(8) - WAIT AND PAIN

6 5 3
                                    

CHPTR GHT- WAIT AND PAIN

*Teatea*

"Saan ba natin siya aantayin?"

"Sabi niya sa akin doon daw malapit sa may salamin. Let's go."

Narito ngayon ang magkaibigan sa Teatea. Sapagkat magdedeliver sila ng homemade cupcakes ni Mahlia. And syempre the customer is not just an ordinary person. Kase si Mandrei ito. Ang beloved boyfriend ni Mahlia .

"Oorder pa ba tayo ng milktea? Habang nag-aantay?" Tanong ng binata.

" Mamaya nalang siguro kapag dumating na si Mandrei. In fact this is not our date kase nandito ka." Pagtataray ng dalaga kasabay ng pag-irap.

"So ayaw mo ako kasama? Edi uuwi na lang ako." Agad na tumayo si Markian pero pinigilan ito ni Mahlia.

"Ikaw naman di ka mabiro. " Kaya naman, agad na bumalik sa pagkaka-upo ito.

Ayaw talagang pasamahin ni Mahlia si Markian sa pagdedeliver ng cupcakes kay Mandrei. Pero wala siyang nagawa sa pagpupumilit nito.

*Flashback*
"Bilis na kase, pleaseeeee isama mo na ako. Mahlia pleaseeeeee." Pagmamakaawa nito habang nakaluhod at nakahawak sa kamay ng dalaga.

"Wag na nga kase. Saglit lang naman ako eh. Antayin mo nalang ako dito o di kaya umuwi ka nalang." Nakakunot noong sabi nito.

" Pleaseeeee." With his puppy eyes. " Akala ko ba kapag nakilala na natin yung taong para sa atin ay ipapakilala natin ito sa isa't isa." Tila isang nakakaawang bata na nanghihingi ng lollipop.

Nakatitig lamang si Mahlia sa maamong mata ng binata. Hindi siya makasagot. Ayaw niya itong pasamahin kase baka makita ng kaibigan niya ang second kiss nila ng kanyang boyfriend. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ng kaibigan ay naaawa siya.

"OO NA! OO NA! Basta promise me na Wala kang gagawing kalokohan." Pagtataray nito.

" Promise me?"

" I promised." Masayang sabi ni Markian. Tumalon talon ito sa tuwa.

*End of flashback*

"Ano bang kulay ng damit niya?"

"Sabi niya sa akin nakakulay blue daw siya and as you notice nakablue din ako para couple kami."

" Tsss. Couple duh."

" Naiinggit ka lang." Pang aasar ng dalaga habang nakadila. " Bleeehhhhh."

Hindi na ito pinansin ni Markian. Habang inaantay nila ito ay nagselfie muna sila. Para silang magkasintahan na nagkukulitan sa harap ng camera.

"Bakit parang antagal naman nun dumating?" Nababagot na tanong ni markian. " Dalawang oras na tayong nag aantay wala pa siya. Dadating pa ba yun?"

" Bes mag antay pa tayo ng isang oras, baka traffic lang diba." Pangangatuwiran ng dalaga. " And isa pa wala naman tayong gagawin mamaya. Ubusin na natin ang oras sa pag-aantay."

" Sige, sige, basta kapag 'di na siya dumating umalis na tayo. Okay?" Agad namang sumang-ayon si Mahlia.

"Ayon ayon! Siya yun!" Turo ni Mahlia sa lalaking nakatalikod at ang suot na damit ay kulay asul. "Mandrei!" Pagtawag nito.

Subalit ng humarap ang lalaki ay bakla pala. Dahil sa makapal na makeup nito. Nadismaya si Mahlia.

"Tawagan mo kaya?"

"Hindi pwede. Hindi ko dala yung isang cellphone ko. Nandun yung number niya. Hindi ko kabisado ang number ni Mandrei." Nakasimangot nitong paliwanag.

" Teka Teka baka siya na iyon. " Turo niya muli sa lalaking naka asul na damit. " Siya na nga iyon."

"Sigurado ka? Baka nagkakamali ka lang." Pag aanlingang tanong ng binata.

" Siya na nga yan." Subalit ng humarap ang kanilang tinuturo ay nadismaya muli sa pangalawang pagkakataon ang dalawa sapagkat tomboy pala ito. Dahil sa malaking hinaharap nito. Nakagupit panlalaki lamang.

Habang nag-aantay sila ay nakatulog na si Mahlia. Naawa na ang kanyang kaibigan sapagkat napagod ito sa pag-aantay. Kaya naman hinaplos nito ang buhok ni Mahlia habang nakasubsob sa lamesa.

"Kaya mo pa bang mag-antay?" Tanong ni markian subalit hindi na makasagot si Mahlia dahil sa mahimbing na pagkakatulog.

Tinignan ni Markian ang kanyang relo. Isang minuto na lamang ay matatapos na ang kanilang pag-aantay kay Mandrei. Sapagkat hindi pa rin ito nadating.

Ginising na niya ang kanyang kaibigan. "Mahlia! Mahlia! Gising na, hindi na siya dadating. Umuwi na tayo pagod ka na sa pag aantay."

Pag ahon ni Mahlia ay nabigla ang binata sapagkat ito ay umiiyak. "Bakit ka umiiyak?"

Hindi makasagot si Mahlia. Mas Lalo pa itong humagulgol sa pag-iyak. "Wag ka ng umiyak! Papanget ka niyan. Ayos lang yun kahit hindi siya dumating. May ibang araw pa naman."

Hindi na mapigilan ng dalaga. Mas lalo pang lumakas ang kanyang paghikbi. "Paasa siya! Paasa siya!"

Lahat ng Tao ay nakatingin na sa kanila. Kaya naman agad na hinila ni markian ang kanyang kaibigan palabas ng shop. "Bilisan mo sa paglalakad. Tumigil ka na sa pag-iyak, pinagtitinginan na tayo." Galit na pakiusap nito.

Subalit hindi pa rin tumigil ang dalaga. Habang naglalakad ay patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha buhat sa lungkot na nadarama.

*Sasakyan*
"NAKAKAINIS! KAPAG NAKITA KO YANG LALAKI NA YAN! AKO MISMO ANG PAPATAY SA KANYA!" sigaw ni Markian habang pinupokpok ang manibila.

"ANONG KARAPATAN NIYA PARA PAASAHIN KA? HINDI AKO PAPAYAG NA SAKTAN KA NIYA! AYOKONG NAKIKITA NA NAIYAK KA DAHIL SA WALANG KWENTANG LALAKI NA IYON!" nanggagalaiting salaysay nito.

" iwan mo na yun. Wag mo na siyang kakausapin kahit kailan. Kung nagawa ka niyang paasahin at saktan ngayon ano pa kaya kung magtatagal Kayo. HIWALAYAN MO NA YUN! MAGHANAP KA NA NG IBA. PWEDE NAMANG..." humarap siya kay Mahlia na nakaupo sa backseat and laking gulat niyang mahimbing na itong natutulog. Dahil na rin siguro sa pagod at pag-iyak.

"Pwede namang ako." Bulong nito. Sapagkat kahit lakasan naman niya ang pagbigkas ay hindi na ito maririnig ng natutulog niyang kaibigan.

---------------------------
Author's note:
Sorry na Mahlia! HAHAHAHAHAHAH

MAHLIA  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon