Author's Note

48 7 3
                                    

Masaya ako at naisulat ko na rin sa wakas ang kwentong ito na matagal nang tumatakbo sa isipan ko. Malaki ang naging impluwensya ng naging Math teacher namin noong nasa junior year pa lang ako sa Maulawin National High School ( na ngayon ay Pagsanjan National High School na.) Siya ang inspirasyon ko para isulat ang kwentong ito. Hindi man siya naging kasing baliw at sama ni Ms. Velasco a.k.a. Dragon Lady, hindi rin naman ito naging kasing hinhin at bait ni Maria Clara. Hindi namin mapigilan ang makadama ng takot at kaba sa tuwing darating si Ms. Velasco sa loob ng silid-aralan para magturo ng subject na kinaaayawan naming lahat (or at least kaming mahihina sa math.) And yes, you read it right. Velasco rin ang apelyido niya.

Totoo ang Purvil High sa kwento, datapwat nasa Mindanao pa ang eksaktong lokasyon nito, kung nandoon pa rin ito hanggang ngayon. Doon kami nag-first year ng kakambal ko noong taong 2000 bago kami muling bumalik ng Luzon at nagpatuloy ng pag-aaral sa Maulawin High.

At kung mapapansin ninyo ang ilan sa mga pangalan ng mga tauhan sa kwento, hango sa pangalan ng mga hero sa isang sikat na mobile game. Welcome to Mobile Legend. Five seconds until the enemy reaches the battlefield. Smash them. All troops deployed. Our base is under attack. Defeat! Yes, Mobile Legends. Well, makaka-relate ka kung nilalaro mo rin ito. He-he!

Pagsanjan Falls lang ang totoo sa mga nabanggit na lugar sa kwento. How I wish na may Pagsanjan Mountain at Pagsanjan River nga. Pinagbabawal na Puno na na-featured ng KMJS? Wish ko lang! XD :)

That's it! Sana suportahan n'yo pa rin ako sa mga susunod ko pang kuwento na isusulat. Naa-appreciate ko talaga kayo na nakaka-appreciate sa gawa ko. Sana nabigyan ko kayo ng sobrang kaba at excitement habang binabasa ang Teach Me How to Die. Maraming salamat sa inyo. Hanggang sa muli!

September 26, 2020
Pagsanjan, Laguna

My Teacher is a Serial KillerWhere stories live. Discover now