CHPTR LVN- BOREDOM AND FUN

6 4 2
                                    

CHPTR LVN- BOREDOM AND FUN
"Hello, Markian where are you now?" She asked.

" I'm here in my house, bakit may kailangan ka?"

" Nabobored na kase ako dito sa bahay, let us have some fun. Punta tayong mall."

" Oh suree. Ako nga din eh." He said sadly. "On the way na ako papunta sa bahay mo."

" Ang bilis huh. Maligo ka naman."

" Of course. Oh siya, ibababa ko na itong telepono.See you!" Pamamaalam ng binata.
**
MARKIAN'S POV

Well on the way na ako ngayon papunta sa bahay ni Mahlia. Biruin mo ba naman nagyaya ng gala. Kesyo bored na daw siya sa bahay.

Matatanggihan ko ba naman yung babae na yun. Mahal na Mahal ko yun eh. Syempre hindi lang bilang kaibigan. Kundi mas higit pa doon.

Simula pa lamang pagkabata gustong gusto ko na si Mahlia. Kaso natotorpe ako kase lagi niyang ipinaparamdam na hanggang magkaibigan lang kami.

Ako yung knight and shining armor niya everytime she got bullied. I am her calling station every time she needs help. And I am her comforter everytime she have a problem.

But unfortunately hanggang magkaibigan lang kami.  "Yaya, ikaw na pong bahala dito sa bahay. Pupunta lang ako sa bahay ni Mahlia, mamamasyal kase kami."

" Opo sir. Makakaasa po kayo."

Nitong nakaraang buwan gusto ko nang magtapat sa kanya pero hindi ko nagawa kase dumating sa buhay niya ang kanyang first boyfriend na si Mandrei.

Ano bang magustuhan niya dun. Pogi ba yun? Eh mas pogi naman ako. Nakakatawa ba yun eh mas witty naman ako. Pero 'di pa rin ako sigurado kase hindi ko pa naman nakikita ang mukha ng lalaking yun. Basta ang alam ko lang napapasaya niya din si Mahlia. Pero minsan na niyang nasaktan.

"Mang Tomas  if may dumating na food package pakiclaim nalang, eto po yung bayad. May pupuntahan kase ako."

" Makakaasa sir. Parang ang blooming natin ngayon ah. May girlfriend na ba?" Pang aasar nito.

" Kuya guard, wala pa akong girlfriend. Wala pa nga akong nililigawan."

" Ah ganun po ba. Eh Sino po yung Mahlia?"

" Kaibigan ko lang po yun." Agad na akong lumabas ng gate while driving my car.

Kaibigan ko nga lang ba si Mahlia? Pero sana hindi na. Alam niyo kung bakit? Kase this is the day that the Lord has made. HAHAHAHAHA biro lang.

Ngayon na kase ako aamin ng nararamdaman ko kay Mahlia. Mabuti na lamang ay nagyaya ng gala ang babaeng iyon. Lalakasan ko na ang loob. Dala dala ko ngayon ang aking sorpresa para sa kanya. Pero di ko muna sasabihin sa inyo.

"Ang tagal mo naman. Kanina pa ako nag-aantay dito." Mareklamo talaga etong kaibigan ko nagawa pang sumimangot habang nakapamaywang.

"Sorry naman, if you don't mind napakatraffic kaya. Sumakay ka na nga. Saan ba tayo pupunta?"

Agad naman siyang sumakay sa front seat. But now she is smiling. Bakit kaya? Alam ko na.

"Wala kase akong pera baka pwedeng libre mo." Sabi ko na eh yang mga ngiti na yan alam ko na ibig sabihin niyan. Pero hindi ko sya pwede tanggihan specially she lost her money.

"Oo na, mga padali mo talaga." Ayon matapos kong sabihin iyon ay hindi maipaliwanag ang tuwa.

"Let's go na. I am so excited."

By the way she looks so beautiful on her color peach na dress, bag, and doll shoes. She always looks like a fairy and angel. Hindi na bago.

**

Nandito na kami ngayon sa mall and it was so hard to decide Kung saan kami kakain.

"I think mamaya nalang tayo kumain mamasyal muna tayo."

And now we are going to somewhere. First at beauty shop, she loves buying make up na hindi naman niya kailangan because she always looks beautiful in a natural way.

"Anong makeup kaya ang magandang bilhin?" Tanong nito habang nakahawak sa chin.

" Ano bang alam ko dyan eh lalaki ako." Tama naman ako diba?

" I think this one." Lumapit siya sa akin at tinignan ang aking mukha. " Can I?"

"What are doing?"

"Can I use your face as a tester?" Holy crap. Ahhhh gusto kung tumanggi kaso baka magalit.

"Nope." Tumalikod ako.

"Ayaw mo?"

Pero kahit anong tanggi ko wala pa rin akong magagawa. Ngayon eto ako kinikilayan ng marahas kong kaibigan. Bakit pa kase nauso ang makeup na yan.

Next naming pinuntahan ay ang Tom's world, we made fun playing different games, winning prizes such as teddy bear.

We go in the cinema, we watched a Sad movie that made us cry and sad. This is the scenario, there is a boy who fell in love with his girlbestfriend. He confessed. But suddenly the girl rejected his feelings. And instead of staying their friendship it turns into strangers.

I hate this movie. Baka mangyari ito sa akin, magcoconfess pa ba ako? Huhu

Ilang oras na kami dito sa mall palakad lakad, shoplifting este window shopping HAHAHAHA. "Super saya ng araw ko ngayon you saved my boredom Markian."

" Everything I did and will be is for you. Me, as your bestfriend. Saan na ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanya nagugutom na kase ako.

"Kahit saan." Hinila niya ako sa kung saan habang nakahawak siya sa aking mga kamay. Ang aking mundo'y humihinto sa pagkakataong ito. Dapat ba akong kiligin?

Nagtungo sila sa isang food court. Masyado ng maraming tao kaya mahirap makahanap ng upuan at lamesa. Kaya nag antay sila ng ilang minuto upang makaupo.

---------------------------------------

MAHLIA  (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin