Prologue

56 7 3
                                    

Vale is always dreaming for a complete and happy family but he knew he that his parents will never be the same again. His own definition of happiness is a complete family with cute kids, Not until a man came into his life. And that man change everything that he believes. And the kind of man that he met is the one he really hate's.

But hate turns into something, could it be love? Is it possible to fall in love with a man that he hates? Would he follow his heart or his dream? 






happy birthday Vale!" masayang bati sakin ni azure saka ako niyakap. hindi  talaga niya nakalimutan na birthday ko ngayon.

"as usual  vale may cake ka ulit HAHAHA" napailing iling nalang ako dahil  nagabala nanaman siyang bumili . kahit alam kong sa pinag tratrabahuan kong cake shop niya yun binili . binatukan ko nalang siya saka nagpasalamat.

"hindi ba pwedeng magpasalamat ng walang batok? onti nalang magiging flat na itong ulo ko" irap niyang daing saakin. dahil kanina pa kumakalam ang tiyan ko dahil sa pagaantay sakanya ay binuksan ko na ang cake na bigay niya.

"stooopppp!!!" pigil niya saakin ng akma kong kainin ang gilid ng cake. hinablot niya ito saakin sa inilipag sa katabi niyang mesa. napairap  nalang ako dahil dun.

"kailangan munang sindihan yung kandila! tapos mag wish den hatiin gamit yung kutsilyo!" tinuro niya yung kutsilyo sa tabi ko kaya kinuha ko yun at tinitigan " saka natin kakainin, oo natin . kakain din ako hayop ka, ako  bumili niyan siraulo" napairap nalang ako sakanya nilapag kona rin yung kutsilyo , baka maibato ko sakanya eh.

"hoy nakikinig kaba?" sabi niya saka ako piningot, napahawak akonsa tenga ko dahil dun. ang sakit , pakiramdam ko hindi na aabot sa pasko itong tenga ko dahil sa kakapingot niya.

" malamang! dalian mo sindihan mo na yan , kanina pako gutom" inis kong sagot sakanya . agad naman niya itong sinindihan saka ihinarap saakin. sinabihan din niya akong mag wish . at katulad ng dati iyong bagay na iyon ulit ang hiniling ko.

Hindi rin nagtagal  ay natapos na kaming kumain, nagpaalam siya saaking aalis muna dahil may gagawin . Mabuti nalang at walang pasok ngayon , dahil kung hindi , baka kung saan saan nanaman ako napadpad para magtrabaho .

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas muna ako at umakyat sa may bubungan. Muntik pa akong nahulog dahil nakasalubong ko yung itim na pusa ng kapit bahay namin.

Tulad ng dati , humiga ako sa bubong saka tinitigan ang buwan. Paulit ulit ko itong ginagawa kapag kaarawan ko . Ang humiling , na sana mabuo ang pamilya namin , na sana maging masaya ulit kami tulad ng dati, walang araw na hindi kami masaya dati , kapag kumakain kami hindi mawawala ang kwentuhan at asaran . Pero ngayon , dalawa lang kami ni azure na magkaharap. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga batang hanggang ngayon buo ang pamilya.  Sana ganun din ako. Sana ganun din ang pamilya ko.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko saka umupo.

Ang pangarap kong bumul ng isang buo at masayang pamilya ay nagbago dahil sa isang tao na dumating sa buhay ko.

Khai_3

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon