KABANATA 35

34 3 0
                                    

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Justin "Pwede bang sabihin mo sa akin 'yung dahilan kung bakit ang dami mong pasa sa braso mo?"

Hindi ko siya sinagot. I actually don't know what to say though. Kaya nagkunwari nalang ako na hindi ko siya narinig, isa pa, malakas ang background music dito sa venue. So may alibi ako doon.

"Mitch..." Seryosong saad niya sa akin nang makarating na kami sa table namin.

He gently grabbed my arms, saka niya ito tiningnan ng mabuti.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko nang pagmasdan niya ito. Lalong-lalo na noong kumunot ang noo niya after niyang makita ang mga pasa ko.

It's like... a theory is starting to form inside his mind.

At ang lalo pang nagpakaba sa akin ay...  nakatingin na rin ang apat sa braso ko.

"Mitch—"

"It's nothing." I lied, as I slowly take back my arms away from Justin "It's just allergies guys, it's nothing."

"Allergies? Eh, ang sabi sa akin ng Dad mo noon ay wala ka naman daw allergy kahit saan 'diba?" Ani Justin.

"Kaya nga..." Pagsang-ayon din ni Tonyo "Tsaka, tingnan mo 'yang mga pasa mo, Mitch oh. Iba ang allergy sa pasa. Grabe na 'yang nasa braso mo eh. Mukhang nasapak ng kamao ni Pacquiao..."

"Oo nga, mukha ka na tuloy domination na aso..." Anang din ni Victor.

Napakunot ang mga noo namin dahil sa sinabi niya.

"Domination?" Tanong ni Paulo.

"Domination! Hindi niyo alam 'yon? 'Yung aso na may bilog bilog na kulay itim at puti!" Pag e-explain ni Victor.

Nagkatinginan kami nila Josh, Justin, Paulo, at Tonyo sa isa't-isa.

Hanuedaw?

"You mean, dalmatian dog?" I stated.

Napapitik siya ng kamay "Ay oo! Iyun 'yon! Dolimination dog! Basta iyon!"

Napa-face palm nalang kaming apat dahil sa sinabi ni Victor. Dahilan ng pagtawa naming lahat.

And it somehow relieves me. 'Cause at least, they're getting distracted away from my bruises.

Pero wala pang ilang minuto ay itinuon na ulit ni Justin sa akin 'yung atensyon niya.

"Eh, ano naman 'yung sinabi ni Sharinna kanina? Meron ka daw na... leu? Ano 'yon?" Tanong niyang muli sa akin.

Dugdug, dugdug...

"Lulu daw. Meron daw siyang lulu!" Banat pang muli ni Victor.

Dahilan ng paglapit sa kaniya ni Josh.

"Alam mo 'dre? Gutom lang 'yan... Tara doon nalang tayo sa mga pagkain. Lantakan nalang natin 'yung mga handa doon!" Pag-akbay niya kay Victor. Saka niya ito hinila papunta doon sa food buffet table.

"Sandali! Sama din ako sa inyo mga 'dre! 'Diba maraming cake doon?!" Habol ni Tonyo "Akin lang 'yung mga cake doon! Lalong-lalo na 'yung mukha cake!" Pagtakbo niya.

"Ano'ng mukha cake?" Pagtawa ni Paulo, saka niya kami hinarap ni Justin "Mukha cake daw! HAHAHA!"

Kahit kami din ni Justin ay humalakhak dahil sa sinabi ni Tonyo. Baka ang ibig niya sigurong sabihin ay mocha cake!

Sabagay, bisaya naman kasi talaga si Tonyo. Actually, kada nga maririnig ko siyang nagsasalita ng bisaya accent ay nacu-cute-an ako.

"Paano ba 'yan. Pagbibigyan ko na muna kayong dalawa dito na mag-usap. Usap lang ha! Baka mamaya magsabunutan na kayong dalawa diyan eh!" Saad sa amin ni Paulo "Sige! Doon na din ako kila Tonyo! Titikim din ako ng mukha cake!" Pagtawa niya ulit. Bago niya kami tuluyang iwan na dalawa ni Justin.

If you could read my mind, love. (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora