chapter 13

6 3 0
                                    

"Ugh! Nakakapagod!"  Pasalampak na umupo si azure sa sahig. isinandal ko naman ang katawan ko sa pader na malapit kay azure.

"Kasalanan mo!! Sabi ko kasi dapat mag enroll ng maaga eh!" Paninisi niya saakin, napairap ako ng wala sa oras dahil dun, nyeta. Tinignan ko ang orasan at ganun nalang ang gulat ko nang makitang alas sais na ng hapon. Argh! Kakabwisit, wala ng time para magluto! Hindi nagalmusal hindi nag tanghalian hindi rin kakain sa gabi, ang galing talaga.

"Ughh!! Oo na!kasalanan ko na bwisit na yan!" Napairap nalang ako sa hangin nang maalala ko iyong bwisit na pangyayari kanina.

•||FLASHBACK||•

"Oh ano azure, ready ka na?" Naiirita kong tanong sakanya, kagabi pa niya kasi ako pinipilit na mag enroll na kami ngayon. Nakakagigil nga eh kaso wala naman akong magawa kasi sobrang gusto na niyang mag enroll.

" of course! Kagabi pa ako ready!" Sigaw niya saka inunahan akong lumabas . Ako na rin ang nagsarado at naglock. Ano bang aasahan ko sa kasama ko kung sa sobrang exited niyang mag enroll eh muntik niya pang makalimutang mag toothbrush kanina.

Saktong pag ka lock ko lumabas din sila brix sa bahay nila.

"Oh saan ang punta niyo?"  Pagtatanong ko. Mukhang may lakad din sila tulad namin ni azure.

"Ah sa tuguegarao. Eh kayo?" Pabalik na tanong niya.

"Mag eenroll na kami! Pero sa tuguegarao din ang punta namin!" Magiliw na sagot ni azure. Ako iyong tinanong pero siya ang sumagot ang galing.

"Saan ba kayo mag eenroll? Kami rin kasi eh, kaso maghahanap pa kam--"

"Ay nako! Sa RSU nalang! Dun kami ni vale!" Napairap nalang ulit ako. Napaka daldal talaga ni azure kapag sobrang exited niya. Nang balingan ko ng tingin ang kasama niyang si Winchester, katulad ko tahimik lang siya na parang ang lalim ng iniisip. Parang naiirita siya kapag nakikipag usap si azure kay brix.

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon