KABANATA 19

44 3 0
                                    

It's already 6:44 AM in the morning. And yes, we're now here in Manila!

At gaya nga ng inaasahan ko, hindi maalis ang pagkamangha ng limang lalaking kasama ko ngayon sa mga nakikita nila

"Wait—Paulo, doon tayo..." Anang ko. Sabay turo sa isang restaurant.

"Yon! Kakain na din tayo! Gutom na ako eh!" Usad ni Tonyo habang hinihimas himas ang tiyan niya.

"Rose and Grace..." Pagbasa ni Victor doon sa pangalan ng restaurant.

"Nako! Mukhang yayamanin ang kainan na iyan, Mitch ah..." Saad ni Paulo.

After naming mag-park ng kotse ay dumiretso na rin kaming anim sa loob. At since maaga pa ay wala pang masyadong mga tao dito sa loob ng resto.

"Good Morning ma'am... Table for six?" Assist sa amin ng isang babae doon.

I smiled at her "Yes, please..."

Tumango siya, saka niya kami in-accompany sa table namin.

Sinalubong kami ng amoy ng mga sari-saring pagkain. Dahilan para magbulungan ang limang lalaking kasama ko ngayon.

"Grabe, Mitch! Ang bango naman ng mga pagkain dito... Nakakatakam tuloy!" Saad ni Tonyo.

Nginitian ko silang lima "Welcome to Manila..." Usad ko.

We started to order our food. Of course we've ordered a lot. It's Tonyo's birthday after all.

Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Lalong-lalo na 'yung lima. They're all so naivete about what they're eating. Yet they still eats it. And they appreciate each and one of it.

I'm so shocked, lalo na nu'ng makita ko kung ilang fried chicken na ang nakain ni Tonyo.

"Whoa! Tonyo dahan dahan lang naman. Mamaya ay maging manok ka na rin diyan!" Pagtawa ko.

Tatawa-tawa akong inakbayan ni Josh "Wag kang mag-alala, Mitch. Sadyang mahilig lang talaga siya sa manok."

Victor also looked at me while enjoying his mango pudding "Oo nga, ipinaglihi kasi itong si Tonyo sa manok!"

Natawa ako. Little did I know na pinagtitingnan na pala kami dito ng mga tao. And the way they look at us—I mean... The way on how they look at THESE boys beside me, I can tell that they're probably disgusted by them.

"Eeeww, what are those promdi boys doing here?"

"Maybe the girl owe them something? The reason why she's like... treating them?"

"Can you just—like... tell the staffs to immediately get rid of those boys here?"

I closed my eyes. Angkang tatayo na sana ako para bigyan ng one-on-one, face-to-face 'yung mga babaeng nagbubulungan doon. Nang hawakan ni Justin ang braso ko.

Napatingin ako sa kaniya.

"Ha-hayaan mo nalang sila, Mitch..." He said. And then he gave me a pale smile. I can tell na may gusto pa siyang idagdag. Pero hindi nalang siya nagsalita.

And then after that... natahimik ang buong table namin.

I don't actually know what to say or even what to do. Kumakalam ang dugo ko sa mga babaeng 'yon.

Kaya nagbuntong hininga nalang ako "I'm sorry..." Pagpuputol ko sa nakakabinging katahimikan namin. Well, what can I say? We're in Manila after all.

Napangiti silang lima dahil doon.

"Ano ka ba! Bakit ka nagsosorry eh wala ka namang ginagawa?" Ngiti ni Paulo. Trying to lighten up the mood.

"Hayaan mo na sila, Mitch. Hindi na din naman namin 'yun alintana..." Dagdag ni Tonyo.

If you could read my mind, love. (COMPLETED)Where stories live. Discover now