CHAPTER 27

3.5K 137 3
                                    

"Blue, paano mo nasabing patay na si mommy? May ebidensya ka ba? Please naman, 'wag ka sanang magbiro ng gan'to!"

"Louise, kumalma ka lang."

"Paano ako kakalma! Sige nga! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, magagawa mo bang kumalma!"

Alam ni Blue na hindi magandang makita ng mga bata na nag-aaway sila ni Louise kaya tinawag niya ang mayordoma.

"Manang!"

"Sir?"

"Ihatid mo muna ang kambal kay Sky."

"Okay po Sir."

Inalalayan ng mayordoma ang mga bata papaalis sa sala.

"Maupo muna kayong dalawa."

Sumunod ang mag-ama sa sinabi ni Blue.

"Gusto ko sanang papuntahin lahat dito sa bahay, pati na rin ang pamilya Sy."

"Blue, hindi puwedeng malaman ng pamilya nila ang patungkol kay Louise."

"Magtiwala po kayo sa akin dad. Walang gagawing masama ang mga Sy kay Louise tiyaka hindi habang buhay magtatago sa anino ni Loaisa si Louise. May karapatan si Louise na mabuhay ng malaya, hindi ko kayang itago si Louise... Tatapatin ko po kayo, gusto ko pong pakasalan si Louise sa harap ng maraming tao. Ayokong maging asawa ko siya ng patago, hindi ko kaya. Ang dapat kay Louise ay ipinagmamalaki."

"Sige, ipinagkakatiwala ko na sa'yo ang aking anak. Siguraduhin mong hindi siya masasaktan."

"Salamat po."

Hindi napigilan ni Louise na mapaiyak. Sa buong buhay niya iisa lang ang kahilingan niya. Iyon ay mabuhay bilang siya. Niyakap niya si Blue ng napakahigpit.

"Salamat... Salamat..."

Humagulgol ng iyak si Louise. Sawakas, natupad na din ang kaniyang kahilingan. Hindi niya aakalaing tutuparin iyon ni Blue. Masaya at kuntento siya sa kung ano ang buhay niya ngayon at hindi niya inaakala na may taong gusto siyang ipagmalaki sa lahat. Kung tutuusin mas gugustuhin niyang mamuhay bilang siya at harapin ang lahat kaysa magkubli sa katauhan ng iba at tumakas sa mga problemang kahaharapin niya.

"Shh, I just want the best for you."

Ramdam ni Blue ang pagkabasa ng kanyang dibdib at pagsinok ni Louise. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang asawa tiyaka ito hinalikan.

Nagulat ang ama ni Louise sa kanyang nasaksihan dahil binuhat ni Blue si Louise at inupo sa kanyang hita tiyaka niyakap, isiniksik ng kanyang anak ang mukha sa leeg ni Blue. Napailing siya ngunit gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Shhh, tatawagan ko si U.

Tumango-tango siya kay Blue.  Parang anak na babae kung tratuhin siya ni Blue. Naramdaman niya ang marahang haplos ni Blue sa kaniyang buhok at nagbibigay ito ng bolta-boltaheng sensasyon, ganunpaman komportable siya sa ginagawa ni Blue sa kanya.

Kinuha ni Blue ang kaniyang cellphone tiyaka tumawag.

"Hello, U?"

"Bakit?"

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon