CHAPTER 24

3.3K 119 2
                                    

Binuksan nila ang lahat ng application sa cellphone ni Yvonne upang gawing lead kung nasaan siya hanggang makarating sila sa audio recorder. Mayroon itong isang record at tatlong taon na ang nakakalipas noong ma-irecord ang audio na iyon. Inalam nila kung ano ang laman at nagulat sila dahil ang tumambad ay boses ng isang lalaki.

"Hiwalayan mo ang asawa mo at sumama ka sa akin."

"Kuya Hongwu, bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Sa tingin mo para saan? Ginawa ko ang lahat para mapasakamay ko ang lahat."

"Kuya Hongwu, hindi mo makukuha ang gusto mo."

"Ayaw mo? Kamusta na nga pala si Louise?"

"Kuya naman!"

"Makinig ka sa akin Yvonne kung ayaw mong mapahamak si Louise. Alam ko na ang lahat, kaya huwag mong susubukan ang pasensya ko."

"Kuya Hongwu, sa tingin mo ba hindi namin alam kung sino ka talaga? Tunay kang apo ni lola at gusto niyong makuha ang lahat. Mag-isip ka Hongwu kung bakit namatay si Lola na wala man lang nakukuha sa pamilya namin. Kapag nalaman ko na may kinalaman ang pamilya mo sa pagkamatay ni mommy, itago mo ng maigi ang nanay mo dahil sisiguraduhin kong isang daang beses kong ibabalik ang lahat."

Biglang sinampal ni Hongwu si Yvonne at rinig na rinig ang lagapak ng kanyang kamay. Walang nagsalita kina Blue, Hier at King ngunit mararamdaman ang pagdilim ng kanilang awra. Lahat sila ay nagpipigil ng galit dahil sa kanilang narinig.

"Yvonne, kahit anong sabihin mo wala kang kakayahan para magawa ang mga plano mo. Hindi ka uubra sa akin, maniwala ka. Kung ayaw mong  masaktan si Louise, sumama ka sa akin at ilalayo kita dito. Siguraduhin mong huwag kang magpapakita pa dito."

Biglang natapos ang recording at alam nilang hindi maganda ang nangyayari kay Yvonne.

"Blue"

"Iwan niyo muna ako."

"Sige, mauna na rin kami."

"Salamat nga pala."

"Three days."

Nagtataka si Blue sa sinabi ni King.

"Three days?"

"Ibibigay ko lahat ng impormasyon sayo sa loob ng tatlong araw, iimbestigahan ko rin kung nasaan ang mommy ni Louise."

"Salamat King."

Umalis sina King at Hier, saglit na pumikit si Blue tiyaka kinuha ang kanyang cellphone. Papasok na sana si Lion nang marinig niyang may tinawagan si Blue sa cellphone.

"Hello Zico"

Nagulat si Lion dahil alam niya kung sino si Zico. Si Zico ang may-ari ng ZOIC arms and weaponry sa underground ngunit ang legal na kumpanya na humaharap sa lahat ng negosasyon ay ang ZOIC Cargo Company. Ang ZOIC ang nagbebenta ng mga armas sa gobyerno at sa mga iligal na organisasyon tulad ng O.N.E.S.

Lingid sa kaalamanan ni Lion na si Zico ay anak ng kanilang boss na si Zild. Hindi niya akalain na malawak ang koneksyon ni Blue sa underground.

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon