Kabanata 18

47.4K 2K 227
                                    

Kabanata 18

Paulit-ulit akong nagiiwas ng tingin sa tuwing mapapadapo ang mga mata ko kay Dashiel na ngayon ay kasama kong nag-aararo sa palayan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya kung bakit niya ako sinamahan dito. Basta ang sinabi niya lang ay tutulong siya sa akin. I didn't even know that he can do things like this. Ang akala ko ay hindi siya maalam sa ganitong klase ng trabaho.

"I won't handle any business without having knowledge about it, Dreya."

Iyon ang sinabi niya kanina nang tanungin ko siya kung marunong siyang mag-araro. Ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang sagutin ko siya at maging kami, pakiramdam ko ay palagi pa rin akong may natutuklasan na bago sa kanya. Palagi niya akong pinapahanga.

"I'm already melting, Dreya." Dashiel chuckled that snapped me out of my thoughts.

Kaagad akong nagiwas ng tingin. Ipinagpatuloy ko ang pag gamit ng hand tractor at nilampasan siya. I heard him chuckle that made me stop. Nilingon ko siya. He's smirking at me while holding his own red hand tractor. Ngumuso ako. Umiling siya, natatawa pa rin.

Pinaandar niya ang traktor at huminto sa harapan ko bago ako pinagmasdan. I saw that there's a slight mud on his white plain shirt. My lips pouted a bit.

"May dumi na iyang damit mo. Bakit kasi puting t-shirt pa ang suot mo?" tanong ko.

He looked down on the lower part of his t-shirt and shrugged his shoulders.

"Most of my clothers are white. I random wear colored. Maybe I just have to take this off. What do you think?" His smirk become too much playful.

Kumurap-kurap ako. M-Maghuhubad siya ng t-shirt? Dito?

Ano naman ngayon, Dreya? Normal lang naman iyon sa mga lalaki lalo na kapag naiinitan. Sa sitwasyon niyo ngayon, tirik na tirik ang araw at halos basa na rin naman kayo ng pawis!

"I-Ikaw ang bahala." malikot ang matang sabi ko saka nagkamot ng sentido.

Humalakhak siya na muli kong itiningin sa kanya. May kalakasan iyon kaya naman ang ilan sa mga kasamahan namin ay napapatingin sa aming direksyon. Even Maricel who's somehow near from us was already looking.

My lips pouted at Dashiel.

"Ayaw mo akong maghubad?"

"Ah... hindi n-naman sa ganun. Kaya lang ay..." Kusa akong huminto sa pagsasalita, hindi alam kung dapat pa ba sabihing naiilang ako na makita siyang walang suot na baro.

"Kaya lang ay ano?" tukso niya pa sa akin.

Tumungo ako at tumigin sa maputik na lupa. A chuckle arises from Dashiel's throat. The sound of it was made from adoration.

"My innocent baby..." he said, stealing my eyes from the ground. He's staring intensely at me. The sunlight illuminated the delight in his brown shaded orbs. "I won't take my shirt off. This is for your eyes only."

As soon as he said those words, intense fire burned my cheeks as my eyes grew bigger. He even winked at me as if he's really trying to tease me!

"Dashiel!" gulat na tawag ko.

Humagalpak siya ng tawa at nagsimula na ulit sa pagpapaandar ng hand tractor niya. Sinundan ko siya ng tingin.

"Let's go and finish this. I already want to take a rest with you."

Napailing ako, hindi maiwasan mapangiti dahil sa kalokohang taglay niya. Si Dashiel iyong tipo na kahit madalas ay puro kalokohan ang lumalabas sa bibig, hindi ako nakakaramdam ng inis. Simula ng maging kami ay walang oras na hindi ako ngumiti. He always makes sure that there's no dull moments when we're together.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon