EPILOGUE

6.6K 212 50
                                    

"Louise kailangan mo ba talagang gawin 'to?"

"Blue kapag hindi ko 'to ginawa baka maging isang dosena ang anak natin!"

"Apat na beses ka pa lang nanganganak."

Halos masiraan na ng bait si Louise sa sinabi ni Blue.

"Wow! Ikaw kaya ang manganak!"

"Louise naman"

"Blue! Ilan na ba ang anak natin?"

"Seven"

"Kulang pa ba sayo 'yong pito?"

Si Blue ay dating doktor at mas alam niya ang family planning ngunit hindi niya iyon kayang gawin. Ayaw niyang gumamit ng condom kapag magkatalik sila ni Louise.

"Louise, please naman. Huwag ka ng magpa-ligate."

"Blue mamimili ka lang sa tatlo, una gagamit ka ng condom kapag nagseseks tayo, pangalawa magpapa-ligate ako at pangatlo hindi na tayo magseseks kahit kailan."

Hindi nagsalita si Blue at mahahalata ang pagtutol niya sa mga pamimilian ni Louise.

"Ayaw mo? Sige... Dadagdagan ko ng isang ang pamimilian"

"Ano 'yong idadagdag mo?"

Kinabahan si Blue sa klase nang ngiting ibinigay ni Louise.

"Maghiwalay na tayo."

Pagkasabi niya ay tumalikod siya at dumiretso sa kuwarto. Agad siyang hinabol ni Blue, ngunit naka-lock ang pinto.

"Louise!"

Kumatok si Blue ngunit hindi siya pinagbuksan ng pintuan ni Louise. Tumakbo papunta sa mayordoma si Blue at pinakuha ang spare key ng buong bahay.

"Sir ito na po ang pinapakuha niyo."

"Salamat"

Kinuha ni Blue ang mga susi at agad na pumunta sa tapat ng kuwarto nila tiyaka binuksan ang pintuan. Pumasok siya sa loob at agad na isinara ang pinto.

"Sian, sa tingin mo ilang oras bago sila lumabas ni mommy?"

"Mamaya pa silang hapon lalabas."

"Weh? Pustahan tayo."

"Sige ba."

"Kapag maaga silang lumabas ay panalo ako at papakopyahin mo ako ng assignment sa math."

"Sige, kapag ako naman ang nanalo. Ikaw ang gumawa ng assignment ko sa English."

"Deal."

*******

Nang makapasok sa loob si Blue ay agad niyang tinabihan sa kama si Louise. Sa tagal nilang nagsasama kabisado na niya ang ugali ni Louise. Nasanay na siya na habang tumatagal mas nagiging palaban si Louise at hinayaan niya na ang kanyang asawa ang magdedesisyon sa loob ng bahay pati na rin ang pagdidisiplina sa mga bata. Samantalang siya ay nagdedesisyon kapag hindi na kayang hawakan ni Louise ang mga nangyayari sa loob ng bahay.

"Louise... Sorry"

Humarap sa kaniya si Louise at seryosong tumingin.

"Blue, grade 9 na ang kambal, ang triplets grade 2 na, si morgan 4 years old at 1 year old ang bunso natin. Gusto kong ibigay ang lahat sa kanila pero paano? Sa kambal pa nga lang tuyong-tuyo na ang pasensya ko."

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon