Kabanata 13

45.9K 2.1K 509
                                    


Kabanata 13

Daig ko pa ang nakikipaghabulan sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakatingin kay Dashiel. His gaze was too sharp and intimidating as if I did something he would never accept.

Kailan pa siya nakauwi? Hindi ba at dalawang araw pa bago siya dapat bumalik rito? At isa pa, bakit narito siya  sa eskwelahan namin?

Gusto ko siyang iwasan, pero mayroong parte sa akin ang gustong tumakbo palapit sa kanya at kausapin siya.  Pero hindi dapat. I should learn how to distance myself from him... and I've already started doing it three days ago.

Nga lang, wala akong pagpipilian kung hindi ang lapitan siya. Mas mabuti na rin siguro iyon, nang sa ganoon ay maibalik ko na rin ang cellphone na bigay niya sa kanya. Palagi ko itong dala kahit pa hindi ko naman na ginagamit.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon niya. His eyes were not leaving me as if he's afraid that I might disappear if he blink.

Humigpit ang yakap ko sa mga librong hawak. I even looked at my feet just to avoid his terrorizing gaze. Umasta akong normal lang ang bawat galaw hanggang sa makarating ako sa mismong tapat niya. My feet first landed on his black slip on shoes. Unti-unti ay nag angat ako ng tingin sa kanya.

The whites of his eyes contrasted sharply. Its depth resembled that of a black hole in space, an air of eeriness and unsettling coldness emanating from his gaze.

"Ah... narito ka na pala," bati ko at pilit na ngumiti sa kanya. "K-Kailan ka pa nakabalik?"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang magkasalikop ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Sa tuwing nakikita ko siya, para bang mas lalong tumitingkad ang pagiging gwapo at makisig niya. He looks very manly and appealing on his black long sleeve shirt and dark denim jeans. It's fitted on his body that revealed his near to perfection upper extremities. The sleeves were pulled up to his forearm, showing his fair arms and the silver watch on the left.

"You were not answering any of my calls and texts. Couldn't even contact you." he finally broke the defying silence with his stern voice.

Naging malikot ang mga mata ko, literal na hindi napaghandaan ang magiging paghaharap namin na ito.

"Medyo abala sa eskwelahan. P-Pasensya na—"

"Try harder, baby."

Tumungo ako, nakaramdam ng kaunting kaba. Mahirap pala ang magsinungaling sa ganitong klase ng sitwasyon.

"Are you trying to avoid me?"

Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa kanyang bahagyang salubong ang kilay. Gusto kong umamin at tapatin siya pero parang bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya para sa sarili ko.

Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na umasta ng ganito... o mag-inarte dahil hindi naman naaayon. Hindi nababagay dahil isa lang naman akong mababang tao kumpara sa kanya. I should be contented knowing that a man like Dashiel Monasterio is wasting his time on a girl like me. Dapat ay sinusunggaban ko na lang kung ano ang nasa harapan ko dahil iyon naman ang mahalaga. Kaya lang ay hindi gano'n ang sitwasyon.

"H-Hindi. Talagang naging abala lang sa eskwelahan. Uuwi na rin ako d-dahil may kailanga—"

"Ngayon mo sabihin na hindi mo ako iniiwasan." putol niyang muli sa akin.

Tumungo ako. Wala pa mang salita na namumutawi sa akin ay narinig ko na ang malalim niyang pangbuntong hininga.

"Maguusap tayo..." dinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghila niya sa kamay ko.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon