CHAPTER 4

13 3 0
                                    

Sacrifices

Even how strong you present yourself in front of others, there will always be a weakness hiding.

I'm independent and headstrong. I am no damsel in distress yet I am still afraid to be left alone. Mula sa mga totoo kong magulang hanggang sa pangalawang pamilya ko, they always left me even how hard I try to make them stay, lagi silang kinukuha sa akin.

"Kreo..." Nangangatal ang buong katawan habang papalapit sa lalaking nakayuko ngayon sa harap ng ICU ng Le Fereshte. Marami ring mga doctor ang nandito dahil ang director nila ang nasa loob.

Nag-angat s'ya ng tingin sa akin ngunit napatigil ako nang makita ang pamumula ng kan'yang mga mata at may bakas pa ng luha ang mga ito. Hindi ako sanay na makita s'yang ganito. He presents himself strong and dominant at all time plus the fact that he is part of the army. He had been into fights with my sister throughout their relationship but I never saw him this devastating.

Naupo ako sa tabi n'ya ngunit nangangapa pa rin sa mga salita. Hindi ko alam kung paano ko tatanungin sa kan'ya ang nangyari kay Marah o i-co-comfort ko ba s'ya? Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na tumahimik lalo na nang marinig ko ang malalim n'yang paghinga. Tingin ko ay pinipigilan lamang n'ya ang sariling magwala ngayon.

Lumipas ang halos isang oras nang walang nagsasalita sa amin. Tanging buntong hininga lamang ang maririnig. Ilang doctor na rin ang saglit na bumisita rito upang makibalita sa kondisyon ng kapatid ko at para na rin i-comfort ako.

"Dr. Grace" Naluluhang mga mata ni Niva ang sumalubong sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Matamlay ko s'yang nginitan bago n'ya ako yakapin. She's a friend to me and Marah. Walang nagsalita sa amin hanggang sa lumabas na ang doktor mula sa loob. Agad kaming napatayong tatlo ngunit gayon na lamang ang paghigit ko sa hininga nang makita ang mukha nito.

I know that expression, I am also a doctor at hindi iilang beses kong ginamit ang ekspresyon na 'yan pagdating sa aking mga pasyente.

"How's Marah, Doc?" Lumapit sa kan'ya si Kreo ngunit nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Nagkatinginan lang kami ni Niva dahil alam kong maging s'ya ay kinabahan nang makita ang doktor ni Marah.

Natatakot ako sa maririnig ko.

"I'm sorry." Iyon lamang ang mga salitang narinig ko dahil tila ako nabingi. Napaupo na lamang ako sa sahig at 'di alintana ang pagyakap sa akin ni Niva at ang pag-iyak n'ya. Tinapik din ng doctor ang balikat ko at maging ang mga nurse na galing sa loob ay iisa ang ekspresyong hinarap sa akin. Ayokong paniwalaan ang nangyayari ngayon.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko tatanggalin ang sakit na nararamdaman ngayon. That's my Ate Marah, ang nag-iisang taong tinuturing kong pamilya ngayon. S'ya na lang ang mayroon ako. Huling pagkikita na pala namin noong bago ako umalis papuntang Urd, sana hindi ako umalis. Siguro ay hindi mangyayari 'to kung hindi ako umalis. Matutulungan ko s'ya sa pagpapatakbo ng hospital.

Umalis ako upang tulungan ang iba pero nabigo akong tulungan ang sarili kong kapatid. While I am treating others, hindi ko naisalba si Marah.

This can't be. Marah's gone.

Binalingan ako ni Kreo nang may matatalim na tingin. Lumapit s'ya sa akin ngunit hindi ko na s'ya pinansin pa. Marahas n'yang hinaklit ang braso ko patayo kaya't naalarma ang mga kasamahan namin. Pinasadahan n'ya ng tingin ang mga ito kaya't walang nangahas lumapit. Naramdaman ko ang sakit ng paghila n'ya maging ang higpit ng pagkakahawak sa aking braso ngunit wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Tila ba'y namanhid na ang buo kong katawan.

"Look at you, not even crying, huh, you heartless woman!" Singhal n'ya pang muli kaya ibinalik ko ang mga tingin n'ya. I am not crying because I feel so empty. Sa sobrang sakit ay hindi ko na magawa pang umiyak na tila ba'y ubos na ang mga luha ko.

Rogue and ProwessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