X. Celebracion

109 7 0
                                    

; 10

Nauna akong magising kaya pinabayaan ko muna si Jacinto na humihilik pa.

Naabutan ko ang magulong hapagkainan. Nagkalat ang mga kartolina at sa dulo ay nakahanda na ang aking agahan. Naupo na'ko.

Sa dami ng ginagawa nila hindi na nila ako napansin. Tinawag ko ang isang katulong na kasalukuyang gumuguhit ng letra.

"Pakihanda ulit ng isang almusal." Tumango lamang ito at umalis.

Natitiyak kong pababa na ngayon si Jacinto kaya binalaan ko na sila.

"Iligpit niyo na-"

"Yuq, pakikuha ng gunting!" Utos ni Mawi. Inabot naman ito agad ni Yuque.

Wala talaga silang balak pansinin ako. Bahala kayong mapurnada. Subalit tinawag ko pa sila ng isang beses.

"Andito si-"

"Binibini, kumain ka nalang jan." Si Mawi.

"Saka na namin sasabihin sa'yo ang plano, Mav." Segunda pa ni Yuque. Inikot ko ang mga mata.

"Magandang umaga!" Malakas na bati ni Jacinto.Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

Napatigil sa paggupit si Mawi samantalang nagtago naman sa ilalim ng mesa si Yuque. Natawa ako.

"Anong meron?"

"Kaarawan mo meron."
Lumabas si Yuque mula sa pagtatago at binato si Jacinto ng nilukot na papel. Dahan-dahan namang niligpit ni Mawi ang mga kalat sa mesa.

"Sosorpresahin ka sana namin subalit heto at kami ang nasorpresa."
Maktol pa ni yuq na nakaekis na ngayon ang mga braso sa dibdib. Napangisi ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Kaya naman pala hindi sumipot sa pagtitipon kagabi kasi andito. Di ba Mau?"

"O nga yuq. Ang akala ng lahat hindi pa nakarating mula sa paglalakbay 'yon pala alam mo na."

Napatigil ako. Dinig ko ang panunudyo sa kanilang boses at yabag paalis.Napatikhim naman ang kapitan na nasa tabi ko.

Marahan kung hinila palayo ang plato niyang may lamang pagkain. Tiningnan ko siya ng masama.

"Akala ko tapos ka nang dumalo roon bago ka pumarito."

"Akala mo lang iyon."
Aba't namimilosopo pa. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya nina Greca. Isa iyong kahihiyan!

"Lumapit ka nga sa'kin."
Nang abot kamay ko na siya ay malakas kung pinitik ang kaniyang noo. Agad itong namula. Iyong itsura niya parang batang konti nalang iiyak na. Kawawang Jacinto.

"Wala namang nakakaalam na narito na ako mula pa kagabi. Pwera na lamang kung ipagsasabi mo."
Nangonsensiya pa. Hindi ako sumagot.

Makalipas ang ilang minuto ay pansin ko parin ang mabibigat niyang mga titig. Ba't parang kasalanan ko pa?

"Ano?"

"Iyong pagkain ko nasayo." Sabay nguso niya sa plato. Napailing ako.

[Ala siyete ng gabi, tahanan ng Pamilya El Rogue]

Hinila ako ni ama matapos ang hapunan upang dumalo sa pagtitipong ito. Kababalik lang daw mula sa españya ng nag-iisang anak na babae ng alkalde mayor. Mukha ba akong may pakialam?

Ni hindi ko nga 'yon kilala tapos sasabihan ko ng, " Maligayang pagbabalik, binibini." At eto pa, kamustahin ko raw sabi ni ama.

Dati naman hindi niya ako sinasama. Ngayon pa lang ang una.

LOST IN 1620 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon