KABANATA 7

49 2 0
                                    

I was comfortably sleeping here in my place nang bigla akong magising dahil sa lakas ng pagkalampag ng pinto ko.

"HOY BABAITA KA! LUMABAS KA RIYAN! AT TAYO'Y MAGTUOS!"

Kamot mata akong bumangon mula sa pagkakatulog ko. Ano na naman ba?

"Ate Marian, maghunos-dili ho kayo..." Rinig kong pakiusap ng isang babae.

"HUNUS-DILI?! SA TINGIN MO BA AY PAPALAGPASIN KO ANG GINAWA NG DEMUNYITANG BABAENG 'YAN SA ANAK KO?!"

"Pero—"

Inis kong binuksan ang pinto ng kubo ko.

"ANO?!" Salubong ko doon sa babaeng eskandalosa "Wala akong yelo dito! Bye!" Saad ko saka padabog na isinara ang pinto na siyang kanina pa niya ata gustong patumbahin.

"ANONG YELO?! HINDI KO KAILANGAN NG YELO!—HOY! BABAE KA! BUKSAN MO ITONG PINTUAN MO, AT MAGTUOS TAYO!"

Muli kong binuksan ang pinto ng kubo ko. Saka ko lang napansin na marami na palang mga tsismosa ang nanonood sa amin.

"What do you want?" Malamig na tanong ko sa babaeng nagsira ng beauty sleep ko.

"Ikaw!" Duro nito sa akin.

"Oh? Ano'ng meron sa'kin?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano'ng ginawa mo sa anak ko!" She yelled at me. Sabay hila doon sa babaeng itinulak ko kanina.

"Tinulak ko siya." I said casually, humikab pa nga ako eh.

Halos nagulat ang mga tao at nagsimula na namang magbulungan about sa ugali ko daw na masama.

"Ang sama talaga ng ugali mo!"

"Oh? Tapos? Are you done bugging me? Epal ka din sa pagtulog ko eh nuh! Kung gusto mo ng atensyon, tumalon ka sa building! O kaya naman ay magbigti ka! Hindi 'yung gagamitin mo pa ako. Sorry, but masyadong busy ang schedule ko for a hampaslupa like you!" Duro ko rin pabalik sa kaniya.

"Nakuuu! Bastos ka talagang bata ka—"

Tila nagulat ang lahat sa nangyari. Kahit ako ay nagulat rin. Napatingin ako kay Justin na ngayon ay inilagay na ako sa likuran niya.

What is he still doing here?

"Ate Marian, mag hinay-hinay naman po kayo. Hindi ordinaryong tao ang sasampalin niyo." Seryosong aniya doon sa babaeng sasampalin na SANA ako. Kung hindi lang siya pinigilan ni Justin.

"Justin. Hijo, alam mo at nakita mo mismo kung ano'ng ginawa ng demonyita mong alaga sa anak ko. Sinabihan pa niya kaming hampaslupa! Palibhasa kasi laki siya sa yaman. Hindi niya alam kung anong hirap ang nararanasan natin!"

Napakagat si Justin ng ibabang labi niya. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae tungkol sa akin.

"P-pagpasensiyahan niyo na po, aling Marian. Sa susunod naman po ay hindi na ito mauulit pa." Paghingi ni Justin ng sorry sa Marian tababoy na 'yon.

"Hindi. Kailangan niyang matuto ng leksyon!"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Justin sa kamay ko.

"Hindi po siya lalong matututo kapag sinaktan niyo siya." Pagtatanggol ni Justin sa akin "At kung may gusto man po kayong gawin sa kaniya ay mas mabuti nalang po kung sa akin niyo nalang gawin. Laking Maynila po siya kung kaya't naninibago pa siya sa paligid."

Nagbuntong hininga nalang 'yung Marian na 'yon. At saka nag tantrums. Yuck! Sa tanda-tanda niyang 'yan ay nagtotoyo pa rin siya! Fucking low minded! Cheap!

Nang makaalis na 'yung eskandalosang babaeng 'yon ay isa-isa na ring nagsiuwian ang mga tao.

"That's right! The show is over! Chupi! Magsiuwian na kayo sa mga punyetang bahay niyo! Go!" Pagtataboy ko sa mga tao.

If you could read my mind, love. (COMPLETED)Where stories live. Discover now