Kabanata 19

43.7K 1.8K 157
                                    

Kabanata 19

Halos sumayad na ang nguso ko sa simento habang naglalakad patungong classroom. Pakiramdam ko ay gusto kong magpalamon na lang sa ilalim ng lupa at huwag nang umahon pa.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga klase ng tingin na ipinupukol sa akin ngayon. Alam kong ang ilan doon ay puro panghuhusga, ngunit mas marami ang siguradong gulat.

Nilingon ko si Dashiel na diretso ang tingin at seryoso ang ekpresyon ng mukha. He looks like a calm beast that would go bersek whenever someone tries to poke him. Bitbit niya ang ilang libro ko sa isang kamay.

"Uwi ka na..." mahina ang boses na sabi ko.

Bumaling siya sa akin saka supladong nagtaas ng makapal na kilay. Whenever he does that, I couldn't help but to remember how snobbish he was during the days we're just new to each other. Mga panahong palagi niya pa ako sinasabihang wirdo.

"Why would I?" he frowned.

"Pinagtitinginan nila ako dahil sa'yo. Siguradong kilala ka nila dito."

"Tss," he rolled his eyes and looked at them lazily. " I can't let anyone insult you again."

"Hindi na nila ako iinsultuhin ulit, Dashiel." wala sa sariling sabi ko, hindi rin sigurado.

He smirked evilly. "Let them try and see what happens."

Muling nanulis ang nguso ko nang akbayan niya ako at bali walang nagpatuloy sa paglalakad. Pasimple akong tumingin sa paligid, ang ilan sa mga kababaihan ay nasa amin ang tingin, partikular kay Dashiel.

Simula kahapon, nang hindi napigilan umiyak sa harapan niya dahil sa mga insultong natanggap mula sa mga tao rito sa eskwelahan ay nagdesisyon siyang ihatid ako hanggang sa classroom ko. Nag-aalala akong kapag nakita siya ng college director namin ay mapagalitan siya at paalisin pa. Nakakahiya iyon sa parte niya panigurado.

"Hindi ba at si Dashiel Monasterio iyan? Bakit siya narito?" dinig kong usapan sa paligid ng mga babae.

"Oo nga. Baka isinama talaga ni Dreya para patunayan na sila na nga."

"Masiyadong mayabang. Alam naman natin na sila na nga, kapit nga sa patalim, hindi ba?"

Pumikit ako ng mariin. Kasabay no'n ay ang pagdiin ng kamay ni Dashiel sa balikat ko na para bang sinusubukan niyang magpigil. He suddenly pulled me closer to him without me looking.

"Don't worry. I'll deal with them."

Huminga ako ng malalim. "Hayaan mo na. Hindi naman talaga maiiwasan na iyon ang isipin nila lalo pa at kasama kita rito."

"That's a total bullshit, Adrestia."

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong kokontrahin niya lang rin naman ang sinasabi ko. Magkaiba kami ng paniniwala pero ayos lang iyon. Handa naman akong saluhin ang bawat insulto na matatanggap ko mula sa ibang tao. Alam ni Dashiel ang totoo at sa tingin ko ay ang paniniwala niya lang ang mahalaga.

Pagkarating sa loob ng room ay naagaw agad namin ang atensyon ng mga kaklase ko roon. I even saw Marcus talking with one of my classmates. Dumapo ang mga mata niya sa akin, sunod ay kay Dashiel na nasa likuran ko. Nagiwas ako ng tingin at nagdiretso na lang sa aking silya.

The surrounding was silent. Siguradong kami ang dahilan kung bakit. Nang makaupo ako sa silya ay pinilit kong huwag mag angat ng tingin sa mga tao sa paligid. Inilapag ni Dashiel ang libro sa ibabaw ng desk ko. Dahil wala pang nakaupo sa tabi ko ay hinila niya ang silya palapit sa akin at naupo roon.

He crouched down and casted me a gentle gaze. Ipinatong niya ang isang kamay sa ibabaw ng sandalan ko habang ang isa ay nasa desk ko naman. He's imprisoning me and I found our position intimitate. Lalo pa at halos lahat ay nasa amin ang atensyon.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon