chapter 16

9 3 0
                                    

"punyeta yung ID ko asan!? Hoy yung plantsa i-off mo!! Pati yung medyas ko bwisit malii! Nasa--"

"Calm your ass down val. Use your eyes and stop being so noisy, it's irritating" kumunot ang noo ko at inirapan ko siya.

"Male-late na nga ako oh! Siraulo first day of school pa naman!" Sigaw ko sakanya. Unang araw ng klase malelate ka? Ang sakit no'n at ang siraulo pa chill chill lang kasi mamayang alas otso pa ang simula ng klase niya. Paano ko nalaman? Syempre pakalat kalat yung schedule niya.

"Breakfast ka muna." Alok niya. Hindi ko siya pinansin at mabilisang inayos ang gamit ko. Hindi ko na pinakeelaman kung ano ang maisuot kong t-shirt. Mabuti nalang at wala munang uniform kapag first two week ng school.

"Mauna na ako! Linisin mo yan mamaya!" Sigaw ko at nag dire diretso na palabas ng dorm. Simpleng black na Sneakers, ripped jeans at white na t-shirt nalang ang isinuot ko. Wala ng time para pumili pa ng maisusuot, at hindi naman ako katulad nung iba dito na akala mo mag momodel ang ipinunta dito, katulad nalang nitong makakasalubong ko.

" Valeeeee!!!!!"  Ayun nanaman ang maingay na si Kairi. Para talagang nakalunok ng microphone ang isang ito. Yumakap siya sakin na akala mo ilang years kaming hindi nagkita, sumunod naming nakasalubong iyong tatlo; sina azure, rain at jayson. Mabuti pa sila mukhang maayos ang gising at maganda ang simula ng umaga nila.

"Oh kumusta naman ang class-A dorm?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Rain. Sumimangot ako bago sumagot.

"Maayos naman, kaso walang kwarto eh. Kaya magkatabi kami ng higaan" pagmamaktol ko. Natawa naman sila at isa isa akong binatukan maliban may azure na nakasimangot.

"Boba! Kailan pa ba kasi nagkaroon ng kwarto sa class-A?" Natatawang sigaw ni Rain sakin.

"Actually... eherm eherm, pang couple kasi yung class-A dorm." Napakurap kurap ako at tinignan silang tatlo na pinipigilang tumawa.

"Akala ko yun yung pinaka expensive na ano..." namatanggap ulit ako ng batok. Magrereklamo sana ako kaso naunahan na ako ni K' na magsalita

"Siraulo, pareho namang mahal ang class-A at B. Ang kaso pang couple ang class-A, kahit sino sa B at C! Boba! Pareho kayo niyang bestfriend mo!" Sigaw niya sakin. Napakamot nalang ako sa ulo ko at nagdirediretso na sa unang subject ko. Ka klase ko silang apat.

"Hay nako ganyan talaga ang mga senior citizens! Jusko tadyakan ko kayong dalawa diyan eh" si rain.

"Don't tell me hindi nanaman kayo nagbas-- my god vale! Azure!" Sigaw ulit ni K.

So all this time nagiging tanga pala ako? Ang akala ko kasi pareho lang iyong dalawa. Hay bwisit na yan!
Buong klase wala akong naintindihan dahil kumakalam ang sikmura ko. Ni hindi ko pa namalayan na pinalabas na pala kami dahil wala iyong teacher. At tulad ng dati sabay sabay nanaman kaming lima na naglalakad, parang saamin nga ang daan eh.

"Mauna na kami!! Kita nalang mamayang lunch break!" Sigaw ni Rain. Kaming dalawa lang ni azure ang magkasama ngayon at tutal mga 30 minutes pa naman ang aantayin namin bago pumasok sa susunod na subject.

"So kumusta yung kasama mo?" Pagtatanong ko habang inaayos ang gamit ko na magulo.

"Ayun, humihinga pa naman. Hindi pa nakaligo kaninang iniwan ko" sagot niya. Naglabas ako ng dalawang choco mucho at binigay sakanya ang isa.

"Eh iyong kasama mo?? Buhay pa ba?" Napairap ako dahil sa tanong niya

"Sira ba ulo mo?? Malamang buhay pa" sagot ko at kumagat sa chocomucho. Halatang inaantok pa ang kasama ko kaya hindi ko nalang muna siya kinausap. Hanggang sa pagpasok namin matamlay parin siya, tulad ng nangyayari kapag first day of school laging introduce yourself at kung ano ano pa. Nakakaboring nga eh, ginagawa pa kaming elementary eh magkakakilala na rin lang naman kami.Sa pangatlo at pangapat kami nagkahiwalay ni azure.

