XVIII. Anhelo del corazón

86 5 1
                                    

;28

"Mavi!"

Inilibot ko ang paningin sa paligid at natantong nasa ospital pa rin ako. Isang linggo na rin akong nagising kaya lang pinipilit kung matulog muli sa kadahilanang baka panaginip lamang ang lahat ng ito. Mapakla akong tumawa. Nababaliw ka na Cazo Jacinto.

Pinunasan ko ang butil ng luha na malapit ng matuyo sa aking pisngi. Gayundin ang namuong pawis sa aking noo dahil napaginipan ko na naman ang aking binibini.

Nangungulila ako sa kaniya. Walang katumbas ang sakit kapag nalayo ka sa taong minamahal mo. Para akong nauupos na kandila na unti-unting nawawalan ng liwanag sa buhay.

"Sir Cj, ayos na po ba kayo? May kailangan po kayo?" Tumingin ako sa aking sekretarya, nakakailang ang pagtawag niya sa aking pangalan.

Ilang buwan daw akong walang malay. Nalaman kong naisalba ako ng inutusan kung tagalinis sa condo. Agad akong dinala nito sa ospital.

Tumango ako sa kawalan. Alam kung mas nanaisin ni Mavi na magpatuloy ako sa buhay. Kaya kahit mahirap at minu-minuto ko siyang naiisip ay pipilitin kung mabuhay.

"Ihanda mo na ang aking opisina, papasok na uli ako sa kompanya bukas."

"Masusunod po, Sir."

Humarap ako sa bintana at hinayaan itong umalis.  Tahimik kung pinagmasdan ang langit mula sa loob ng salamin na bintana.

"Young lady! Hindi po kayo pwedeng tumakas dito sa ospital! Hindi pa kayo tuluyang magaling. Pakiusap."

"Sinabi ng hindi ako tagarito! Pakawalan mo'ko sabi!"

"Young lady!"

"Babalik ako sa amin! Hindi ako pamilyar sa lugar na ito!"

"Young lady.. magpagamot na ho kayo. Kung ano man 'yang sinasabi mo, panaginip lang ang mga iyan dulot ng iyong mahabang pagkakatulog."

"Hindi ako nahihibang..ano ba bitawan mo ako."

Ibinaling ko ang tingin sa pintuan at nakitang may dalawang dalaga na nagtatalo sa labas. Ang magaling kung sekretarya hindi man lang inayos ang pagkakasara ng pintuan!

Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan. Nakatalikod sa akin ang binibining may mahabang buhok at nakaharap naman sa akin ang nababahalang mukha ng isa. Mukhang matigas ang ulo ng kaniyang pinagsisilbihan. Tumikhim ako ng may nabuong ngiti sa aking labi.

Bago pa man ako makarating sa pinto ay nahila na nito ang binibining makulit. Pinagmasdan ko ang papalayong bulto ng babae. Nakakapanghinayang at hindi ko man lang nakita ang kaniyang mukha. Napailing ako at tuluyan ng sinarado ang pinto.

Isang buwan ang makalipas ay nakabalik na ako sa dati kong buhay maliban sa parteng parati akong nagtatangkang magpakamatay. Nakalabas na ako ng ospital subalit madalas pa rin akong pumunta roon upang magpatingin sa doktor. Gaya ngayon.

"Young lady, akala ko tumakas kayo! Aatakihin ako sa puso sa inyo!"

Napangiti ako ng umirap lamang ang binibining makulit at nagpagpag ng damit bago tumayo at nilisan ang hardin.

Napakamot lamang ng ulo ang kaniyang tagasilbi at agad ding sinundan ang binibini.

At gaya ng dati.. likod niya lang ang nakikita ko at ang mahaba niyang buhok na umaalon sa tuwing siya ay madaliang naglalakad.

Kailan ko kaya masisilayan ang kaniyang mukha? Napailing ako.

•••
"Pumasok ka."

Tumingin ako sa nagkalat na papeles sa mesa ng aking doktor. May mahalaga ata siyang pinag-aaralan.

"Aalis nalang po muna ako. Mukhang abala kayo-"

Iwinasiwas nito ang kamay at tinanggal ang suot na glasses. Itinabi nito ang mga papeles at sinenyasan akong maupo.

"Wala ito.. may pinag-aaralan lamang akong isang rare case."

"Ganoon po ba.."

Hindi na ako nagtanong pa at alam kung hindi pwedeng isiwalat ng doktor ang impormasyon tungkol sa pasyente niya.

Tinanong lamang niya ako ng kung ano-ano at sinasagot ko naman ang mga ito. Kailan kung maging tapat sa kanya upang matulungan niya rin ako.

Pagsapit ng hapon ay naisipan kung pumunta ng intramuros. Malaki nga talaga ang pinagbago nito. Kung sabagay, apat na mahabang siglo na rin ang nagdaan.

Sa naaalala ko nagkapagtapos ang aking binibini ng kolehiyo sa Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario, na ngayon ay UST na. Makes sense dahil ito nga naman ang oldest university in Asia. Mahanap nga minsan sa rekord nila si Mavi, siya ang nanguna sa kaniyang taon pagkagradweyt.

Nakangiti akong pumasok sa St.Augustine Church na dati ay St. Paul Church pa ang pangalan. Ayon sa kasaysayan, ilang beses na rin itong naipatayong muli dahil palaging naaapektuhan ng digmaan.

Pinigilan ko ang panglalabo ng mata dahil nakikita ko kaming dalawa ni Mavi noon na nasa harap at magkahawak-kamay na nakikinig ng misa. Bumaha sa aking isip ang una naming pagsimba rito.

"Akala ko ba doon ka sa panghuli u-upo dahil nakakahiya kapag inantok ka dito mismo sa harapan?" Napangiti ako. Akala niya ako ang kasama niya.

"Nagbago ang isip ko, binibini."

Gulat itong napalingon sa akin. Pinigilan kung mapaawang ang aking bibig. Para akong nauubusan ng hininga sa tuwing lumalapat ang mga tingin niya sa'kin. Napakagandang binibini talaga. Hayop.

"Gin- este Kapitan Heneral." Lumuhod ito sa aking harapan. Oh no baby, ayokong ng dagdagan ang kasalanan ko. Mukhang dodoble pa naman dahil nasa simbahan ako.

"Pasensiya na sa inasal ko kagabi, kapitan. Hindi na po mauulet." Gustong-gusto ko siyang hawakan at pabalikin sa upuan niya dahil iba ang epekto ng pagluhod niya sa aking harapan, idagdag pa na nasa gitna ko siya.

Kung hindi lamang ako takot na baka mas lalong lumala itong nararamdaman ko kapag hinawakan ko siya hay.

"Binibini, nasa likod mo ang altar." Dinaan ko lang sa biro ang lahat.

Habang magkatabi kaming nakaupo at nakikinig sa sermon hindi ko mapigilang tumitig sakaniya. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, hindi ko alam kung bakit ang dami kung gustong ipagdasal sa itaas.

Na sana wala akong sakit na ganito upang maging karapat-dapat ako sa kaniya. Sino ba kasi ang tatanggap sa tulad kong araw-araw pumapasok sa isip ang pagpapakamatay? Ayaw ko siyang iwan kung sakali man.

Na sana kung mamatay man ako ay sa langit ako tutungo dahil tiyak kung sa langit mapupunta ang anghel na tulad niya.

Noong nakaraan buwan ay magkasama pa lamang kami. Subalit tila ba napakatagal na ng mga nangyari dahil ilang siglo na ang lumipas magmula ng panahong iyon. Sumasakit na naman ang aking puso. Hinawakan ko ito.

Kailan kita makikitang muli, binibini? Nangungulila na ako sa'yo ng labis.

🎬

LOST IN 1620 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon