CHAPTER 6

9 1 0
                                    

Seductress

As time passes by, people change not because they got tired or their driving force just dropped all of the sudden, it is because something happened that pushes them to change... their beliefs, principles, and decisions.

"Dr. Grace..." I stood up when I saw Niva. Itinuro ko ang upuan sa harapan ko bago kami sabay naupo.

"Are you done familiarizing how Le Fereshte works?" I asked her. She's my apprentice and I am planning to leave the hospital to her when the time comes. Business is not my thing; I just don't have choice but to operate it since I am the only one left. Niva Gringer is another child of a Tieria Dominions member. Her biological parents both died and she was adopted. Unlike me, her foster parents are not involved with the organization by any means. Sa madaling salita, normal ang buhay n'ya at wala s'yang alam.

"Yes, but why do I have this feeling na aalis ka?" She jokingly said. I smiled with bitterness because she hit it. Ayoko mang iwan ito dahil napamahal na rin ako sa ospital ngunit kailangan. Mas hindi ko gugustuhing bumagsak din ito kasama ko, kung sakali.

I handed her some papers about the hospital. Agad n'ya itong kinuha at binasa.

"You know, I'm not into business." Simpleng sabi ko na nakapagpaseryoso sa kan'ya. Matatalim ang tingin na ibinato n'ya sa akin.

"Kassia, I don't like where this is going." She knows me well. She's been friends with Marah and I because Mama Faira had been watching her. Iyon nga lang ay wala s'yang alam sa totoong pagkatao ng mga magulang n'ya.

"Just promise me to run this hospital well. I don't want this die since my mother worked hard to achieve its excellence and prestige."

"Kassia, naman. You're the only Grace living, you have all the rights to run Le Fereshte. Bakit ipapasa mo sa akin?" Seryosong tanong ni Niva.

Umiling na lamang ako dahil kahit anong gawin ay hindi ko maipaliliwanag sa kan'ya ang lahat. Ayoko nang madamay pa s'ya. Sa katunayan ay naayos ko na ang lahat sa Le Fereshte, hinihintay ko na lamang ang tamang panahon na kakailanganin ako ng Tieria Dominions.

Nang mapansin n'yang wala akong planong sagutin pa s'ya ay mabilis n'yang iniba ang usapan. I told her about my journey in Urd. Katulad namin ni Marah ay nasa masa ang puso n'ya. Isa sa mga rason kung bakit s'ya nararapat sa Le Fereshte.

"Good morning!" Bati ng isang boses na kararating lang. Parehas kaming napalingon ni Niva sa kan'ya. Nagulat man ako ay mas nangibabaw ang simangot sa aking mukha.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Travis na nakangisi nang naglalakad papunta sa amin. Nakita ko ang bahagyang paglingon ni Niva na pawang nagtatanong kung sino ang kararating.

"Visiting?" Pinagtaasan n'ya pa ako ng kilay at naupo sa katabing upuan ko.

"At paano ka nakapasok? I told them not to let anyone disturb us." Iniisip ko na kung saan dumaan ang isang 'to. Huwag n'yang sibihin na sapilitan ang pagpasok n'ya rito.

"Uh I told your secretary that I'm your boyfriend." Napapikit ako sa sinabi n'ya dahil sa inis. Kung may hawak akong baril ay naitutok ko na 'yon sa kan'ya. Narinig ko ang tawa n'ya dahil tuwang tuwa s'ya na naiinis ako. Nilingon ko naman si Niva na may nakakalokong ngisi na sa akin ngayon.

Damn that secretary! Alam naman n'yang wala akong boyfriend.

"Kassia, you didn't tell me about him." Nagtatampong sabi ni Niva habang may mapang-asar na ngisi at tumayo na,

"Please, excuse me." Pipigilan ko pa sana s'ya kaso ay wala akong mahanap na rason para hindi s'ya umalis.

"What do you need?" Baling ko kay Travis na nakangisi pa rin. Pinagtaasan ko pa s'ya ng kilay ngunit binalewala n'ya lang ito. Bahagya s'yang tumikhim at sumeryoso na dahil alam n'yang malapit ko na s'yang sipain palabas. Buti naman at marunong s'yang makiramdam.

Rogue and ProwessWhere stories live. Discover now