CHAPTER 15

3.4K 124 7
                                    

Matapos makipag-usap ni Blue sa kanyang tiyahin ay agad niyang tinawagan si Zild.

"Hello, tito."

"Bakit? May sinabi ba sa'yo si Carmy?"

"Wala namang sinbi sa akin si tita, puwera na lang kung may tinatago ka?"

"Wala akong tinatago, lalo na sa'yo"

Mababatid ang pagiging sarkastiko sa sagot ni Zild kaya hindi maiwasan ni Blue na mainis.

"Tito Zild!"

"Hahaha, huwag kang pumunta sa bahay nagpapahinga pa ang tita Julia mo."

"Nasa'n ka?"

"Basement ng law firm ko."

"Please naman tito, gusto ko malaman ang katotohanan."

"Hindi lang ako ang nakakaalam ng lahat, si Yller at Sky may alam sila."

"Hindi ko mapipiga si Sky."

"Edi 'yong kaibigan mong ai Yller ang pigain mo."

"Sige"

"Mag-ingat kayo, na'ndito na sa bansa ang lolo at tiyuhin ni Louise. Sa ngayon, gumagawa ako ng paraan para pigilan sila. Bilisan mo kasing kumilos, parang di ka Jones. Do it in Jones' way."

"Bakit kasi hindi mo na lang sabibin ang lahat para mas mapadali?"

"That is not exciting at all."

"Pshhh. Sasabihin kita kay lolo Zach"

"Wala namang magagawa si dad."

"Kay tita Julia na lang pala."

"Try it, I'm not gonna help you. There is a big picture behind everything Blue."

"Ano ba talaga ang mga nangyari tito!"

"Malalaman mo rin"

Narinig ni Blue ang hudyat ng pagkaputol sa linya kaya inilagay niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Nasa loob si Blue ng sasakyan at papunta sana siyang Jones Hospital nang matandaan niya ang sinabi ng kanyang tiyuhin... May alam si Yller. Agad siyang lumiko at pumunta sa law firm ni Yller. Nang makarating sa law firm, si Blue ay dumiretso sa opisina ni Yller. Kilala na siya ang mga ibang tauhan doon kaya hindi na siya pinigilan sa pagpasok sa opisina ng kanilang among si Yller.

"Pasok."

Matapos kumatok ay pumasok siya sa loob ng opisina.

"Maupo ka."

Umupo si Blue sa sofa at nasa harap niya si Yller.

"Anong alam mo kay Loaisa?"

"Alam kong mangyayari ang lahat sa ganito, na kay Rare ang mga ebidensya."

"Ebidensya saan?"

"Malalaman mo rin. Tatawagan ko si Rare, saglit lang."

Kinuha ni Yller ang kanyang cellphone tiyaka tinawagan si Rare.

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon