Chapter 5 - Bisaya Words

27 5 0
                                    

"I'm serious," I said as she remained silent.

"Ayoko," she suddenly stood up and faced me. "No, no."

"Why? It's your job to teach me," I answered and stood up.

Nagsimula na siyang lumakad paalis so I need to stop her.

"I will treat you a lunch 'pag pumayag ka dahil kanina pa ako gutom."

"Bakit bad words?" irita niyang tanong.

"Why not?" irita ko ring tanong.

"Why not? Coconut? Peanut?"

"What?" I asked her confusingly. "What are you talking about?"

"No English kasi."

Arrrgghhh... Yeah.. I always forget that. "Okay, patawad."

"Bakit mo ba iyon gustong matutunan?"

"Para masabi ko iyon sa kabit ni Mom."

We're both shocked. Ako dahil nasabi ko ang 'di niya dapat malaman tapos siya dahil nalaman ang sekretong iyon.

"Sino? Si Gilbert Angeles? Iyong photographer?" she commented while laughing.

"How did you know that?"

This time, siya na lang ang nagulat. She's been messing her hair and was stammering. "Ahmmm, a-ano..kasi, diba, ahh, kasi close naman kami ni Mommy mo at ahh..minsan nakita ko silang magkausap at may lagkit ang tinginan. Iyon lang," and exhaled.

Should I believe her or not? But based on her reaction, she seemed to be keeping some secrets beside just knowing Mom's lover.

Since I consider her my companion now, I'll accept her answer.

"Fine, I won't ask anymore. Pero turuan mo na ako ng ilang bisaya bad words."

"Ayoko nga, diba?" paniniyak niya sa hindi pagpayag sa gusto ko.

"Pero dapat ko iyong malaman," I insisted.

"Matututunan mo iyon pero hindi galing sa akin. Ayokong magmura dahil magagalit ang Diyos," paliwanag niya na pailing-iling pa.

Narinig ko na naman ang salitang ayaw kong marinig. "Pwede ba? Huwag mong ibibigkas diyan sa bibig mo ang salitang iyan?"

"Ang ano? Iyong magmura?"

What now? Is she teasing me so I can really pronounce it myself?

"No. The last word."

"Ahh... Iyon bang 'ang'? O magagalit?" pang-iinis niya pa rin na nakatitig sa'kin.

"Stop already, okay? Kung pipilitin mo ako, hindi kita ililibre ng lunch."

"Snack, kamo. Lampas pananghalian na, oh."

"Bahala na. But please, turuan mo na ako." pangungulit ko pa rin.

Muli siyang napailing. "Ayoko nga. Buti pa, turuan kita ng ibang mga salita na pwede mong isigaw sa kanya kahit hindi bad words."

Seems hindi ko siya mapipilit na turuan ako ng bisaya bad words, then, I'll just agree sa ibang salitang ituturo niya.

"Fine. Ano ang mga iyon?" pagpayag ko na lang talaga.

We're still standing and feeling the breezing aura of the surroundings. Before she could even speak up, I grabbed her hand and led us to an area where we could sit comfortably.

"Now, turuan mo ako," I commanded her and I sat down.

"Okay, pwede mong gamitin ang mga salitang ito kapag galit ka. Kaya sa halip na magmura ka, ito na lang please," she explained while still standing.

Richard's StandardWhere stories live. Discover now