"Huy vale! Sanaol sa class-A dorm!" Sigaw ng isa kong kaklase pagkapasok na pagkapasok ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa desk at hindi sila pinakinggan.

"Vale! Sino yung ka dorm mo!? Maganda ba siya? Mas maganda kay aliyah?" Nakasimangot akong sumulyap kay aliyah, umamin kasi ako last year na may gusto ako sakanya. Sino ba ang hindi magkakagusto sakanya? Maganda, matalino tapos mabait pa, all in one nga eh.

"Wala akong kasama" simpleng sagot ko at nagiwas ng tingin.

"Sinungaling! Hindi kaya pinapayagan yun! Luh dine-deny! Hindi siya proud sa girlfriend niya!" Lag lag panty ng isang ito pag nalaman niyang lalake ang kasama ko at hindi babae. Sakit sa ulo ng mga ka klaseng ito. Ma issue.

"Ang tagal naman nung teacher" reklamo nung isa at umupo sa harapan ko, mga wala pang ilang segundo marami na silang nakapalibot sakin. "Interviewhin ka namin val. Ayusin mo sagot mo ah" umirap nalang ako. Mukha bang may pagpipilian ako? Mga siraulong to.

"So sinong kasama mo dun? "

Ilang years na kayo?"

"Pano kayo nagkakilala"

"Sandali mga gago! Dahan dahan! Ikalma niyo yang mga ano niyo!" Sigaw ko sakanila. Hindi ko pa nasasagot iyong isang tanong meron nanamang isa. Robot lang ang peg nila.

"So sino nga yung girlfriend mo?"

"Wala akong girlfriend" matabang kong sagot. Totoo naman eh, wala akong girlfriend.

"Sinasabi mo ba yan dahil nakikinig si aliyah? Kasi nga umamin ka last year? Tapos ngayon may girlfriend kana? Omg ka naman!" Napataas ang kilay ko at sasagot sana ako nang may nauna saaking sumagot at nagustuhan ko ang sagot niya.

"Tanga! Ni reject nga siya diba!?" Singhal niya at binatukan iyong isa" Alangan namang umasa pa siya eh ni reject na nga!  Ay na apu makugtarak ata rupam la sige"

"Goodmorning class!" Agad silang nagsiayos ng upo at nagsipagtinuan dahil sa biglaang pagdating ng professor at isang lalake na kasama ko sa isang bahay.

"Introduce yourself" sabi niya habang inaayos iyong projector. Ang siraulo kumindat muna bago magsalit, halos hindi tuloy makahinga iyong nasa likod ko na akala niya siya ang kinindatan. Siraulo, mabuking lang talaga na ikaw ang kasama ko masasakal kita.

"Brix Taguinod"  simple niyang pagpapakilala. Bakit hindi kasali ang second name? Gusto ko sanang itanong kaso baka malaman nilang magkasama kami.

"You may sit down, you can choose between Vale and aliyah"

"Kay aliyah nalang! Jusko mukhang magkakaroon ng barko dito shet!! HAHAHAHA" ang pinaka maboka saaming klase. Sumangayon naman ang iba at iyong iba hindi na malaman kung anong mararamdaman. Adik Lang?

Kung malaman niyo sigurong hinalikan ako niyan baka maglupasay na sa inggit ang malalanding crush agad basta may makitang gwapo. Hindi naman kasi maitatangi na may itsura siya.

Sa hili pinili niyang maupo sa tabi ni aliyah, hindi naman maitago ni aliyah ang ngiti niya, napapailing nalang ako at nagfocus sa prof. Hanggang sa matapos ang huling klase ko ngayong umaga wala pa rin talaga akong naiintindihan, first day palang lutang na ang isip.

Nakipagunahan akong lumabas ng classroom ng ma dismis na kami, dumeretso ako sa cafeteria at kita kong nakapalit na ang tatlo kong kasama. Si Kairi, Rain at Jayson. Dali dali na rin akong nagpalit.

Nabuhos ko ang tubig sa katawan ko dahil sa hindi inaasahang pagtatanong ni kai, ang walang hiya at tigil niyang bibig. Bwisit

"So may nangyari na ba sainyo?"

-----
-khai_3

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon