KABANATA 20

37 2 0
                                    

Marami pa kaming mga rides na sinakyan. Halos masuka na nga si Paulo dahil sa mga extreme rides na sinakyan namin.

Halos tanghali na rin ngayon at nandito ulit kami sa isang restaurant para mag-lunch.

"Mitch, ano'ng in-order mo?" Tanong sa akin ni Victor.

Nasa harap ko siya ngayon. Tapos katabi niya si Tonyo, habang nasa gitna naman si Paulo. And as usual, katabi ko si Justin. At katabi naman ni Justin sa kanan niya si Josh.

Tinuro ko sa kaniya 'yung vegetable salad at soufflé dish na nasa menu.

Napatango siya dahil doon "Ahhh, pero bakit parang hindi ka yata kumakain ng karne? Veterinarian ka ba?"

Agad kumunot ang noo ko dahil sa itinanong niya "Veterinarian? 'Di ah! Ano bang pinagsasasabi mo, Victor!" Pagtawa ko. Habang nagsisimula na si Paulo na sabihin ang mga orders namin sa waiter.

Napahalakhak si Justin dahil doon.

"Vegetarian kasi 'yon, Victor! Hindi Veterinarian! HAHAHA!" Usad niya.

Agad din akong napahalakhak dahil doon.

"Vegetarian hindi veterinarian, ahahaha! Saan mo naman nadampot 'yung word na veterinarian, ha Victor?!" Pagtawa ko.

Humagikgik siya "Ahhh, hindi ba veterinarian 'yon? Basta 'yun na din 'yon! Basta may R sa dulo, 'yun na 'yon!" Pagtatanggol niya sa sarili niya.

Kaya lalo kaming napahalakhak.

Hanggang sa dumating na rin sa wakas ang foods namin. Isa-isang ibinaba ng waiter sa amin ang mga in-order namin.

"This is your whole order, sir. May kailangan pa po ba kayo?" Magalang na tanong ng waiter kay Paulo.

Agad namang nagtaas ng kamay si Victor dahil doon.

"Teka, kuya! Bakit ganito?" Turo niya sa in-order niya.

"Yes sir? May problema po ba?"

"Bakit po isa lang? 'Diba nga tuna sandwich 'yung in-order ko? Pero bakit isa lang? Akala ko ba TUna?"

Napa-face palm kaming lima dahil sa hirit ni Victor.

Habang 'yung waiter naman ay tumawa. Halatang na-gets niya ang joke ni Victor doon ah.

"Ayyy, hahaha! Ikaw sir ah! In fairness bumenta po sa akin 'yung joke mong 'yon. Hahaha!" Pagtawa niya.

Binigyan siya ng Victor ng isang malaking ngiti, saka siya tumungo "Hehehe, biro lang po 'yon. HAHAHA! Salamat po..." Magalang na aniya.

Noong makaalis na 'yung waiter ay pilit pa rin namin itinatago ang mga tawa namin.

"Nahihiya ako para kay Victor..." Pigil tawa na saad ni Justin.

"Kanina pa nga 'yan! Hirit ng hirit eh!" Ani din ni Tonyo.

"Hahaha! Akala ko nga ay si Justin lang 'yung nagjo-joke ng corny dito. Mukhang may aagaw pa pala sa trono ni Jah ah!" Saad ko sabay lingon kay Justin.

Natawa si Josh dahil doon. Saka niya inakbayan si Justin.

"Hindi, Mitch. Ganito kasi 'yon. Si Victor, siya talaga 'yung mood setter namin. Wow naks, alam ko 'yung salitang mood setter! Hehe, at iyon nga... kumbaga ba si Victor talaga 'yung matinding bumanat ng mga biro kasi may kasama pang aksyon eh..." Tukoy niya kay Victor. "Tapos si Jah naman, siya naman 'yung nagmamay-ari ng bukirin. Bukirin ng mga mais, corny kasi siya kapag magbibiro..." Explain niya.

Sumang-ayon silang lahat doon. Except kay Justin na nakangiti nalang. Halatang nahihiya.

"Oo nga, hinahangaan kasi niya ako kaya gusto niyang sumunod sa mga yapak ko..." Banat na naman ni Victor na siyang tinawanan kong muli.

If you could read my mind, love. (COMPLETED)Where stories live. Discover now