XXI. A mi lado

103 12 3
                                    

;21

Umaga ng susunod na araw, nasa hapagkainan ako at kasalukuyang nag-aamulsal.

"Binibini, tapos na po akong magligpit ng iyong silid." tumango ako.

"Sabay ka ng kumain sa'kin, mau." nagtatanong ang mga mata ko sa kaniya matapos mapansin na hindi naman siya kumakain at nakatitig lang sakin.

"Magulo ba buhok ko?" umiling ito.

"Hindi bagay sa'kin ang damit?"

"Pupwede ba 'yon? Maganda ka binibini." binaba ko ang kubyertos at uminom ng tubig.

"Kung ganoon bakit ganiyan ang iyong mga tingin?"

"Wala." sumandok na siya ng kanin at ulam.

Nagkibit na lamang ako ng balikat nang magsimula nang kumain si mawi.

"Ah, may lakad nga pala ako ngayon. Sama ka."

"Hindi mo kasama ang kapitan heneral?"

"Paano mo nalaman?"

"Kasi hindi mo ko nakalimutang isama."

Muntik ko nang mabato si mawi ng plato. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa lamang siya. Hanggang ngayon may sama pa rin siya ng loob sa akin noong mga panahong naiiwan ko siya, kadalasan kapag pumupunta ako kay jacinto.

"Maliligo na'ko." lumayas na ako ng hapagkainan at nagtungo sa banyo.

"Pakuha ng tuwalya ko sa aking silid." utos ko sa malapit na kasambahay bago tuluyang maligo.

•••

"Himala at pumunta ka ngayon, binibini."

"Kailangan, kasi ako ang nanguna pagkagradweyt."

Natapos ko ang aking kolehiyo sa Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario, sa kursong pilosopiya. Sa labas ng bansa sana ako mag-aaral subalit narinig kung maganda ang kalidad ng edukasyon sa nasabing paaralan kahit kakatayo pa lamang nang panahong iyon.

Hindi nga ako sasali sana ngayon kasi sa buong pag-aaral ko wala naman akong naging mga kaibigan. Mapili kasi ako. Isa pa ayaw sa'kin ng mga babaeng kaklase ko kasi maarte daw ako. Tama naman sila. Iyong mga lalaki naman mabait sa'kin sa umpisa tapos mambabaliwala na kapag hindi nakuha gusto nila.

"Pasok na'ko."

"Hihintayin kita dito, binibini." pagkapasok ay umupo ako agad sa puwestong nakalaan sa akin.

"Mavi, ilang taon na rin." nakangiti silang lahat na para bang maganda ang aming naging relasyon. Ngumiti ako ng tipid.

Sa kamalas-malasan, dito pa talaga ako naupo kasama ang mga kababaihang may inggit sa kagandahan ko mula pa noon.

"Balita ko ay matandang dalaga ka na raw. Dapat kasi sinagot mo yung isa sa mga lalaking nagpapakabobo sa'yo noon." tumikwas ang aking mga kilay sa narinig. Sino ba 'to? ah..

"Oo nga, sana pala sinagot ko 'yong asawa mo noon. Eh di Sana hindi ako matandang dalaga ngayon?" natahimik ang lahat sa mesa.

Matandang dalaga?! Ang sabihin mo atat lang talaga silang mag-asawa. Kadalasan kasi sa mga babae, katorse pa lang nagpapakasal na. Wala namang problema sa'kin iyon. Desisyon nila 'yan eh.

Subalit anong mali kung bente siyete na ako at wala pa ring asawa? Sina ama at ina nga pinakasalan ang isa't isa nang nasa trentas na sila. Walang tamang edad sa pag-aasawa. Kutusan ko 'tong lahat nang nanghuhusga sa'kin dito e.

Wala akong pakialam kung nagpaparamihan sila ng anak. Hiling ko lang may pampakain sila kung umabot na ng isang dosena. Napairap ako.

"Ah, hehehe. Makinig na tayo at magsisimula na." manliligaw ko rin dati asawa nito ngayon, e. Lumuhod pa nga sa'kin dati at may paiyak-iyak pang nalalaman.

Tahimik na akong kumakain ngayon at wala nang nagbalak pang kumausap sa'kin.

"Ate, senyor ko ho pala kayo. Dito rin ako nakapagtapos ng pag-aaral." pinunasan ko ang bibig bago nag-angat ng tingin.

"Walang nagtatanong..tsaka sino ka ba?" ate raw bakit mas matanda pa siyang tingnan.

"Dating kasintahan ka ng asawa ko." si eclio lang ang naging karelasyon -- teka ito yung tsinita na masakit sa tenga ang boses.

Inekis ko ang mga braso. "Anong kailangan mo?"

"Nais ko sanang humingi ng despensa. Pasensiya na kung ipinagpalit ka ni eclio para sa'kin." mababang ani nito na nakakuha ng interes sa mga kasama ko.

"Iniwan ka, mavi?"

"Bago 'yan."

Napairap ako bago tumayo sa upuan. Ubos na ang pasensiya ko. Tapos na ang pakikipagkapwa tao ko rito..

Humarap ako sa babae. "Kamusta si eclio, hindi ba nakulong 'yong tatay niya?" napatigalgal ito.

Pakiintindi nga sa'kin kung ba't pa siya dadayo sa lamesa namin para lang isiwalat ang ganoon ka-pribadong bagay. Halatang-halata na gusto akong mapahiya.

"Sa susunod, wag kang biglang lalapit na para bang malapit tayo sa isa't isa. Isa pa ulet, nagpapasalamat ako na naghiwalay kami ni eclio dahil nakakilala ako ng  tao na nagpapahalaga sa'kin ng sobra." si jacinto na perpekto yata sa paningin ko.

Napailing ako. Sa sobrang kakisigan nga ng manliligaw ko, napapayabang ako ng wala sa oras.

"Oh, andito ka na agad?" nilagpasan ko lamang ang nagtatakang si mawi.

"Naiiinis ako sa mga babae dun, wala ng ginawa kundi mainggit sa'kin."

"Medyo mahangin tayo no." napairap ako. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Pupwede ka ng umuwi, kila Jacinto ako matutulog."

Napailing si mawi. "Pinapalayas mo talaga ako binibini kapag usapang heneral na 'no?"

"Selos ka?"

"Ew hindi." Nandidiri niya akong tiningnan. Napangisi ako. Alis na kasi.

"Mag-iingat ka!" sigaw ko.

•••
"Bakit ka andito?" hinawi ko sa balikat si Jacinto at pumasok ng kaniyang bahay.

"Dito ako matutulog ngayong gabi." nanlaki ang kaniyang mga mata. Gulat na gulat?

"Ha? Bakit? Teka ipahahanda ko ang kabilang silid- kumain ka na ba?!" pinigilan ko ang matawa.

"Kumalma ka nga. Saka hindi pa ako kumakain." sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Ayan tuloy nagulo. Hindi talaga siya mapakali, wala pa naman akong ginagawa?

"Magluluto ako, tara sa kusina." magana akong sumunod sa kaniya at naupo sa gilid ng mesa. Pinapanood siya habang naghihiwa ng mga pampalasa. Ang daya nasa kaniya na ata lahat.

"Wahhh, paano maging ikaw po? Ang sarap ng hapunan ko." nakangiti siya habang pinapanuod ang huling subo ko ng pagkain. Hindi na siya sumabay kasi tapos na raw siya kanina. Ang aga niya talagang kumain, kaya maaga ring nakakatulog.

"Kapag tapos ka na, aakyat na tayo." napatigil ako.

"Papaano 'tong mga pinagkainan ko?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit? huhugasan mo?" naghahamon ang mga mata niya sa'kin. Mabilis akong umiling. Baka magising ko pa ang lahat kapag nakabasag ako ng plato. Mukha pa namang maagang natutulog ang mga tao dito, gaya ng amo.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paakyat. Napansin kung lumagpas na kami sa mga libreng silid.

"Akala ko ba ipaghahanda mo 'ko ng silid?" Napairap siya.

"Mali yung pagkakarinig mo. Sa kwarto ko tayo matutulog."

🎬

Sa mga nagbabasa, maraming salamat po. 🥰


LOST IN 1620 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon