LOST IN 1620

501 21 0
                                    

"A-aray."

Pinunasan ko ang basang bagay sa aking noo upang makitang dugo ito. Basang-basa din ang aking buong katawan.

Tiningnan ko ang paligid at puno ito ng nagtataasang puno sa gilid at sa harap ko naman ay isang ilog.

Kumunot ang aking noo. Walang ganito sa Manila. Nanindig ang mga balahibo ko.

Pinagmasdan ko ang paligid ngunit nanlaki ang mata ko nang may babaeng nakaputi, itim at tuwid ang buhok, makinis at sing puti ng niyebe ang katawan sa May kalayuan. Naglalakad ito patungo sa malalim na parte ng ilog.

White lady ba 'to? O diwata? Hindi ako sigurado.

Kahit takot ay lumapit ako sa kaniya. Tinawag ko siya ng tinawag pero tila siya isang bingi. Tumambol ng malakas ang puso ko ng makitang nasa bandang leeg na niya ang tubig pero patuloy pa rin sya sa paglalakad.

Mabilis akong lumusong sa tubig at lumangoy pailalim.

Sa tulong ng liwanag ng araw, nakita ko ang papalubog na bulto ng babae.
Inabot ko ang kamay niya at hinila.

Pagdating namin sa gilid ng ilog ay agad niya akong tinalikuran habang umu-ubo.

Hinabol ko naman ang aking hininga.

Mabilis ko siyang pinaharap sa akin sa sobrang inis.

"Baliw ka b- ay Mahal na Diwata!" Matalim lamang ako nitong tiningnan.

Agad akong tumayo sa pagkakaluhod at sinalubong ang tingin niya. Nakakahiya pre minsan nadudulas talaga tayong mga lalaki lalo na pag ganito kaganda.

"Ah, p-pasensiya na. Ba't ka kasi may pintura ng mga bulaklak sa mukha ha? Feeling mo ikaw si Reyna Elena?"

I need to save myself from embarrassment shit.

"Oo!"

Baliw ba 'to. Reyna Elena daw.

"Oo nga! Prusisyon kanina at naatasan akong maging si Reyna Elena."

Pansin ko ang pamumula ng mata at ilong niya. Tingin ko umiyak to.

"Ah ganoon ba."

"Binibining Mavi" Narinig naming sigaw sa malapit.

Tiningnan niya ako na parang nang-aakusa. Aba. Pasalamat ka maganda ka.

"Nandito ako." Sagot niya sa paos na boses.

"Binibini naman bakit bigla nalang kayong nawala!."

Binalewala niya ito at sa halip ay matalim niya akong tiningnan.

"Kasalanan mo ito, ginoo."

Banta niya bago hinila ang babaeng tumawag sa kaniya. Nakita ko pa ang kuryusong tingin nito sa akin.

"So, kasalan ko pa na buhay ka?" Bulong kong nakangiti. Weird woman.

Matapos ang ilang minuto ay may narinig ulit akong sumisigaw.

"Kapitan Heneral! Andiyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap."

Tinuro ko ang sarili ko. Ngumiti naman ang lalaking papalapit sa akin.

"Opo. May iba pa bang tao dito?"

Aba malay ko. Baka may nakikita 'tong iba.

"Palabiro kayo Kapitan Heneral." Sabay hagikhik nito.

"Sin-sino ho ako.?" Anong kapitan heneral ? Pinagsasabi nito.

"Po? Ikaw po si Ginoong Cazo Jacinto Y Escorial. Ang pangalawang kapitan heneral ng Pilipinas. Kararating niyo lamang po galing españya."

Nanlamig ang buong pagkatao ko.

Yes, I am Cazo Jacinto Y Escorial, but I ain't the Philippine's second Captain General.

©This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

LOST IN 1620 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon