chapter 15

6 3 0
                                    

"good morning!!" Masiglang bati sakin ng kasama ko pagkagising. Mabuti pa siya maganda ang tulog at gising. Kasi ako? HINDI!! Sinong makakatulog ng maayos kung paulit ulit kang yakapin ng katabi mo? At ang malala pap
muntikan akong nahulog dahil sa kulit niyang matulog.

" walang good sa morning ko"

"Huh? Bakit? May masakit ba sayo?"  Halata sa boses niya ang pagaalala.

" wala, nakita ko kasi yang mukha mo, sira na araw ko" matabang kong sagot, nakita ko ang biglaang paglungkot ng mukha niya bago lumayo.

"Anong agahan?" Nakapikit ang matang tanong ko. Hindi siya sumagot, ibig sabihin hindi pa siya nakapagluto.

"Ready na yung lulutuin mo" walang gana niyang sagot. Nakita ko nalang siyang dumapa sa kama niya at pumikit. So wala akong choice kundi magluto.

Tulad nga ng sinabi niya ready na ang lulutuin ko. Napairap nalang ako sa hangin nang makita kung ano ang mga nasa counter. Bacon nalang hindi pa  kayang i prito. Jusme, paano kaya kung wala ako dito, edi gutom itong taong na ito ngayon? Well, hindi naman siguro. Marunong naman siguro siyang mag order ng pagkain niya.

Nakabusangot siyang umupo sa harap ko nang matapos akong magluto. Nakatitig lang siga sa bacon at hindi niya iyong kinakain.

"Bakit ganyan yang mukha mo?"  Tanong ko.

"May dumi?" Napairap ako sa sagot niya.  Kalma val linawin mo kasi sinasabi mo.

"Wala, i mean bakit ka nakasimangot?"tanong ko ulit.

"Kasi sabi mo sira na araw mo dahil sa mukha ko" so kasalanan ko pala kung bakit biyernes santo ang mukha niya ngayon "  hindi naman ako pangit ah. Ang gwapo ko nga eh, saan ka ba makakakita ng ganito ka gwapong tao"  nahihirapan akong lumunok at tumititig sakanya. Kaya pala nakabusangot siya dahil sa sinabi ko?  Shocks lang ah.

"Ang kapal rin talaga ng mukha mo eh no?" Usal ko.

"Saka pakiramdam ko parang ayaw mo sakin"  dag dag pa niya. Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Win baruk madik talaga sika kayat

"Saka pakiramdam ko parang mas gusto mo pa iyang bacon na yan eh"  napapakit nalang ako at matunog na bumuntong hininga. Kalma lang vale, baka may sumapi lang sakanyang demonyo kaya ganyan siya. Sana pala hindi ko nalang siya pinansin mula kanina.

"Oh baka nama--" binigla kong sinubo sakanya ang bacon kaya hindi na niya naituloy ang dapat sasabihin niya.

"Kumain ka na nga lang jan" inis kong sabi saka nagpatuloy sa pagkain.  Tuwing titignan ko siya nakatitig lang siya saakin at nakasimangot, hanggang sa matapos kaming kumain. Ganun na ganun pa rin ang itsura niya, nakasimangot parin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura niya. Natapos ko na ang maghugas pero hindi parin siya umaalis sa upuan niya at nakasimangot parin siya.

Umupo ako sa harap niya bago magsalita. "Ano? May problema ka?"  Pagtatanong ko. Matamlay siyang umiling at tinakpan ang mukha gamit ang dalawa niyang palad. Jusko, umiiyak na yata.

"Sira, huy bakit?" Niyugyog ko ang balikat niya pero hindi niya ako pinansin,  rinig ko na rin ang mahina niyang pagsinghot. Ok? Siguro may problema nga talaga? Hays, ano ba kasi meron sa mokong na ito at bigla bigla nalang umiiyak.

Dahil hindi rin lang naman niya ako pinapansin iniwan ko siya duon at dumeretso sa sala.  Sumunod siya , pero nakasimangot parin, ewan ko ba sa taong ito may sumapi yata.

Hindi ako matigil kakatingin sakanya, pero siya tutok lang sa panood. Hindi ba siya nangangawit sa kakasimangot?.

"Ano ba!?" Sigaw ko nang hindi ko na matagalan ang pagsimangot niya. Ako yung napagod kakasimangot dahil sakanya. Pati ako nasisimangot dahil sakanya eh, nahahawa ako.

"Hmmm??" Napairap nalang ako sa hangin. Nagiwas ako ng tingin ng mag- pout siya. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at pitikin ang nguso niya. Naalala ko tuloy yung ganun sa basta yung ano punyetang yan. Napatakip ako sa mukha nang maalala ko ang nakakainis na pangyayaring iyon. Bwisit na ito.

"Wala, tigilin mo na kakasimangot" usal ko saka nagpipindot sa remote. Hindi na kami nagimikan hanggang sa magtanghalian, hindi ko siya nasabayang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom, sa dami ba naman ng kinain ko kaninang umaga eh. Akala ko nga sa banyo agad ang deretso ko. Kani-kanina lang nagpaalam siyang aalis daw muna siya, ewan ko kung saan pupunta basta ang sinabi baka gabihin daw siyang umuwi. At tama nga siya, dahil mag aalas syete na wala pa rin siya. Tapos na akong kumain wala pa rin siya. Natapos ko na ring maligo at naghugas. Inaantay ko nalang yung pagdating niya, baka kasi matulad sa nangyari kay azure eh. Baka hindi rin nagdala ng susi.

Naisip kong tawagan siya, kaso naalala ko wala pala akong load. Saka wala saakin ang number niya. Nakakabagot talaga ang magantay, at ipinagpapasalamat ko nalang na wala siya dahil mag experiment ako sa cream-o na binili namin. Dumeretso agad ako sa kusina at nilabas ang isang pack ng cream-o. Naghalungkat ako sa mga kabinet kaso wala akong mahanap na gatas.

"VAL???!!!"

"Ay anak ka ng!? Bakit ka ba nanggugulat! Ma highblood lang ako, mumultuhin kitang animal ka" nasapo ko ang puso dahil sa gulat. Bukod kasi sa malakas, parang nakalunok siya sa graba sa tigas ng pagkakasabi niya sa pangalan ko kaya parang hindi siya.

"Oh kalma, sorry sorry hahahaha. So bakit gising ka pa?"

"Kasi hindi pa tulog"  irap ko sakanya " Inaantay po kita sir, baka kasi wala kang dalang susi" dagdag ko. Iniwan ko siya duon at dinala sa higaan ang cream-o. Sumunod siya at umupo malapit sa paa ko. Nang tignan ko siya ang lawak ng ngiti niya. Kung kanina parang nalantang gulay ang mukha niya, ngayon naman parang adik kung makangiti. Mas creepy pala siya kapag nakangiti, hindi malaman kung nakahit hit ng rugby o may pinaplanong masama sayo.

"Gusto mo?"  Alok ko sakanya, tinanggap naman niya kaso tinabi niya lang. Oo, hindi niya kinain. Tinabi niya lang. "Ayaw mo?" Tanong ko, umiling lang siya. Nagiwas na ako ng tingin dahil sa ngiti niya. Naiilang na ako, peste hindi ko alam kung bakit ganun ang epekto ng ngiti niya. Cute pero napaka creepy. Shit shit bahala na! God bless you vale.

"Ahmmm. Tungkol sa ano, sa beach... alam mo na... yung ano bast a yung ano" napawi ang ngiti niya at tumaas ang kilay niya, napangiwi naman ako dahil dun.

"Ahh... kiss?" Nakangiwi rin niyang tanong. Okeyyyy awkward. Napalunok ako ng makita kong ngumisi siya.

"Why?"tanong niya at lumapit saakin. " you want me to kiss you again?"  Naitulak ko siya ng biglaan dahil sa lapit niya.

"Hindi!" Sigaw ko " tatanungin ko lang naman kung bakit ano eh! Basta yung ano! Bahala ka na goodnight!!" Sigaw ko sakanya saka nagkumot.

Nagising ako dahil sa kung anong mabangong amoy. Nagluluto siya, nakangiti akong bumangon at dumeretso sa kusina. Mula sa pinto, tanaw ko ang nakalikod na si brix.

"goodmorning" bati ko at umupo malapit sa counter. Magtatanong palang dapat ako kung anong ulam nang ilapag niya ang nuggets at hotdogs.

"Morning.  Ganda ng gising mo ah" nakangiti niyang sabi at kumain ng hotdog.

"Syempre, bango kasi ng niluluto mo eh" usal ko kahit medyo puno na ang bibig ko.

"So dapat pala araw araw ako ang magluto?" Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto rin ang limapas bago kami natapos kumain.

Pabagsak akong humiga sa kama ko, ganun din siya. Bahala na kung magkasakit sa intestine. Hayyss ilang araw nalang pasukan na, GOOD LUCK VALE!

-----
-khai_3

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon