(6) - UNANG PAGKIKITA AT HALIK

12 5 7
                                    

KBNT NM- UNANG PAGKIKITA AT HALIK

"Hello, ganun pa din ba babe yung location ng pagdadalhan ko ng cupcakes?"

" Nope babe ako na ang kukuha niyan. Magkita tayo sa Teatea yung milk tea shop na malapit sa mall. Alam mo ba yun?" Nabigla si Mahlia sa kanyang narinig sapagkat makikita na rin niya ang kanyang boyfriend na nakilala lamang niya sa tawag.

"Talaga? Sa wakas makikita na rin kita babe, ilang days na kitang palaging kausap sa tawag. Maririnig ko na rin personal ang malagong mong boses." Sambit nito kasabay ng nag uumapaw na kilig at saya. " Yes alam ko kung saan nakalocate ang Teatea. Ready na rin ang cupcakes kita tayo dyan. See you!"

" Di na ako makapag antay babe. Gusto ko nang matikman..." Nagtaka si Mahlia sa kanyang narinig. " Gusto ko nang matikman yang cupcakes mo." Pag papatuloy ng binata.

" Ah hehe kala ko naman kung ano. Kapag natikman mo ito. Hahanap hanapin mo ito sa sarap. Sige na basta antayin mo ko dyan. Bye!"

" Sure, antayin kita babe. Bye!"

Pagkababa ng telepono ay hindi maipaliwanag ang saya ni Mahlia para siyang nanalo sa lotto, sapagkat makikita na rin niya sawakas ang kanyang boyfriend. Naghanap ito ng magandang kasuotan na tiyak ay magiging kaakit-akit sa paningin ni Mandrei. Kinakabahan siya subalit mas nangingibabaw ang pag-ibig niya.

"KAYA MO ITO MAHLIA, WAG KANG MASYADONG KIKILIGIN!" sigaw nito para sa kanyang sarili.

*Teatea*

Inilibot niya ang kanyang mata upang hanapin ang kinaroroonan ni Mandrei. Upang makilala niya ang kanyang boyfriend ay nagsend ng message si Mandrei ng kulay nang kanyang kasuotan. Kulay pulang t-shirt at kulay ash gray na buhok. Makalipas ang ilang segundo nakita niya ito malapit sa salamin.

Hindi siya mapakali habang palapit siya ng palapit. Namumula na siya. Para talaga silang itinadhana sapagkat parehas sila ng kulay ng damit at ng buhok. Soulmate kung tawagin.

"Ah hello? Mandrei right?" Tanong nito.

" Yup, your boyfriend. " Kinilig si Mahlia bigla siyang napakagat labi. Tumayo ang binata at hinila ang upuan ni Mahlia."upo ka na."

"Ah eh ah eh ito na pala yung order mo." Nakangiti nitong sabi habang iniaabot kay Mandrei. "Pwede na ba akong umalis may idedeliver pa kase ako."

gusto ng umalis ni Mahlia sapagkat nahihiya siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin at kung ano ang gagawin. Nauutal na ito sa kanyang mga sasabihin. "Bakit ka uuwi agad? Ayaw mo ba akong makita? Wag kang mahiya sa akin babe." Hinawakan nito ang kamay ni Mahlia.

" Sorry huh, kinikilig kase ako eh. Unang beses nating magkita and hindi ako makapaniwala na makikita na rin kita. Babeeee?"

" Masaya din ako dahil nakita narin kita. Napakaganda mo at napakahinhin. I love you babe." Lalong namula ang dalaga dahil sa mga papuri nito, hinawi niya ang kanyang buhok sa kanang tenga. At inilayo ang tingin.

"Napakabolero mo Naman. " Pabebe nitong sabi. " Alagang KOJIC kase ako."

"Hindi kita binobola sinasabi ko lang ang totoo." Nakangiti nitong sabi. " By the way let us eat this cupcakes para sa ating dalawa ito."

Ilang minuto na rin silang nag-uusap. Tawanan kulitan, at bolahan. Masayang masaya si Mahlia dahil sa pagkakataong iyon ay nakita na niya ang taong makakasama niya habang buhay. Ganun din si Mandrei masisilayan mo ang kasiyahan sa kanyang mga ngiti at mapupungay na mga mata.

"Pwede ba akong tumabi sayo?" Paki-usap ni Mandrei.

" Oo naman."

" Alam mo babe, masaya ako kase nakilala kita. Buti nalang omorder ako sayo ng cupcake. Biruin mo inorderan ko ng cupcake noon, girlfriend ko na ngayon." Sambit nito habang nakayakap kay Mahlia.

"Ako din eh. Matagal na kitang hinihintay. Matagal ko nang inaasam na makasama yung taong magpapasaya sa akin." Nawala na ang hiya ni Mahlia tila ba komportable na siya sa kanilang pagsasama.

Nakatingin sa ibang direksyon si Mahlia habang si Mandrei ay nakayakap lamang dito. "Mahlia!" Pagtawag ng binata.

Agad namang napatingin si Mahlia. Nagulat siya ng biglang magdampi ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Mahlia. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya magawang makawala.

Pulang pula na ito. Ito ang unang beses na may humalik sa kanyang mga labi. Matapos ang eksenang iyon ay bumitaw na ito sa paghalik. Hinawakan niya ang kanyang labi.

"Masarap ba babe?" Hindi makasagot si Mahlia sa tanong nito. Nakatulala lamang ito. Hindi niya akalain na magaganap ang unang halik na iyon.

"Babe bakit dika nasagot?"

Agad na tumayo si Mahlia. Kinuha niya ang kanyang mga gamit. Dali Dali siyang nag ayos. "Sa tingin ko Mandrei kailangan ko nang umalis. May idedeliver pa kase ako eh. " Pagmamadali nitong pamamaalam.

" Ah ganun ba sige sige ."

Agad na naglakad palayo si Mahlia. Hindi na niya magawang makalingon pa. Nananatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang mga labi.

..

"BYE AND I LOVE YOU BABE!" sigaw ni Mandrei. Subalit hindi na ito pinansin ng dalaga dahil sa pagkataranta.

**

Napahinto ito sa tapat ng clothing store. Napasandal siya sa salamin nito.

"YIEEEEEEE" kinikilig nitong ekspresyon habang patalon talon at nakahawak sa kanyang dibdib. "Hindi na virgin ang lips ko. Omyghad! I love you babe!"

" HINDI NA VIRGIN ANG LIPS KO, I'VE GOT MY FIRST KISS!" Sigaw nito.

" Miss pwede ba wag ka dito mag ingay!" Suway sa kanya ng guard.

Nahiya ang dalaga sapagkat lahat ng mata ay nakatingin sa kanya ito man ay nasa loob ng clothing store o nasa labas. Agad na napayuko si Mahlia sa kahihiyan at naglakad ng mabilis. Pero damang Dama niya ang kasiyahan at ang pag-ibig. Para sa kanya isa ito sa pinakamagandang memories na kanyang maitatago.

-----------------------------

Follow my social media accounts:
Fb:  Norwen Mondejar
Twitter: @itsmissedchriszy
Instagram: @Shalemnooo
Youtube: Missed Chriszy
Tiktok: @Norwencmonde

MAHLIA  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon