Kabanata 2

56.4K 2.4K 291
                                    


Kabanata 2

"Dreya!"

Yakap ang ilang libro, napatingin ako sa likuran ko nang marinig ang pagtawag na iyon sa akin. Nakita ko si Marcus, lakad-takbo patungo sa gawi ko. Huminto siya nang nasa mismong tabi ko na at sinabayan ako sa mabagal na paglalakad.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya.

"Oo, uuwi na ako. Wala naman ng klase. Bakit?"

"Ah, yayayain sana kitang manood ng laro namin mamaya sa basketball. Sandali na lang naman at magsisimula na 'yon."

Napakamot ako sa aking sentido at wala sa sariling itinuon ang paningin sa dinadaanan namin. The afternoon sun is scorching that made me a little bit sweaty. Mas lalo akong pagpapawisan nito kapag nasa daan na ako pauwi sa bahay.

"Pasensya ka na, Marcus. Marami pa kasing gagawin sa palayan ngayon. Tutulong pa ako kela nanay." sabi ko saka siya nilingon.

Kinagat niya ang pang ibabang labi, tumatango-tango at may tipid na ngiti. The tiny holes beside his lips showed up.

"Naiintindihan ko. Masipag ka talaga, mas lalo akong humahanga sa'yo." lantaran niyang sabi.

Hindi na ako nagulat pa roon. Ever since I stepped up to college, Marcus didn't fail to express his admiration for me. Hindi kagaya ni Ronnel, bulgar niyang sinasabi sa akin na gusto niya ako. Halos buong campus ay alam ang tungkol roon. Pero kagaya nga ng bagay na itinatak ko na sa isip ko, hindi ako makikipagrelasyon hangga't hindi pa ako natatapos sa pagaaral.

"Hindi naman. Talaga lang parte na ng buhay ko ay palayan..." Nakarating na kami sa gate. Huminto ako sa paglalakad at muli siyang nilingon. "Paano, mauna na ako sa'yo-"

"Puwede ba kitang ihatid?" putol niya sa akin.

Napakurap-kurap ako. Sa ilang buwan niyang paglapit-lapit at pakikipag usap sa akin, ngayon niya lang ako tinanong ng tungkol sa bagay na iyan.

"B-Bakit? Wala ka na bang klase?" bigla ay naiilang na sabi ko.

"Uy, mukhang umaarangkada na naman si Mendoza!" pangaasar ng ilang kalalakihan mula sa Business Management department nang mapadaan sa harapan namin. "Hi, Dreya! Huwag kang papaloko diyan kay Marcus-"

"Gago! Umalis nga kayo dito." si Marcus.

Inihagis nung isang lalaki ang hawak na bola kay Marcus, tatawa-tawa.

"Wala, pre. Mahina ka pala. Ilang buwan ka ng nagpaparamdam diyan kay Dreya, e. Na-ghost ka na ba?"

Sinipat ko si Marcus, napapailing ito at may ngiti rin namam sa labi. Mukha naman siyang hindi napapahiya sa ginagawang pangaasar sa kanya ng mga ito. Ganoon naman ata talaga ang mga kalalakihan.

Inihagis niya ang bola pabalik sa mga ito bago ako nilingon.

"Payag ka ba, Drey?"

"Huwag na, ayos lang. Malapit lang naman iyon-"

"Trenta minutos bago ka makarating sa inyo. Paano naging malapit iyon?"

"Sanay naman na ako. At saka wala ka na bang klase?"

Umiling siya. "Wala na. Mamaya pa ang practice namin kaya marami akong oras."

"Payagan mo na, Dreya. Para naman ganahan mamaya sa practice game." halakhak pa ng isa niyang kaibigan.

Wala sa sarili akong napakamot sa sentido ko. Bahagyang umihip ang hangin, nakaramdam ako ng kaunting kapreskuhan dahil doon. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok mula sa aking leeg. Naabutan ko si Marcus na nakatingin sa mismong parte ng katawan ko na iyon. Tuloy ay nakaramdam ako ng pagkailang.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon