chapter 12

9 3 0
                                    

"Kung tao lang iyang cake, malamang sa malamang nasa prisinto ka na ngayon" sabi ni K' habang nagpipipindot sa cellphone niya. "Lutang na lutang kana" dag dag niya. Eh pano hindi ko magawang makapag move on sa sinabi nung walang hiyang isa. Mabuti nalang nagkunwari akong tulog, at oo. Nakatulog nga ako ng mahimbing pagkatapos nun at hindi ko pa namalayan ang pagalis niya. Simula rin nung araw na yun araw araw nang pumupunta sa bahay si brix, lagi siyang nasa sofa kapag uuwi ako pagkagaling dito sa bakery.

"Uhmm"  sumimangot ako, nagpapahinga lang kami kasi malapit na rin kaming umuwi.

"Ugh! Vale ayusin mo nga yang mukha mo!" sigaw ni K'. hindi ko siya pinansin saka sumubo ng cake. Muntik na akong mabulunan nang sipain ni K' ang paa ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso lang siya, problema ng isang to? Sapakin ko kaya? Napaka abnormal.

Pagkatapos kong kumain nag ayos na kami sa bakery saka nagsiuwian, at heto nanaman ang mga nakakagigil na kapitbahay. Nagsisilabasan para magpapansin kay brix and yung kasama niya na si azure naman ang puntirya.

Napairap ako ng wala sa oras dahil daan sila ng daan sa harap ng bahay nila brix, baka kung malaman niyong hinalikan ako niyang crush niyo baka maglupasay kayong lahat at ipakulam pa ako. Napailing ako sa naiisip ko, saka marahang ngumiti.

Sinulyapan ko si brix na ngayon ay nagkakape at nagpipindot sa cellphone niya. Hindi niya man lang napapansin yung mga babae na halos ilabas na lahat ng magagandang damit para mapansin lang siya? Hay napaka manhid, amd speaking of manhid. Manhid talaga siya, kasi inaraw araw niya ang pagpunta sa bahay, minsan naabutan ko pang kumakain sila ni azure ng kung ano ano at ang ending? Ako naglinis. Ang kakapal ng mukha.

"Val!" Binilisan ko ang paglalakad papunta sa bahay nang marinig ko ang pagatawag saakin ng walang hiya na si brix. May ibang napalingon saakin dahil sa pagtawag niya. Dali dali akong pumasok at nilock ang pinto. Sinilip ko siya sa bintana at ang lawak ng ngiti niya, bwisit na to.

"Ugh! Val! Mag enroll na kaya tayo?" Pagdating na pagdating ko yun agad ang ibinungad niyang tanong. Kahapon pa namin iyon pinagaawayan.

"Next week nga! Di makapag hintay!" Sigaw ko saka siya inirapan. Tumalon ako papunta sa katabing upuan ni azure saka inagaw sakanya ang unan at niyakap iyon.

"Naman eh! Mas maganda kasi kapag mas maaga! Para makapili pa tayo ng magandang dorm!"  May punto naman siya, nung nakaraang school year kasi sobrang pangit ng kwarto naming dalawa. Hindi makatulog ng maayos dahil sira iyong bintana at laging barado iyong CR.

"Tinatamad pa ako mag enroll, ikaw nalang muna" usal ko saka siya tinalikuran at naghanap ng magandang channel,hinahanap ko yung cartoons!

"Mag enroll nalang gagawin tatamarin pa. Sarap mo batukan" hindi ko siya pinansin at tumutok sa paghahanap, wala pa rin akong mahagilap na cartoons o anime man lang! Anong oras na ba at wala ng cartoons??

"Hi there babe! Good eve!" Napairap ulit ako ng wala sa oras ng marinig ang boses ni brix.

" walang good sa evening namin!"  Sigaw ko saka umayos ng higa. Hindi man lang kumatok ang walang hiya. Kapal kapal talaga ng mukha nito. Naramdaman kong umupo siya sa may bandang uluhan ko.

" ano nanaman ba ha? Wag mong ubusin yung choco mucho ko nyemas ka"  pagdadamot ko. Pano kasi nung isang araw pagkarating ko ubos na yung isang supot ng cream-o.

"Bibilhan kita ng marami" napabangon ako bigla at pakiramdam ko nawala nalang bigla ang pagod ko. Halos yakapin ko na siya dahil dun, pero napawi bigla iyong saya dahil sa sunod niyang sinabi.

"Basta kiss muna" tinuro turo pa niya ang pisngi niya. Sinimangutan ko siya saka pinalo ng unan.

"Kiss?" Ngumisi ako saka bahagyang inilapit ang mukha ko sakanya "ikis-kis ko yang mukha mo sa sahig?" Pagtatanong ko. Ngumisi din siya saka nakipagtitigan saakin

"Hmmm" tumango tango siya " i think it's better if I'll be the one who will kiss you" usal niya saka kinagat ang pang ibabang labi niya. Ginaya ko ang paraan ng pagkagat niya at bahagya kong nasulyapan ang paglunok at pagpula ng tenga niya. Tinitigan ko siya sa paraang aakalain niyang inaakit ko siya. Marahan ko siyang itinulak pahiga. 

"Val..." mahina niyang usal nang mas lalo ko pang ilapit ang mukha ko sakanya, mahinang klase.

" ouch! What's that for!?"  Pasigaw niyang tanong, inirapan ko siya.

"Manyakis!"  Sigaw ko sakanya pabalik. Eh pano kasi may papikit effect pa siya.

" excuse me? Ikaw ang nangmanyak saakin"  napanguso ako dahil sa sinabi niya, oo nga pala ako yung nangmanyak. Tsh! Bahala siya.

"Basta yung cream-o ko" sabi ko saka tinitok sakanya iyong remote. Hehe subukan mong tumanggi tatama to sa noo mo, napangiti ako sa naiisip ko.

"Oo na oo na"  sagot niya saka inayos ang upo niya. Bigla nalang akong napangiti saka gumulong gulong kahit hindi na magkasya ang katawan ko sa upuan.

"Ang likot mo masyad-- oh!" Tinawanan ko siya dahil sa reaksyon niya, muntikan kasi akong nahulog, buti nahawakan ko ang braso niya.

" hoy kayong dalawa! Yang vase ko pag nabasag yan! Ipapakain ko sainyo yan!" Sigaw ni azure mula sa kusina. Nagluluto nanaman yata siya.

"Bakit ang hilig mo sa ga--"

"Wag kang maingay, nanonood ako"  putol ko sa sinasabi niya. Maglalaban na kasi si ben at yung alien eh. Tumahimik naman siya at hindi ako ginulo hanggang sa matapos ako sa panonood.

"pwede ka ng umalis" pagtataboy ko sakanya.

"Pinapaalis mo ako?"  Pagtatanong niya.

" hindi! Pinag i stay kita" pamimilosopo ko.

"Ayun naman pala eh"  sabi niya saka inagaw saakin ang unan ko. Humiga siya sa kaharap na sofa. Tangina kapal talaga ng mukha ng isang ito.nagawa niya pa akong kindatan bago niya takpan ang mukha niya gamit iyong unan.

Napaiwas ako ng tingin saka kinagat ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti.
Nyeta bakit ba ang cute ng walang hiyang ito?

" hoy ang sabi ko layas na!" Sigaw ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at mas lalong ipinagsiksikan sa mukha niya ang unan.

"Ugh! Kapal ng mukha!" Sigaw ko pa ulit. Ilan bang anesthesia ang naturok sa taong ito at wala na siyang maramdaman na kahihiyan. Inaraw araw na siyang nandito, nakikikain pa. Ampunin ko nalang kaya siya?

"Bwisit hoy! Nasusunog yung bahay niyo!" Iyon na siguro ang pinaka bobong dahilan ko para paalisin siya. Binatukan ko ang sarili ko dahil dun.

"Ok lang. Dito nalang ako titira" usal niya. napairap nalang ako sa hangin. Ang bwisit na ito talaga.

" makikikain muna ako" hay napaka tamad magluto ng isang ito. Sarap sakalin at ibalibag.

"Si azure iyong nagluluto" simple kong sagot. Napangiti ako nang makita ang pamumutla niya, na trauma kasi siya sa crabs na kinain niya dati.

"Bukas nalang pala ako makikikain, geh, goodbye!" Derederetso niyang sabi saka binuksan ang pinto. " dream of me!" Pahabol niya pagkalabas niya ng pinto.

Hayyyy... hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla bigla nalang akong nalulungkot . Ayan kasi vale pinaalis mo pa eh.

Boring rin pala ang buhay kapag walang nangaasar sayo, well, andiyan naman si azure. Pero kapag siya kasi ang nangaasar saakin walang epekto. Siya iyong napipikon kahit ako naman ang inaasar niya.

"Hoy! Kakain na!" Pagtawag niya saakin.

" ayoko!busog ako!" Sigaw ko sakanya pabalik. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto dahil alam kong pipilitin niya akong kumain.

"Dali na! Tikman mo lang! Promise! Maayos na lasa nito! " dinig kong pamimilit niya bago ko maisara ang pintuan. Kaya sumigaw ako pabalik bago iyon i lock

"Alam kong lasang impyerno iyang mga niluluto mo!!"

-----
-khai_3

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon