CHAPTER 1

48 7 3
                                    

Harmless

Pinagmasdan ko sa salamin ang bawat detalye ng lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na itinuturing na isang paraiso na iilang mga tao lamang ang binigyan ng pagkakataong manirahan dito.

Ang Astraea, ang center state ng Erdavistan.

Naging saksi ang lugar na ito sa bawat luhang pumatak mula sa aking mga mata at mga ngiti sa aking labi sa bawat tagumpay na nakamit ko. Bitter and sweet memories pero para sa akin ay mas nangingibabaw ang lungkot na matagal nang tinanggap sa sistema ko. Alam kong kahit anong gawin ko at kahit anong ngiti ang gawin ko ay hindi nito matatabunan ang masasakit na alaala na pilit kong ibinabaon sa limot. I've been trying and now, I'm tired. Tanggap ko na ito ang tadhana ko at parusa sa mga kasalanan ko—ang mabuhay sa lungkot.

Ang Astraea ay punong-puno ng buhay umaga man o gabi dahil sa mga ilaw mula sa matatayog na building at bawat sulok ay may makikitang streetlights. Animo'y hindi natutulog ang lugar na ito. Makikita rin ang mga taong abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa. Karamihan ay papauwi na sa kanilang mga bahay matapos ang trabaho. Ngunit hindi mapagkakaila ang karangyaang taglay ng bawat establishment na nadadaanan namin. Ang mga bahay dito ay naglalakihan na tila nagpapaligsahan. Tunay ngang magpapasalamat ang sinuman kung sakaling mapabaling sa mga taong maging parte ng estadong ito.

Nabaling ang pansin ko nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa handbag na dala ko. Agad ko itong kinuha at sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

"Where the hell are you?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Hindi ko maiwasang umirap dahil alam ko na kung anong sasabihin n'ya sa oras na malaman n'yang nasa train na ako dahil ilang beses na kaming nagtalo tungkol rito.

"I'm on my way." Tipid na sagot ko sa kan'ya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng umaandar na train. Gusto kong titigan at kabisaduhin ang bawat detalye ng lugar na ito dahil nasisiguro kong matagal pa bago ko ulit masulyapan ito.

"What!? You can't do this to me." Bahagya s'yang natigilan at alam kong pinipigilan n'yang umiyak. I'm sorry, I have to do this.

"We already talked about this, aren't we?" Malamig na sagot ko sa kan'ya. I know she doesn't deserve my treatment to her pero walang mangyayari sa akin kung hindi ko tatatagan ang loob ko. You have to be firm and strong if you want to survive in this world.

"I never agreed to this! Get the fuck down of that train and come back. That's an order from the dir—" hindi ko na s'ya pinatapos pa nang magsalita akong muli.

"I'll comeback soon and stop using your superiority over me. I already resigned." Saad ko at pinatay na ang tawag. Ngunit bago ko tuluyan i-off ang phone ko ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Marah.

Just to inform you, I never agreed to your plan and I also know that you don't need my approvement as the director but please, comeback safe, as my sister.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa message n'ya dahil kahit hindi s'ya sang-ayon ay alam kong naiintindihan n'ya ako. I'm just having a guilt of leaving her but we were raised strong and independent kaya kahit malayo kami sa isa't isa, tiwala kami na parehas naming kakayanin. Minabuti ko nang patayin ang phone ko upang wala nang mangulit sa akin. Pinanood ko na lang ang mabagal at banayad na pagbuhos ng ulan sa labas.

"This is the last sta—" agad akong bumaba ng train na sinasakyan ko at sumabay sa nagmamadaling mga tao upang makauwi sa kanilang mga bahay. Paglabas ko ng station na iyon ay bahagya akong natigilan nang makita ko sa labas.

Wala na ako sa lugar na kinalakihan ko at ibang iba ito sa Astraea.

Pinagmasdan ko ang paligid ko. Madilim dahil ang karamihan sa streetlights ay pundido na, ang iba naman ay nagpapatay-sindi na, at kakaunti na alng ang maayos na gumagana. Wala na rin ang mga building na sumisigaw ng karangyaan. Tanging mga establishment na lang na parang napabayaan na ng panahon at hindi na naipaayos pa.

Rogue and ProwessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon