XIX. Te quiero

96 9 0
                                    

;19

"Basang-basa na sila sa ulan subalit hindi nito napawi ang apoy na kanilang nararamdaman. Hinapit ni...."

"Hinapit ni...."

"nino?!" halos pasigaw naming sabi ni mawi. Ano ba namang mambabasa ito bigla-biglang tumitigil!

"puta ano?!" isa pa 'tong atat na si yuque.

Narito kami ngayon sa bahay ng kapitan heneral. Nagpapalipas ng oras dahil linggo at walang pasok. Kahit pa literal na wala naman kaming trabaho ni mawi.

Hindi na nagsasalita ang mambabasa at tulalang nakatitig lang sa likod namin. Nakaupo kasi kaming tatlo sa upuang kahoy habang nakatayo ito sa harap namin.

"Tapos na ang trabaho mo rito, binibini. Makakauwi ka na."

Parang bumagal ang paligid mula sa pagpapaalis ni jacinto sa mambabasa hanggang sa pag-upo niya sa upuan sa harap namin.

"Ano iyon?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay jacinto. Tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"pre.. ang mahal ng renta ko dun sa libro at mambabasa?!" ginulo pa ni yuq ang buhok na kunyare ay malapit ng mabaliw.

"Heneral naman, pupwede namang kunin niyo si binibini ng tahimik. Hindi 'yong pati kami ni yuque aalisan niyo ng libangan." tumango-tango pa si yuque, sumasang-ayon sa sinabi ni mawi.

Napaturo ako sa sarili. "Bakit ako nadamay? Anong ginawa ko?!" imbyerna ha.

Tumikhim si jacinto. Napatingin ako sa kaniya.

"Alis tayo."

"Bakit? Saan?" ba't biglang nag-aaya 'to.

"Sabi ko nga hangin lang kami rito. Tara na, mau." pinabayaan ko silang dalawa na umalis. Matatanda na mga 'yon. Subukan lang nilang maunang magpabasa patay sila sa'kin.

"May sasabihin ako."

"Oh? Ba't hindi nalang dito?"

"Basta." mababa ang boses niya.

Kinakabahan ba siya? Di bagay sa kaniya.

"Okay." sagot ko na lang.

"Magbibihis lang ako." di pa siya bihis sa lagay na 'yan? paano pa kayo ako? dugyot na ganun.

Minsan sa sobrang kisig ng kapitan heneral nagdududa na rin ako sa kagandahan ko. Alam mo yun? may mukha naman ako pero may mga panahon talaga na mas nagagandahan ako sa mukha niya. Ang puti kasi tapos ang kinis. Iyong bang tipong kumikinang kapag nasisinagan ng araw? Ni hindi nga niya kilala ang salitang tigwayat. Ibig sabihin, hindi niya pa naranasan ni minsan. Ang daya.

Para sa akin lang ah, iyong kakisigan kasi ni jacinto yung tipong nakakabakla.

"O sige na. Maghihintay nalang ako dito." yung tingin niya parang ayaw pa'kong iwan.

"Bihis ka na." pagtataboy ko pa. Dahan-dahan siyang tumango. Sarap kurutin sa pisngi grr.

Napabuntunghininga ako. Ito yung mga namiss ko. Mga normal na bagay na ginagawa namin tulad ng pakikinig sa mga may kahalayang libro, tapos darating si tatay jacinto. Maiinis kami sa kaniya tapos siya wala lang. Minsan pupunta kami sa plaza tapos makikilaro sa mga bata hanggang dapit hapon.

Kalimitan yung pang mga maliliit na bagay ang nakakapagpasaya ng husto sa'tin.

Maya-maya pa ay nararamdaman kung parang may nakamasid sa akin kaya hinanap ko ito. Wala naman. Baka nag-iisip lang ako masyado.

"Tara." tumango ako at sumunod na sa kaniya.

"Cas, hindi ka ba naiinitan?" natawa siya sa sinabi ko. Kasi ako, oo. Init na init pa nga.

Ilang minuto na kasi kaming nakatayo sa tapat ng bahay niya. Eh, alas dose pasado na ng tanghali.

"Sandali lang, mav." napanguso ako. Mainit talaga.

"Anong ginagawa mo?" hinarang niya ang isang braso sa mukha ko upang di ako mainitan.

"Mainit pa?" umiling ako. Di na masyado... pero hinarang niya pa rin ang sarili sa harap ko.

Mas matangkad siya kaya natabunan niya talaga ang buong mukha ko. Pinunasan niya rin ang pawis na namuo sa aking noo. Pinabayaan ko lang siya kasi ang sarap sa pakiramdam nang inaalagaan.

Kapag ganito ang ginagawa niya sa'kin, ang sarap lang niyang alagaan pabalik.

Makaraan ay dumating ang isang kalesa at sumakay na kami.

"Malayo pa ba?" humikab ako at pinunasan ang luha na namuo sa gilid ng mata. Alas dos na at nasa daan pa rin kami. Ang layo, nakakaantok tuloy.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay inakbayan ako at pinasandal sa balikat niya. Pumikit ako.

Ganito naman kami dati. Ganito kalapit. Subalit, bakit ngayon kinakabahan nakong yumapos sa bewang niya?

Nang lumipas ang mga minuto'y naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at niyakap ito sa bewang niya. Pinigilan ko ang mapangiti. Nakatulog din ako kalaunan.

Nagising akong nasa may dalampasigan na. May hinihigaan akong kumot at nasa may paanan ko naman ang nakaupong si jacinto.

Mataman na nakatitig sa karagatan, hinihintay ang paglubog ng araw. Napakagandang pagmasdan ang nasa harap ko ngayon. Tila ba isang pintura na ginuhit ng isang ekaperto.

Umupo ako at umisog palapit sa kaniya.

"Hindi mo'ko ginising." inayos ko ang buhok na nililipad ng hangin. Nakasuot na ako ng jacket ni jacinto, alam niya talagang lalamigin ako. Ang thoughtful.

"Masarap ang tulog mo, tsaka ang payapa ng mukha kaya nanghinayang akong gisingin." napailing ako.

"Ang ganda ng papalubog na araw. Salamat kasi dinala mo'ko rito." ngumiti ako. Hindi niya ako tiningnan...

"Gusto kung makita ang paglubog ng araw kasama ka." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Pupwede naman." maikli kung sagot. Pero tumahimik lamang siya.

"Gusto ko araw-araw, habambuhay." tinitigan ko siya kung seryoso ba talaga. Palabiro rin 'to e.

"Seryoso ba -" sinalubong niya ako ng tingin.

"Mavi, pwede bang manligaw?" para akong nawalan ng hininga saglit.

"Kita mo 'yang buwan?" tumingala ako at tiningnan ang buwan. Wala pa ring maisagot sa tanong niya.

"Sa buhay ko, ikaw ang buwan. Akala ko wala ng pag-asa pero dumating ka at biglang nagliwanag ang mundo ko na dati ay nababalot ng dilim.."

Wala akong masabi. Hindi ko alam- akala ko.... wala akong naitulong sa kaniya tapos maririnig ko 'to.

"Nahanap mo'ko noong panahon na ako mismo hindi mahanap ang sarili ko. Handa na akong magpakamatay ng tuluyan eh, pero napunta ako sayo." hindi ko napansing tumulo na pala ang aking mga luha.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ang lalim ng pinaghuhugutan niya kaya pati ako naaapektuhan. Niyakap ko siya.

"Wala ng mananakit sa'yo. Nandito na ako." hinagod ko ang likod niya.

Kumalas siya sa yakap at hinaplos ang mukha ko. Tiningnan ko siya sa mata. Seryoso ba siya sa sinabing panliligaw?

Ilang taon na ring wala akong kasintahan magmula nang kay eclio. Ngayong naisip ko sa kaniya lang pala talaga ako napalapit ng husto sa mga nagdaang taon.

"Bakit?" kahit ako kinakabahan sa tanong ko.

"Mahal kita..."

🎬


LOST IN 1620 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon