit ko nito?." - pinakita ni Rafael ang isang bond paper kung saan nakadikit ang isang crescent design na nakapalibot sa isang babaeng may korona sa ulo. Tumango lang si Lisa at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Si Viana ang nagsuggest at mukhang maganda naman ang magiging eksplenasyon namin.

Ika niya, mahilig daw sa moon ang babae at paborito niya ang isang crescent shape na parte ng isang moon. Dahil nga tungkol daw sa isang taong may kakaibang inirerepresenta ang pinagawa sa amin, yun na lang ang naisip niya. Maganda naman, sa totoo lang. Malapit ko na ngang isipin na sarili niya ang inirerepresenta niya e.

Ilang minuto lang ay nakarinig kami ng tunog ng bell hudyat na tapos na ang paunang klase sa umagang ito. Niligpit namin ang aming pinaggamitan at dali daling nilisan ang library.

Buti na lang wala pa ang susunod naming professor kaya may oras pa kaming magsipag usap na magkakaibigan.

Agad kong hinarap ang katabi kong si Viana. Abala siya sa pagkuha ng kung ano sa bag niya. Pagsilip ko, papel at ballpen pala.

"Pst." - tawag ko. Hinarap niya ako at pinagkunotan ng noo.

Isinenyas kong ilahad niya ang kamay niya at taka naman siyang tinignan ako pero sa huli ay nilahad din niya.

Agad kong kinuha ang kamay niya at pinagsalikop ang mga kamay naming pareho.

Pinagmasdan lang niya ito pero maya maya lang din ay naramdaman ko ang pagpipigil ng ngiti nito.

Tsk! Kunwari ayaw pa!

Bigla naman akong nakarinig ng kantyaw mula sa mga kaibigan ko hanggang sa naging maugong ito. Pati kasi mga kaklase namin ay nakikantyaw na rin. Tsk!

Muli lang silang tumahimik nang pumasok si Ms. Lim. Hindi naman siya ang professor namin kasi siya ang head ng HA kaya nagtaka kami ng pumasok siya bigla. Pinsan din siya ng daddy ko. Sa madaling salita, kamag anak ko ang head ng paaralang pagmamay ari namin mismo.

Kung kanina ay sobrang ingay ng lahat, bigla naman itong naging tahimik ngayon. Lalong lalo na nang biglang may isang babae ang pumasok at nakangiting sinalubong ang tingin ko.

Napako ako sa kinauupuan ko nang mas lalo kong nakita nang malapitan ang kanyang mukha.

Hindi lang ako kundi kaming lahat ay nagulat.

Alam na nang lahat ang totoong katauhan ni Bridget kaya lahat sila ay nagulat nang makita ang taong akala naming lahat ay patay na, yun pala ay buhay talaga siya.

Hindi agad agad maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita si Ms. Lim.

"Everyone, this is Ms. Aviana Bridget Bythesia. She will be your classmate starting this day." - pagpapakilala ni Ms. Lim sa taong nasa harapan ngayon.

Nagkanya kanya ng react ang mga kaklase ko.

"Ohmy.. Buhay siya."

"Si Queen."

Queen of Hell (COMPLETED)Where stories live. Discover now