CHPTR TWLV- CONFESSION AND REJECTION

11 5 11
                                    

CHPTR TWLV- CONFESSION AND REJECTION

MARKIAN'S POV

busog na busog kami ngayon. Kahit nakakaubos ng budget ang gala na ito sulit pa din kase kasama ko yung taong mahal na mahal ko.

Nandito na kami ngayon sa may park. 6:30 pm na din. Napakaganda ng lugar na ito. Napakasariwa ng hangin. Ang mga ilaw ay nakakaengganyong tingnan. Kakaunti na lamang ang mga taong nasa paligid.

"Bakit tayo nandito Markian?" Tanong ni Mahlia sa akin. "Akala ko ba uuwi na tayo?"

Paano ko ba ito sasabihin. Ganto kase yun, ngayon na, oo ngayon na, ngayon na ako aamin ng nararamdaman ko para kay mahlia. I will give my full courage and bravery to confess my feelings for her. I am hoping for her "yes" and willing to hear her "no". No matter what aamin pa rin ako.

"Ah ganto kase yun." Pumunta ako sa sasakyan at may kinuha. Nakabalot ito sa kulay puting wrapper at may nakataling pulang laso.

"Ano yan?" Pagtataka nito nang makita ang aking dala dala. "Para sa akin ba yan?"

"The truth is yes!" Kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Iniaabot ko ito sa kanya at agad niya itong binuksan.

"WOW!" Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang laman nito. "Ang ganda!"

"Naalala mo yung sinalihan kong portrait contest tapos ikaw yung iginuhit ko." Tumango naman siya. " Nanalo ako! I win the contest! "

"Talaga?" Agad niya akong niyakap at niyakap ko naman siya pabalik. " Congrats sabi ko naman sayo mananalo ka kase ako yung subject mo eh."

" Actually I have another surprise for you." Biglang tumahimik si Mahlia at kumalas sa pagkakayakap.

"What is that?"

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Anong ginagawa mo?" Inalis niya ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak Subalit muli ko itong kinuha.

"Mahlia... Ahmmm. Mahlia..." Nakakunot ang noo niya habang ako ay nakapingit. "Mahlia I like you since before. Pwede ba kitang ligawan?"

Kitang kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Bigla niyang inalis ang kanyang kamay. "ANO BANG PINAGSASABI MO, ALAM MONG HINDI PWEDE!"

" Mahlia gusto kita dati pa, natatakot lang akong umamin kase ayokong masira yung pagkakaibigan natin!"

" yun na nga eh, alam mong magbestfriend tayo. Alam mo ding may boyfriend ako sana nirespeto mo naman ako."

" Mahlia ano bang pinagsasabi mo, hindi bat mas matibay ang relasyon kapag nagsimula sa magkaibigan." Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi. " At tyaka wala na kayo ni Mandrei, hindi ba break na kayo!"

Nabigla ako ng kanya akong sampalin. Nakita ko ang pag agos ng mga luha sa kanyang mata. "Ano bang sinasabi mo? Hindi pa kami hiwalay!"

" Mahlia wag mo na akong lokohin, sadyang ayaw mo lang sa akin. Alam kong tapos na kayo, kaya ako naglakas loob na umamin sayo!"

*Flashback*

Nagmamaneho ako ngayon papunta kay Mahlia. Gusto ko siyang yayain magdinner sa labas. Matagal na rin kaming hindi nagkakasama sa hapunan.

And I know hindi yun makakatanggi. yun pa HAHAHAHA.

Hay naku! Maggagabi na lamang ay nakalimutan na naman niyang isara ang gate. Lagi nalang niyang hinahayang nakabukas kapag may nakapasok talaga sa bahay niya. Ewan ko lang!

Narito na ako sa living room but I can't see her. Wala rin sa kusina. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Pero baka nasa second floor. Baka nagpapahinga na.

Dahan dahan akong umakyat ng hagdan. Sinisigurado kong walang ingay na mabubuo sa aking mga hakbang. Balak ko siyang gulatin.

Pero teka bakit parang may naiyak?

"Mahlia?" Pagtawag ko. Subalit tila walang nakakarinig. Nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman ako'y sumilip.

Nakita ko si Mahlia na nakatabon ng kumot at ito ay umiiyak. "Mandrei! Mandrei! Wag mo akong iiwan!"

Napagtanto kong umiiyak ngayon ang aking kaibigan marahil ay nakipaghiwalay na sa kanya si Mandrei.

Gusto ko siyang patahanin subalit gusto kong mapag isa muna siya. Kaya naman dahan dahan akong lumabas ng bahay ni Mahlia. Sa susunod na lang siguro kami magdidinner.

*End of flashback*

"DAHIL LANG SA NAKITA MO? PARA SABIHIN KO SAYO WE ARE NOT EXPERIENCING A BREAK UP. HINDI PA KAMI HIWALAY!" humaguhol ito sa pag-iyak.

" Eh ano kayo? Semi-break? "

"Pupunta lang siya sa states. yun lang yun. And isa pa wag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. Dahil hanggang friends lang ang turing ko sayo."

Tila nadurog ang aking puso, nafriend zone ba ako?

Akala ko ba? Akala ko hiwalay na sila. Crap! Wrong timing ako sa pagcoconfess.

"Masaya naman tayo sa pagiging magkaibigan, laging nagdadamayan, nagsusuportahan, nagkukumustahan, at nagmamahalan pero hanggang magkaibigan at magkapatid lang ang hangganan."

Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa aking mga narinig. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha. Ano itong nagawa ko?

"Mahlia, pleaseee mahal kita Hindi lang bilang kaibigan gusto ko mas higit pa dun."

" Pwede ba Markian tama na, Kung ayaw mong makinig sa tunay kong nararamdaman, mamili ka, manatili tayong magkaibigan o tapusin na natin lahat ng ating pinagsamahan?"

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam, nalilito ako, anong pipiliin ko sa dalawa? Kung mahal ko talaga si Mahlia na mas higit pa sa kaibigan.

"If you can't choose then ako ang magdedecide. Maybe we need to end up our friendship. Para hindi ka na nasasaktan."

Agad siyang tumakbo papalayo. " Mahlia! MAHLIA!"

Subalit hindi niya ako pinakinggan. Napaluhod ako at napahagulgol sa iyak. Normal na rin siguro bilang isang lalaki ang umiyak dahil yung taong matagal mo nang gusto ay nireject yung nararamdaman mo. Kaibigan? Marami na ako niyan! Gusto ko na ng kasintahan!

--------------------------------

If you love my story. Just follow me and dont forget to comment and vote. I accept negative comments. Pake ko ba HAHAHAHAHHAA

MAHLIA  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon