Kabanata 8

64 9 14
                                    

"What!" bulalas ni Ms. Velasco. "Totoo ba ang sinasabi ni Castillo, Antipasado? Don't you dare lie. Just tell the freaking truth, you little piece of shit!"

Para akong napako sa kinatatayuan. Gusto kong humakbang at sabunutan si Layla hanggang sa makalbo ito kagaya ni Dragon Lady. Paano nito ako nagawang traydorin at lokohin? Ano'ng ginawa kong kasalanan para ako nito ipahamak? Ito lang ang tinuring kong totoong kaibigan dito sa Purvil High.

"T-Traydor ka!"

"Ows, talaga?" Napailing si Layla sabay simangot na tila nasaktan ito sa mga sinabi ko. "Ang sakit mo namang magsalita, Miya the Dragonslayer. Is that how to treat your own bestfriend?"

"Pinagkatiwalaan kita, Layla. T-Tinuring kitang parang kapatid ko." Nagtiim ang mga bagang ko. "Dapat pala hindi na kita kinaibigan."

Napabungisngis si Layla.

"Tanga ka, e. Hindi ka marunong kumilatis ng tao. Matagal ko nang gustong ingudngod ang pagmumukha mo sa kanal pero wala ka pa ring kaalam-alam. Hindi ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o manhid na tanga. Pathetic!"

"Layla..."

"Kasalanan mo kung bakit ko ginawa ito sa 'yo." Nagdilim ang mukha ni Layla sabay titig nang masama sa akin. "Mang-aagaw!"

"Ano'ng sinasabi mo? Mang-aagaw? Ako? At paano ako naging mang-aagaw? Nahihibang ka na ba, Layla?"

"Playing dumb again, Miya? Huwag ka nang magmaang-maangan, bitch. Aminin mong may gusto ka rin kay Bruno. Aminin mo!"

"Wala akong aaminin. Wala akong alam sa mga sinasabi mo."

"Bullshit!'

"Layla, please, makinig ka. Nagkakamali ka ng akala."

"Lying bitch!"

Nagsimula akong humakbang palapit kay Layla.

Tinutok sa akin ni Layla ang hawak na payong na parang espada.

"Sige, subukan mo'ng lumapit. Itatarak ko sa dibdib mo 'tong payong," babala ni Layla, sabay ngiti nang makitang tumigil ako sa paghakbang. "Good girl. Good bitch. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ni Ms. Velasco."

"Wala akong pakialam sa away n'yo sa lalaki," singit bigla ni Mrs. Villarica. Kasing tigas ng bato ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Seems like you need to explain something, Antipasado." Tinuro nito ang silya sa harap ng lamesa. "Please have a sit. We still need to talk."

"W-Wala na pong dapat na pag-usapan, Mrs. Villarica," matatag na sabi ko. "It's getting late. Kailangan ko nang makauwi. Hinahanap na ako sa amin."

"No, you won't," pinal na sabi ni Mrs. Villarica sabay buntong-hininga na tila ba pagod na ito sa mahigit isang oras na pakikipag-usap sa pinakapaborito nitong estudyante ng Purvil High. "Walang uuwi. You too, Castillo. Stay with us. I need your opinion as well."

"Whatever, Mrs. Villarica," nakasimangot na turan ni Layla. Humalukipkip ito sabay sandal sa tabi ng pinto.

"Antipasado, alam mo bang bawal dito ang paggamit ng cellphone?" mariing paalala ni Mrs. Villarica. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa likod ng lamesa saka tumingin ng matalim sa akin. "In case you forgot, bawal ang cellphone dito sa Purvil High dahil maaaring magamit ang camera o ang video nito para makunan ang loob ng compound. Maari rin itong gamitin ng mga estudyante para mandaya sa exam at gumawa ng kung anong kalokohan. I won't allow that to happen. Not in my school. Not while I'm still in charge in here, you hear me?"

"Hayop ka talagang bata ka," nanlilisik ang mga matang anas ni Ms. Velasco. Nakapako ang tingin nito sa dibdib ko, sa bulsa kung saan nakaipit ang ballpen. "Look, Mrs. Villarica. Ayun ang ballpen na sinasabi ni Castillo. God, kaya pala may maliit na butas sa dulo nito, lens pala ng camera. How dare you!"

My Teacher is a Serial KillerWhere stories live. Discover now