KABANATA 30

41 2 0
                                    

"I'm her boyfriend since the day I left the Philippines, bruh. Thank you for taking care of my girl anyways..."

Isang nakakabinging katahimikan ang namuntawi sa amin nang sabihin ni Richmond ang mga katagang iyon.

Dahilan ng pagtawa ko sa loob-looban ko. He's probably joking. Of course he'd say that. He's my BOY BEST FRIEND!

"Pffft." I hissed. Dahilan ng paglingon sa akin nila Richmond at Justin.

I faced Richmond. Kitang-kita ko kung paano niya ako panlakihan ng mata. Saka niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

But I couldn't help it. I already burst in laughter.

"HAHAHAHA!"

"Anubayan! Kj ka talaga bujing! Ayun na 'yon eh! Maniniwala na sana 'yung personal assistant mo sa akin eh!" Pagkamot ni Richmond ng ulo niya.

"I-i'm sorry, hahaha! It's just that—you really are the only person who could do that to me... Kung ibang lalaki 'yon ay baka hinila ko na ng tuluyan 'yung intestines no'n at itinali ko na 'yon sa leeg niya..." Utas ko.

Yup, Richmond is the only person who has the guts and balls to introduce himself as my boyfriend. Gano'n naman talaga kapag mag girl and boy best friends 'diba? You tend to introduce yourself as theirs para masukat mo kung seryoso nga ba talaga sa'yo 'yung manliligaw mo.

Hinarap ko si Justin. Na siyang nakanguso na ngayon, kasi muntik na siyang mapaniwala ng timang kong best friend, na girlfriend daw niya ako.

"Well, Jah... This is Richmond. Ang timang kong best friend..." Pagpapakilala ko ng matino kay Justin.

"Woy! Grabe ka sa timang ah!"

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Hindi!"

Nag-asaran pa kami saglit dito ni Richmond, nang may mapagtanto ako.

"By the way, since you're already here. That just mean one thing... Your birthday is soon and—saan ka mags-stay?" Tanong ko sa kanya.

Napangisi siya, saka niya ako kinindatan.

"That's why I'm here bujing, I'm here to pick you up. Remember what I told you last time na naipagpaalam na kita sa Dad mo? You're free to go, Mitch! Tapos isasama na rin kita pabalik sa France!"

Hinampas ko siya sa braso niya dahil doon.

"Owww! Ang sakit naman no'n!" Richmond exclaimed.

"Then don't call me Bujing you monkey! And second of all... Pick me up na agad? As in now na?" Gulat na tanong ko "Hindi ka ba jetlagged sa flight mo?"

"Yun nga eh. Naisip ko nga rin kanina sa car na kung pwede dito na muna tayo mag-stay overnight, then tomorrow nalang tayo umalis..."

"Aalis?" Rinig kong bulong ni Justin sa sarili niya.

I faced him, saka ko nakita ang isang Justin Del Rosario na parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig niya.

Oh right, he doesn't like the word leave anymore...

"Uhm, Mond. Magsasama nga pala ako ng plus five ko ah..." Usad ko kay Richmond.

"Sure! Just tell me their names para mai-reserve ko na sila ng invitation."

Sinulyapan ko si Justin, na ngayon ay nakatingin na sa akin. Of course, hindi ko siya iiwan! Kung aalis man ako, dapat ay kasama ko rin siya!

"Uhm, I'll bring Josh, Paulo, Victor, Tonyo... and Justin."












If you could read my mind, love. (COMPLETED)Where stories live. Discover now