CHAPTER 28

3.6K 124 4
                                    

"May sasabihin pala ako."

Napatingin ang lahat ng magsalita si Blue.

"We will have a wedding ceremony next month."

Ang lahat ay napatingin sa sinabi ni Blue, miski si Louise ay hindi makapaniwala.

"Blue, hindi basta-basta mag-asikaso ng wedding ceremony. Masyado ka naman 'atang nagmamadali."

"Dad, pitong taon nang nakaayos ang lahat. Si Louise na lang ang kulang."

Natawa si Mr. Guio sa isinagot ni Blue, samantalang si Louise ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Walang nagawa si Mr. Philip pati na rin ang matanda. Alam nilang buo na ang desisyon ni Blue at wala silang magagawa kun'di ang sumang-ayon.

Natapos ang pag-uusap nila ng araw na iyon at napagdesisyunan nilang dalawa na sunduin ang kambal.

"Daddy! Mommy!"

Sabay na sumigaw sina Lian at Sian habang tumatakbo papunta sa kotse. Humalik ang kambal kina Blue at Louise at nagpaalan kay Sky.

Habang nasa loob ng kotse ay tumunog ang cellphone ni Blue at agad niyang tiningnan kung sino ang nag-text. Binasa niya ang mensahe ng kanyang tiyuhin na si Zild.

'Blue, may misyon na gagawin ang lima at maayos na ang lahat. Hindi na sila makakabalik sa inyo.'

'Okay.'

Ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bulsa at aramdaman niya ang pagbigat ng kanyang balikat at nakita niyang natutulog si Louise, gano'n rin ang kambal.

Kinabukasan ay agad na inasikaso ni Blue ang labi ni Yvonne. Pumunta ang lahat upang masaksihan ang paghukay sa katawan ng ginang.

Ang mga tauhan ni Rare ang kumilos sa paghuhukay at naka-ayos na rin ang ambulansya ng Jones para agad na maidala sa punerarya ang labi ni Yvonne. Ang lahat ay napatakip ng ilong nang mahukay ang bangkay ni Yvonne dahil sa nakakasulasok na amoy nito, nakikitaan na rin ng senyales ng pagkabulok ang katawan dahil sa dami ng uod sa bangkay.

Nasuka si Louise ng makita kung ano ang itsura ng kanyang ina.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo, salamat"

"Umalis na muna tayo dito baka lalo ka lang masuka."

"Sige, sa kotse muna tayo"

Hindi nila kinaya ang amoy kaya nagsialisan ang lahat puwera sa mga tauhan na nag-aasikaso ng bangkay. Tinibayan ng mga tauhan ang kanilang sikmura, kahit pa nahahawakan nila ang uuod ay hindi nila ito pinansin at patuloy sa pagbuhat sa katawan ng ginang papunta sa strecher.

"Tanggalin niyo 'yong uod."

Halos mapamura ang lahat ng tauhan sa sinabi ni Rare ngunit wala silang magawa. Ang isang tauhan ay nasuka sa isang tabi dahil naalala niya ang Pansit Canton na kaniyang kinain kanina. Matapos matanggal ng mga uuod ay agad na ipinasok si Yvonne sa loob ng ambulansya.

"Dad, gusto kong ipa-crimate si Mom."

"Louise, maganda nga 'yang naisip mo. Ipa-crimate natin si Yvonne."

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon