CHAPTER 10

3.6K 136 3
                                    

"Tara na pumasok na tayo sa loob hayaan na lang natin sina dad at tita dito sa labas."

"Sige Sian."

Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at dumiretso sa hapagkainan. Ilang sandali pa ay dumating din sina Blue at Louise, napahagikgik naman si Sian dahil naalala niya kung ano ang ginawa ng kanyang ama at tiyahin sa labas.

"Let's eat."

Matapos kumain ay dumiretso ang kambal sa kuwarto nila at hatak-hatak nila si Louise. Inasikaso ni Louise ang kambal mula sa paglilinis ng katawan hanggang sa pagbibihis. Si Blue naman at nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang kanyang kambal.

"Tita, tabi tayo matulog."

"Lian, sa tabi ko matutulog si tita."

"Ehh, sa akin!"

"Sige, gan'to na lang... tabi na lang tayong tatlo matulog sa gitna si tita para tabi natin siya."

"Kayong dalawa, bakit kilangang katabi niyo pa si Louise? Ilang taon na ba kayo? Hindi na kayo sanggol para tabihan sa pagtulog."

"Eh, daddy!"

"Huwag makulit! Matulog na kayong dalawa.  Louise, tara na sa kuwarto."

Napakunot ang noo ni Lian ng marinig niya ang kanyang ama. 

"Daddy, malaki na rin po kayo bakit sa kuwarto niyo matutulog si tita? Hindi ka naman sanggol."

Savage!

"Aba't natututo ka ng sumagot! Basta... matulog na kayong dalawa. Tara na Louise."

"Tita, baby mo ba si daddy? bakit kailangang tabihan mo siya? Mas bata naman kami kay daddy."

Napangiti si Louise at binuhat si Lian.

"Blue, dito muna ako matutulog para mas makapagpahinga rin ako."

"Bakit sa tingin mo papagurin kita?"

Hindi maintindihan ng dalawang bata ang sinasabi ng dalawa kaya naman tahimik lang silang nakikinig.

"Blue"

"Patulugin mo 'yang dalawa pagkatapos sumunod ka sa akin sa kuwarto."

Lumabas si Blue at hindi sila nilingon. Dumiretso si Blue sa kuwarto tiyaka nilabas ang laptop upang asikasuhin ang kaniyang trabaho.

Natapos na siya sa kanyang gawain ay hindi pa rin bumablik si Louise sa kuwarto. Tumingin siya sa orasan at tatlong oras na ang nakalilipas wala pa rin si Louise kaya naman lumabas siya at pumunta sa kuwarto ng kambal. Doon niya nakita si Louise na mahimbing na natutulog kasama ang kambal. Binuhat ni Blue si Lian at itinabi sa gilid ni Sian kaya mas napadali niyang nabuhat si Louise.

Nang mabuhat niya si Louise ay nakita niya na medyo nakanganga ang bibig ng dalaga at may tumulo na laway, napailing si Blue tiyaka ngumiti. Wala siyang pakielam kung matuluan ng laway ang kanyang damit basta binuhat niya si Louise at bumalik siya sa kanyang kuwarto. Tumabi siya at yumakap tiyaka isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ni Louise. Napaka sarap sa pakiramdam at siya ay pamilyar lalo na sa amoy ng katabi niya. Para siyang hinehele at sa loob ng mahabang panahon simula nang mamatay si Loaisa ay ngayon lamang siya nakatulog ng mahimbing at walang iniisip na kahit anong bagay.

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon