CHAPTER 15

3 0 0
                                    

Stepback

"Z‐zana Vashti?" Si Livy ang naglakas-loob putulin ang mahabang katahimikang namayani sa loob ng kwartong kinalalagyan namin. Nang pasadahan ko sila ng tingin ay pare-parehas kaming nakakunot ang noo tila walang ideya sa nangyayari maliban kay Tito Gryant, Dreffil, at Pierre.

"One of the Dautless Women along with Kyena Noriega and Mileiya Montreval. Am I right?" Travis added stating a fact. May halong pagtataka at pagkainis ang nakaukit sa mukha n'ya.

Sinong hindi maiinis sa nangyayari ngayon? Para kaming mga tutang walang alam at ang tanging iyong tatlo lamang ang may ideya sa nangyayari. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang tagalan ito... o kung kaya ko pang malaman ang mga bagay na hindi pa nabubunyag.

Natatakot ako.

Natatakot akong malaman ang katotohanan kahit na may parte sa akin na gusto ko itong alamin. Natatakot akong malaman ang itinatago ng organisasyong pinagsisilbihan ko dahil hindi ko alam kung kakayanin ko kung malalaman kong mali ang desisyon kong pagsapi sa kanila.

I remember saying to Pierre that I am not doubting Tieria Dominions despite of knowing about the augur rings because I know there are reasons behind it. Pero sa pagkakataon na ito na unti-unting nabubunyag ang lahat at maaaring mabaliktad ang mga pinaniniwalaan ko ay hindi ko na iyon kaya pang panghawakan.

I am loyal to no one but to the truth, right and just.

Katahimikan muli ang bumalot sa amin. Nagpapalitan ng tingin si Tito Gryant at Dreffil samantalang si Pierre ay walang ekspresyon ang mukha. Alam kong kagaya ko ay naiinis na ang mga kasama ko lalo na si Travis.

Sa pagkainip sa kanila ay bigla akong tumayo. Nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Maging si Pierre ay napukaw ko ang atensyon kaya't nagkasalubong ang mga mata. Nakipagtitigan ako sa kan'ya bago magsalita nang hindi ito inaalis.

"If you are not planning to disclose this matter to us, I'm heading out. I still have things to do." Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Pierre dahil sa sinabi ko. Nakakapagod naman kasi sila. I stay silent when I found out about the augur rings. Halos ikamatay na naming lahat ang pagkuha sa mga singsing na ito pero ayaw pa rin nilang sabihin ang katotohanan.

Akmang hahakbang na ako nang may isang pabalyang tumayo. Kreo's eyes meet mine.

"We deserve the truth behind this, kung ayaw n'yong magkawatak-watak ang team na 'to." Walang gana n'yang saad at isinuksok ang kamay sa bulsa. Papunta na sana s'ya sa gawi ko para lumabas nang may magsalita.

"Kreo's right. I can't work for an organization that been hiding the truth. Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang tiwala." Si Cairo habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay. Nanatili s'yang nakaupo pero halata ang pagiging dismayado.

Is this the end? Hindi nga kami mamamatay pero magkakawatak-watak.

"Hindi kami mga tuta na susunod nang bulag. You need to earn our trust first. Nagawa n'yo na kaya kami nandito, bakit sisirain n'yo pa ngayon?" Malumanay na sabi ni Cayenne. Bumaling s'ya sa akin at nginitian ako nang pilit.

Pabagsak na ibinaba ni Livy ang kan'yang kamay sa lamesa dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog.

"Ngayon pa ba? Ngayon pa tayo maghihiwalay matapos ang lahat? Malapit na tayo oh!" Naiinis na sabi nito at binalingan si Pierre na parang sinasabing s'ya ang pinagmulan ng lahat ng ito.

"Just yes or no, sasabihin n'yo ba samin, dad?" Si Travis ngayon ang nagsalita at idiniin pa ang huling salita. Idinerekta n'ya ang paningin kay Dreffil na ngayon ay nagpupuyos sa inis. Kinakalaban s'yang muli ng sarili n'yang anak.

Rogue and ProwessWhere stories live. Discover now